Tumutulong sa pagpapasigla sa mabilis na paglago ng ecosystem ng Oasis Parcel ang mga kasosyo at mga bagong paggagamitan

Elise
Oasis Foundation Filipino

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

May natatanging paglago at pagtanggap ng mga developer ang Oasis Parcel simula ng paglunsad nito. Hindi lang lumago ang aming kasosyo sa ecosystem, may mga aplikasyon na rin ito iba’t ibang mga industriya gaya ng Pangangalaga sa kalusugan, Pananalapi, Genomics, Cybersecurity at iba pa. Napakahalaga na paganahin ang privacy ngayon higit kailanman at tapusin ang data silo bilang ang aming vision at pahintulutan na pag mamay arian at kontrolin nila kung paano gagamitan ang kanilang data.

Ano ang Oasis Parcel?

Isang hanay ng nangunguna sa privacy, mga data ng API ng pamamahala ang Parcel na ginawa para makapagbigay ng mas mahusay na kontrol at pangasiwaan kung paano gagamitin ng mga gumagamit ang kanilang mga data. Makapag imbak ng ligtas ang mga developer ng mga sensitibong data ng gumagamit, ang sensitibong data ay maaaring matukoy at makapagpatupad ng patakaran sa paggamit, makabahagi ng talaan kasaysayan ng pagbubukas ng ligtas sa kanilang mga gumagamit at ang pagsusuri sa pagpapanatili ng privacy ay mailunsad ng nakahiwalay sa compute environment.

Sinusuportahan ng Parcel ang pag tokenize ng data, isang natatangi na kakayahan sa pagbuo ng token mula sa data, at may access control policies na inilagay ng mga may ari ng data. Kung ang mga token na ito ay binili, na tinatawag ding mga NFT ng data, maaari silang magpatakbo ng mga piling pag aaral na sumusuporta sa mga NFT ng Data, napapailaliman sa mga patakaran na itinakda ng mga may-ari ng data. Mahalagang suporta sa pag unawa ng ating vision sa tunay na pagmamay ari at responsableng paggamit ng data ang Parcel at ang kakayahan nitong mag tokenize ng data.

Malawakang nagbibigay ang Parcel runtime sa mga developer ng mga sumusunod na kakayahan,

  1. Pagkontrol ng mga kliyente sa kanilang data at magtakda ng access control policies ng paggamit ng data
  2. Pagpatakbo ng mga computations sa gumagamit ng data para ito ay hindi magagalaw ng natural at hindi naka encrypt na paraan ngunit sa halip ay ginagamit sa hardware trusted execution environments upang magbigay ng privacy sa paggamit ng data
  3. Pagtokenize ng data, sa pagbebenta ng mga token na may suporta ng data o tinatawag din nating mga NFT ng data ang mga may ari ng data ay maaaring kumita, sa bilihan ng data. Maaaring magpatakbo ng mga pagkalkula ang bumili ng token na binabalik sa may ari ng data ang monetary flow.
  4. Paganahin ang audit trail ng lahat ng transaksyon na pinananatili sa ledger.

Makahulugang Paglago

Mahigit dalawangpung kompanya ang nakipagsosyo sa amin at kasalukuyang bumubuo sa Parcel runtime mula ng inilunsad ito. Sa nakalipas na anim na buwan ang Parcel ay may makahulugang paglago sa paggamit. Bago nating suriin ang ilan sa mga kompanya na bumubuo sa Parcel ay bigyang diin natin ang ilan sa mga sukat ng paggamit ng Parcel.

Unang larawan. Ang bilang ng mga paggamit sa Parcel API bawat buwan

Pangalawang larawan. Ang bilang ng mga pinagkakatiwalaang computation job na tatakbo bawat buwan

Pangatlong larawan. Ang pagtaas sa data na iniimbak at itinago sa loob ng Parcel sa Gb

Katulad ng pinapakita sa una, pangalawa at pangatlong larawan, ang bilang ng mga pagamit sa API ay may matatag na paglaki na halos isang milyon noong nakaraang buwan, ang bilang ng tumatakbong confidential compute sa Parcel ngayon bawat buwan ay humigit kumulang labinglimang libo. Panghuli, Sa anim na buwan na pangunguna ay lumaki halos umabot sa 1Tb ang mga nakatagong data ng mga kliyente na nasa Parcel sa oras ng pagsulat nito.

Matibay na ecosystem at mga paggagamitan ng proyekto

Bilang karagdagan sa pagbibigay ng API para sa paggamit ng mga kakayahan na nabanggit sa itaas, ang pag unlad ng aplikasyon ng language-agnostic ay pinapagana ng Parcel, na nagpapalawak ng kakayahan ng mga network ng blockchain sa mga start up at mga naitayong negosyo na may kinalaman sa blockchain. May marami kaming pakikipagsosyong nakahanda (sa produksyon o nasa beta) sa iba’t ibang mga industriya, na nagpapakita ng halaga at magdadala sa lahat ng sektor ng pagsulong sa teknolohiya na nagpapanatili ng privacy.

