Ang nanalo sa Oasis Bloom Hackathon — Pakikipanayam sa Histopia

Elise
Oasis Foundation Filipino

--

Nakapanayam namin si Saber ng Histopia, para masulyapan ang kaganapan sa likod ng Innovator Award-winning team sa Oasis Bloom Hackathon.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Tungkol saan ang inyong proyekto?

Isang MMORPG na nakabatay sa blockchain ang Histopia na isinama ang DeFi layer sa mahusay na Histopia Meteverse. Sa pagpapakilala ng konsepto ng Proof of Military (PoM), nagbuo kami ng malinaw na modela ng ekonomiya ng GameFi na maging incentive mechanism para sa Histopia Metaverse. Magiging mandirigma, manggagawa, magsasaka at pinuno ang mga taga histopia sa Multi-Planet na mundo na ito.

Tungkol sa pagbabago, pagkagulo at pag unlad sa mga industriya ang Web3. Anong industriya ang nilalayon na umunlad ng iyong proyekto, at anong mga isyu ang gusto niyong lutasin?

Nakatutok ang Histopia sa paglalaron at 3d experience. ngunit tungkol sa paggawa ng mga ligtas at malinaw na bagay ang Web3, kaya kami ay nagdisenyo ng complex na modelo ng ekonomiya sa mahusay na platform ng social simulation ng Histopia MetaVerse. Ang pagbabalik ng pagmamay ari sa mga real-world asset ay posible na sa Web3, at ang pamamahala sa mundo na ito ay ibabalik din namin sa mga user.

Saan galing ang pangalan ng inyong proyekto? Saan niyo nakuha ang inspirasyon?

Isang mundo na sinadya at matalinghaga naming idinisenyo mula sa umpisa ang Histopia. Sa simula ng pandemya, naramdaman namin ang pangangailangan sa paggaya ng totoong mundo na may mahusay na modelo ng trustless na ekonomiya. Ang bagong ERA (kasaysayan) na idinisenyo na maging perpekto sa anuman paraan (utopia), na tinatawag naming Histopia.

Ano ang nakaugalian ninyong araw?

Tulad ng iba pang startup na kakasimula pa lang, kami, bilang tagapagtatag, ay dapat makisali sa halos lahat ng aspeto ng Histopia; araw araw na pagpupulong sa mga pangkat ng pag unlad at sining ay perpektong paraan sa pagsisimula ng araw pagkatapos magkape :) Kung iisipin mo ang modelo ng mga smart contract, ang paghiwa ng mga sibuyas ang maipapayo ko. Kahit papaano ay masasabi mo na ang mga sibuyas ang dahilan ng pagluha mo, hindi ang napakahirap na pagdisenyo ng trustless pero UX-friendly na mga contract, nagbibiro lang :) Para sa kaalaman mo, ang paggawa ng mga bagong pamamaraan ang nasa nakagawian ko. Hindi ka maninirahan sa lungsod ng baybayin nang hindi pumupunta sa baybayin paminsan minsan, kung kung may libreng oras ako, maliligo ako.

Bakit sa Oasis Network ninyo napagpasyahan magbuo? May partikular na bagay ba na nakakapag panabik sa inyo sa komunidad at pangkat ng Oasis?

Ang pagiging stability at scalability ang pinakamahalagang bagay na nagustuhan namin sa Oasis Network. Nangangailangan ang Histopia ng scalable at maaasahang imprastraktura, kaya masaya kaming pinili bilang isa sa aming unang mga planeta ang Oasis.

Sino ang nasa koponan ninyo? Magbahagi ng kaunti tungkol sa iyong sarili, mga tungkulin at mga hilig. Paano kayo nagkakilala at nagpasya na magtulungan?

Ang pangkat namin ay kinabibilangan ng limang developer at sampung part time na mga artist na nagkakasama sa iba’t ibang proyekto bilang consultant o developer. Halos tatlong taon na kaming magkasama ni Hadi at nagsimula ng startup na OxyDev at mula noon, pinalaki ang aming pangkat at portfolio.

Ano ang pinaka kinasasabikan mo tungkol sa blockchain at Web3? May mga “nakatutuwang mga pangarap” ka ba para sa industriya, at paano ito makakaapekto sa ating pinalawak na lipunan?

Ang isa sa aking mga layunin ay ang desentralisasyon. Sinubukan naming gampanan ang aming tungkulin sa pamamagitan ng pagtulong sa malawakang pagtanggap ng pagsulong sa Web3. Hindi na ako makapaghintay pa na makitang lumipat na ang mga tao mula sa Web2 patungo sa susunod na henerasyon ng Internet at makita sa totoong buhay ang epekto sa pagsulong na ito (pulitika, klima, maliit na negosyo)

Ano ang mga layunin mo sa hinaharap; saan mo nakikita ang iyong sarili sa loob ng 2–3 taon mula ngayon? Ano na ang gagawin mo?

Inilalabas ko ang utopia sa Histopia, kaya susubukan ko ito at pag aralan hangga’t kaya ko. Kung papalarin, makikita ko ang epekto ng Histopia sa mga tao at sa kanilang buhay balang araw.

Ano ang ilang naging problema habang ginagawa mo ang proyekto? Ano ang natutunan mo?

Ang pagbuo at paghanap ng pangkat na may parehong layunin sa amin ay ang naging hamon para sa amin. Subalit nagpapasalamat ako sa lahat ng nakilala namin at sa mga aral na natutunan namin sa ngayon. Desisyon namin ang paggawa sa game engine namin at maraming oras at resources ang inilaan namin dito dahil naniniwala kami na kumbinsihin ang mga tao na lumipat sa Web3, kinailangang makipagkumpitensya kami sa kaakit akit na mundo ng Web2 :)

Sino ang bayani mo sa Web3? Sino ang hinahangaan mo sa lugar na ito?

Si Satoshi :) Naalala ko yung gabi na una kong nabasa ang masterpiece niya, bitcoin whitepaper, at binasa ko ito ng paulit ulit. Napakasimple nito gayunpaman, ito din ay ang pinakasumasaklaw na solusyon sa sinaunang problema ng mga tao.

Ano ang motto mo?

Ikaw ay magiging desentralisado /\-_-/\

Ano ang gusto mong gawin kung hindi ka nagtatrabaho?

Nabanggit ko na yata ang ilan, pero mahilig din akong maglaro ng tennis kasama si Hadi, hiking, at paglalakbay :)

At, gusto kong magpasalamat sa komunidad at sa pangkat ng Oasis para sa kanilang suporta at abangan ang aming mainnet launch sa katapusan ng Hunyo.

Manatiling konektado sa Histopia

Manatiling nakasubaybay sa mga bagong kaganapan sa Histopia sa kanilang mga social media channel:

Kung interesado ka sa pagbuo ng iyong proyekto sa Oasis, maaaring mag apply ng pagpopondo sa aming $235 Million Ecosystem Fund at sumali sa pinakabagong Gitcoin Hackathon para matulungan ka na makapagsimula. Para basahin ang aming developer resources ay mangyaring bumisita dito.

--

--