Ang mga Update sa Emerald ParaTime — Pebrero 2022

Elise
Oasis Foundation Filipino
6 min readFeb 16, 2022

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Noong Nobyembre 2021 ay inilunsad ang Emerald, ang opisyal na EVM compatible na ParaTime ng Oasis. Ito ay nagdala sa Oasis Network ng maraming kakayahan, kabilang ang madaling pagsasama sa EVM na nakabatay sa DApps at ang paglunsad ng mga unang proyekto ng DeFi noong Enero 2022 sa Oasis Network. Naglikha ng malaking interes at nagdulot ng mabilis na paglaki sa pagkakagamit sa Emerald ang mga paglulunsad na ito. Para makasabay sa mabilis na paglaki na ito, Naglabas ng mga hanay ng upgrade ang pangkat ng Oasis para matiyak ang patuloy na kahusayan sa paggamit ng mga user ng Emerald.

Sa ngayon, sa loob ng mahigit isang linggo mula noong inilabas ito noong ika-28 ng Enero ang version 6.2.0 ng Emerald ay maayos na tumatakbo sa Mainnet. Ang mga validator na nagpapatakbo ng mga Emerald node sa Oasis Network ay limangpu’t lima, at bawat araw ay halos dalawangdaan libong transaksyon ang pinoproseso sa Emerald. Sa blog na ito, nagbigay kami ng mga karagdagang detalye sa mga natamo ng Emerald sa mabilis nitong pag unlad noong Enero at kung paano ang mga isyu na dumating na resulta sa paglago ay nilutas ng pangkat ng Oasis.

Makabuluhang Paglago ng Paggamit

Noong Enero pagkatapos sa initial launch na ito ay mabilis na tumaas ang transaction volume ng Emerald. Ang mga transaksyon bawat araw hanggang ika-5 ng Enero ay nagsimula sa ilang dosena lamang, noong ika-10 ng Enero tumaas sa mahigit 18k bawat araw. Noong ika-11 ng Enero naganap ang unang mahalagang pagtaas sa transaction volume, noong umabot sa mahigit 150k ang bilang ng transaksyon bawat araw. Kasabay ito ng paglulunsad ng integrasyon ng Wormhole at YuzuSwap, ang unang DEX na binuo sa Oasis Network, na sa loob ng labing dalawang oras sa paglunsad nito ay lumagpas sa isandaan libong milyon dolyar ang TVL.

Ang mabilis na pagtaas ay nagpatuloy, noong ika-19 ng Enero umabot ang transaksyon kalaunan sa pinakamataas na 950k, kung saan ang non-zero minimum na presyo ng gas ay itinakda sa mga gateway ng web3 na pinangunahan ng Oasis. Pagkatapos, ang transaksyon bawat araw hanggang sa matapos ang buwan ay nanatili sa humigit kumulang 200k.

Pagtiyak sa Kagalingan at Scalability ng Network

Ang kalagayan ng Emerald ay patuloy na sinusubaybayan ng pangkat ng Oasis upang matiyak na sa tuwing may isyu, mabilis na magawa at mailabas ang mga solusyon. Kasunod ng makahulugang paglaki sa transaksyon volume, gumawa ng agarang hakbang ang Oasis at mga node operator ng network para matugunan ang pangangailangan at matiyak ang kagalingan ng ParaTime.

Noong ika-11 ng Enero naitala ang unang mabilis na pagtaas sa pagkakagamit, ang kapasidad ng hardware sa kasalukuyang mga server ng web3 gateway ay agad na tinaasan ng pangkat at naglabas ng mga bagong paghimok. Nakapagtaas ang mga endpoint para matugunan ang lumalaking demand sa mabilis na pagkilos na ito mula sa Network at ng mga kasosyong komunidad nito, na kung saan ang kasalukuyang mga request bawat araw ay naghumigit kumulang sa 23M.

Pagsuporta sa mataas na pangangailangan ng Emerald 6.1.0

Zero-fee Transaction Spam

Hindi kinakailangan magbayad ng mga user ng bayarin sa transaksyon sa Emerald upang makapagsimula, inilunsad namin ng walang malinaw na nakatakdang minimum na presyo na bayarin sa transaksyon sa Mainnet ang Emerald. Noong nagsimula ang pagkakagamitan ng Emerald, ang patakarang ito ay sinimulang samantalahin ng ilang mga user at naglagay ng bot na nag-spam sa network ng mga zero-fee na transaksyon. Ang subukang kumita ang isang posibleng layunin ng naturang pagkilos sa paglalagay ng mga pansamantalang mga trade order sa DEX platform.

Habang ang pagkilos na ito ay tumataas, nagsikap kami upang maiwasan itong makaapekto sa karanasan ng mga hindi bot na mga user sa network. Una, ang minimum na presyo ng gas sa endpoint ng web3 gateway na pinangunahan ng Oasis ay tinaasan at naglabas ng mga upgrade kalaunan para makapagtakda ng non-zero minimum na presyo ng gas sa kanilang node ang mga operator sa ParaTime node ng Emerald. Ito ay nangangahulugan na maipatupad ang minimum na presyo ng gas at matanggal ang zero-fee na mga transaksyon sa lahat ng mga node nasa nasa worker committe ng Emerald ParaTime na nag upgrade sa bagong version.