Genomics

Genetica

Ang pinakamabilis na lumalaking kompanya ng genomics sa Asya ang Genetica. Sa teknolohiya na pagmamay ari nila ang mga indibidwal ay maaaring makatanggap ng mahahalagang kaalaman sa kanilang genetic. Nagbibigay ng mga serbisyo na may kahusayan sa partikular na kalagayan na maaaring makilala mula sa genome ang ginamit na platform para humiling na makita ang genome at maiayos ang kanilang kahusayan sa piniling mamamayan. Ang mga kliyente ay babayaran para sa pag ambag ng kanilang genome sa pamamagitan ng gantimpala sa crypto at mga kaalaman sa genetic.

Nakatulong magbigay ng mas matibay na mga garantiya sa privacy sa kanilang mga mamimili ang aming pakikipagsosyo sa Genetica. Maaaring makontrol ng mga kliyente ang pagkakagamit (kahit binawi na), sa pamamagitan ng pagtatago ng sequenced genome data gamit ang Parcel.

Nebula Genomics

Ang unang kompanya na isinama sa Parcel at Oasis sa genomics ang Nebula Genomics. Maaaring lubos na makontrol ng mga kliyente ng Nebula ang kanilang sequenced genome at magbigay ng pahintulot sa Nebula na suriin ang kanilang mga genome at magbigay ng mga interpretasyon sa kanilang polygenic risk score. Nakakapagbigay sila ng mga genetic testing na nangunguna sa privacy sa pakikipagsosyo nila sa Oasis, pati na rin ng matibay na garantiya ng pagiging ligtas sa mahalagang pagkakakilanlan ng bawat isa.

Naglabas ang Nebula Genomics ng Data NFT ng kanilang tagapagtatag at ang ama ng genomics, ang genome ni Prof. George Church sa Oasis platform.

Pangangalaga sa kalusugan

Castalise

Para mabigyan ang kanilang mga mimili ng kakayahang magbahagi ng data sa mundo ng B2B ang Castalise ay nakikipagtulungan sa Parcel. Pinanatiling ligtas ang mga data sa Parcel at ang negosyo bilang mamimili ng data ay maaaring magpatakbo ng mga programa sa pagsusuri gamit ang Parcel confidential compute. Nag aalok sa mga kompanya ng gamot ng try-before-they-buy ng iba’t ibang dataset para magamit sa kanilang mga pag aaral bilang kinatawan ng paggagamitan ng Castalise.

Ruyi Health

Ang mga aparato sa pagsubaybay sa kalusugan ng mga nasa bahay na pasyente ay pinagsasama ng Ruyi Health sa data ng EHR para makapagbigay ng holistic sa mga doktor at patuloy na pagsubaybay sa kalusugan ng mga pasyente nila. Ang Parcel consent management workflow ang ginagamit nila para makuha ang pahintulot at ang data ng kanilang kliyente ay mapanatiling ligtas na paggamit at umaasa sa seguridad na modelo ng Oasis network para maprotektahan ang mga sensitibong digital na kayamanan na ito.

Mga NFT

Bitmark

Ginawaran bilang World Economic Forum Technology Pioneer noong 2020, nakatuon ang Bitmark sa pagbibigay ng kakayahang pagkakitaan ng mga gumagamit ang kanilang data bilang isang non-fungible na pagmamay ari at makilahok sa mga pamilihan. Nakita ng Bitmark ang kahalagahan ng Parcel sa pag abot ng misyon na ito at ngayon ay sinasama sa dalawa nitong produkto, Ang Feral File at Autonomy.

Isang pamilihan ng NFT art ang Feral File upang gawing limited edition ng mga manlilikha ang mga sining, na maaari nilang ibenta sa mga online na tanghalan. Binibili ng mga gumagamit ang mga NFT na ito at makakapagbukas sila sa mga digital na file na pinanatili ang pinagmulan sa blockchain.

Isang aplikasyon sa mobile ang Autonomy na ginagamit ang Parcel runtime para maimbak ng maingat, ligtas, tatagal ng mahabang panahon at paganahin sa mga ito ang computation, ng ligtas na paligid, hindi ipapakita ang batayan ng data. Maaaring iimbak ng mga gumagamit ang kanilang data sa pananalapi, social, kalusugan sa Oasis at lumahok sa mga pamilihan ng data.

Auth3

Ang Parcel at ang kakayahin nito sa pag tokenize ay ginagamit ng Auth3 upang bumuo ng platform na pinagkakitaan ang data.

Ang pamamahala ng data at ang pagpapanatili ng privacy sa Parcel Paratime ay ang ginagamit ng MetaMirror upang ang bawat isa ay makalahok sa metaverse at kumita sa kanilang data habang pinanatili ang kontrol. Ang koleksyon ng NFT na Oasis AI ROSE ay ang ipinakilala ng koponan at ang unang sinusuportahan ng MetaMirror na ginawa sa Oasis Network. Mayroong siyam na daan at siyamnapu’t siyam na AI-generated na mga larawan na tokenize ng mga rosas sa Oasis network sa mga NFT.

Social

Personal.ai

Ang Personal.ai ay isang kompanya na gustong nahahanap ang mga alaala ng mga tao sa paggawa ng mga AI na avatar. Gagawin nila ito sa Stack, sa isang timeline na nakabalangkas ng mga memory block na pinasagana ng AI na mga transformer at pinatibay ng Blockchain at Prime, isang AI na conversational na patuloy natututo sa mga konektadong Stack sa aktwal na pag alaala.

Sila ang nagpasimula at ngayon nasa controlled beta rin ng Parcel. Nakatulong sa pagbibigay ng kumpletong privacy at mga garantiya sa pagiging ligtas habang tinitiyak ang nararapat na karanasan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng imbakan at compute off-chain ang pakikipagsosyo nila Oasis at Parcel.

Ang Music Fund

Ang Music Fund ay nagbibigay serbisyo pampinansyal para sa bagong ekonomiya ng mga tagalikha. Binuo sa algorithmic forecasting, para mahulaan ang kikitain ng mga artist sa streaming ay nangangailangan ito ng data, napakasensitibo at pribado ang ilan sa mga ito.

Sa paggamit ng Parcel, maaari silang ligtas na makapag imbak ng katibayan ng mga artist, makakuha ng mga tugong data galing sa pinag streaming-ngan, at gagamitin ang data na iyon sa ligtas na mga compute worker na galing sa Parcel para tantiyahin ang susunod na kikitain sa mga stream batay sa nakaraang pagganap. Ang Parcel ang napili nila dahil mabilis at madali silang makapagbigay ng paraan sa mga artist na magbahagi ng mga sensitibong streaming at impormasyon ng pananalapi sa amin habang pinapanatili ang kanilang privacy at kontrol sa data.

. Pinili nila ang Parcel dahil mabilis at madali silang makapagbigay ng paraan sa mga artist na magbahagi ng mga sensitibong streaming at impormasyon sa pananalapi habang pinapanatili ang kanilang privacy at soberanya sa data. Ang mga tagahanga ay binabayaran ng gantimpala para sa kanilang suporta.

Cybersecurity

CryptoSafe Alliance

Pinangungunahan ng Binance ang CryptoSafe Alliance ay nagpapahintulot sa mga miyembro ng Alliance na magbahagi at mabuksan ang data ng impormasyon ng pagbabanta sa mga palitan at platform ng DeFi.

Ang Binance ay nakipagsosyo sa Oasis Parcel para makapagbigay ng platform kung saan ang mga palitan ay magkakasamang mabawasan at tuluyang mapigilan ang mga pandaraya habang ligtas na pinoprotektahan ang bawat sensitibong data sa desentralisadong paraan.

Fintech

SafeRate

May vision ang Safe Rate na maging Operation System ng Pag aari ng Bahay. Ang inaalok nila ay madaling produkto ng mortgage na magkakaloob sa mga may ari ng bahay ng mga awtomatikong kabawasan sa bayad sa oras ng kagipitan. Kasama nila ang Oasis sa maraming pangunguna para maisakatuparan ang kanilang vision. Abangan. Ang Oasis ang napili nila dahil sa pangunguna sa privacy na kalakaran natin at naniniwalang ito lamang ang solusyon ngayon na makakatulong sa kanila na makapaghatid ng sistematikong pagbabago sa pagbili ng bahay at pagmamay ari na ecosystem, hindi lamang ang mga may ari ng bahay ang matutulungan pati na rin ang mga mamumuhunan na gustong magpondo sa mga pagbili ng bahay batay sa natatanging pamantayan.

Ang matatag na ecosystem ng Oasis ay nagpapatuloy upang magbigay ng mahalagang kapakinabangan sa mga gumagamit

Mga pasulyap lang ang mga aplikasyon ng Parcel na nabanggit sa itaas ng isang kumoletong ecosystem ng Oasis. Ang mga serbisyo nito ay patuloy na pinapabuti ng Oasis para kapakinabangan ng lumaki nitong komunidad. Dahil dito, narito ang ilan sa mga tumutulong sa ecosystem ng Oasis:

Grant Program — Ang programa ay tumutulong sa mga developer na nagbubuo sa Oasis Network

$200 Million Ecosystem Fund — Nagtatampok ang pondo ng maraming interesadong kasosyo sa mga pinangunahang sektor ng Oasis: Ang DeFi; Mga NFT; Metaverse; at Data tokenization.

Mga Proyekto ng DeFi — Ang kapakinabangan ng Oasis ay pinapalawak sa pamamagitan ng mga proyekto ng DeFi sa ecosystem nito. Inilunsad ang DeFi sa Oasis noong nakaraang taon sa pangunguna ng Wormhole at YuzuSwap. Ngayong taon at sa susunod pa mas maraming makabagong platform ng Defi ang inaasahang madadagdag.

Mga NFT — May NFT na sa ecosystem ng Oasis sa pamamagitan ng Oasis AI ROSE NFT Collection na sinusuportahan ng MetaMirror. Mas marami pang koleksyon ng NFT ang aasahan ng komunidad habang patuloy na lumalaki ang Oasis.

Kung ikaw ay developer at gusto mong alamin ang Parcel, maaaring magsimula sa aming Quick Start Guide dito.

--

--