Hindi tamang Transaksyon Scheduling na lampas sa limitasyon ng gas sa block

Bilang ang pagtaas ng pangangailangan ay nagpalaki sa transaction volume, may isyu kaming natuklasan na hindi isinasaalang alang ng maayos ang gas limit ng transaction kapag ang mga batch ng transaksyon ay iniskedyul. Ang kinalabasan, maaaring mag-iskedyul ang iskedyuler transaksyon ng Emerald ng mga batch na gumamit ng mas mataas na gas kaysa sa gas limit ng block. Ang ganoong mga batch ay maaaring maiiskedyul ngunit hindi maisakatuparan dahil ang transaksyon at ang block gas limit ay parehong kinukumpirma ng tama habang pinoproseso.

Ang ilang mga transaksyon ay magreresulta ng error na may “batch out of gas”, halimbawa:

batch out of gas (limit: 10000000 wanted: 10000111)

Ang mga user ay magbabayad pa rin ng gas fee kahit ang kanilang mga transaksyon ay hindi naproseso dahil ang block gas limit sa batch ay lumagpas sa maximum. Ang mga gas fee sa Emerald, ibinihagi ang mga binayad sa mga node na naka iskedyul sa oras na iyon.

Ang Emerald ParaTime 6.1.0 release ay tumutugon sa zero-fee transaction spam at ang block gas limit bug na mga isyu sa pamamagitan ng:

Tinutugunan ng Emerald ParaTime 6.1.0 release ang parehong zero-fee transaction spam at gas limit ng block na mga isyu sa bug sa pamamagitan ng:

  1. Ang mga Emerald node ay makapagtakda ng non-zero minimum gas price, at
  2. Ang gas limit ng transaksyon kapag nag iskedyul ng mga batch ay isaalang alang ng maayos.

Noong ika-19 ng Enero nagsimula ang testing sa upgrade, at inilabas sa Maiinet noong ika-26 ng Enero.

Mas mahusay na Transaction Scheduling sa Emerald 6.2.0

Matapos matugunan ang zero-fee transaction spam at ang isyu sa gas limit ng block sa paglabas ng Emerald 6.1.0, ang lumabas na isyu sa Emerald Transaction Scheduler dahil sa kung paano hinahawakan ng Ethereum ang mga gas fee na hindi nagamit ang isa pang pinagtutuunan ng pangkat. Sa Ethereum (at Emerald), ang gas limit sa transaksyon ay maaaring itakda ng mga user ng mataas, hal., 5M gas unit, at kung ang transaksyon ay gumamit lang ng 100k gas unit, ang mga hindi nagamit na gas fee ay makukuha ng user. Subalit, dahil ang ginamit ng Emerald na ParaTime transaction scheduler ay tinatanggap lang ang hinihiling na gas limit ng transaksyon, magiging posible ang denial of service attack kung saan ang umatake ay maaaring malaki ang magamit sa Emerald block sa pagdedeklara ng napakalaking gas limit ng transaksyon habang ginagamit ito, at magbabayad ng mas mababa.

Ang pagpalaki sa ParaTime SDK na may bagong transaction scheduler na alam kung gaano kalaking gas ang nagagamit sa transaksyon ang solusyon sa mga isyu na ito. Sa pagsaalang alang kung gaano kalaki ang gas na magagamit ng transaksyon sa pag gawa ng mga batch, natitiyak ng bagong transaction scheduler na matanggap ng ParaTime ang gas semantic ng Ethereum na mahusay na makabuo ng block.

Noong ika-27 ng Enero, inilabas sa testnet ang Emerald 6.2.0 na may bagong transaction scheduler, dinala ng pangkat ng Oasis sa Mainnet makalipas ang isang araw, noong ika-28 ng Enero.

Parehong backward compatible ang Emerald 6.1.0 at 6.2.0 release, nagpanatili sa ParaTime na gumana habang nagsasagawa ng mga upgrade ang mga kasaling node. Nagpakumpleto sa parehong upgrade ng walang anumang downtime.

Mabilis na tugon ng mga Node Operator ng Emerald
Sa kabila ng anunsyo na magaganap ang Emerald 6.2.0 ng biyernes ng gabi sa oras ng Asya at Europa, ang mga node operator ay mabilis na nag update ng version sa kanilang Emerald ParaTime at Oasis node. Wala pang apat na nakalipas pagkatapos ng anunsyo sa 6.2.0, ang mga naupgrade ay lagpas na sa kabubuang kalahati ng 65 na Emerald node, at 56 sa 65 ang nag upgrade ng wala pa sa 24 na oras.

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa nakakamanghang komunidad ng mga tapat at magiliw na mga node operator sa Oasis Network!

--

--