Ang Oasis Privacy Layer, na pinapagana ng Sapphire

Joven Bugay
Oasis Foundation Filipino
6 min readNov 24, 2022

--

Disclaimer: Ang publikasyong ito ay pagsasalin na ginawa ng isang Oasis Ambassador. Mahigpit na sinuri upang magbigay ng tumpak na pagsasalin, ngunit maaari magkamali o magkulang. Walang pananagutan ang Oasis sa katumpakan o pagiging maaasahan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Ang Sapphire ay groundbreaking advance para sa mga Solidity developer na gustong bumuo ng privacy dApps. Sa ngayon, maaari na rin itong magamit upang makadagdag ng confidentiality sa mga umiiral na dApp sa mga sikat na EVM network bilang privacy layer.

Noong inilunsad namin ang Sapphire sa testnet noong Q3, binuksan namin ang pinto para sa mga EVM developer na bumuo ng kumpidensyal na dApps sa lengguwaheng alam nila. Nag-aalok ang Sapphire ng solusyon sa blockchain privacy paradox at ipinapakita ang flexibility ng Oasis Network at customizable ParaTime layer nito sa paglikha ng isang kumpidensyal na EVM developer environment.

Ngunit ang kumpidensyal na EVM ParaTime ay simula pa lamang. Ang Sapphire ay ang key building block ng pagbuo ng privacy layer para sa Web3, kasama ang lahat ng EVM chain at dApps– ito ang Oasis Privacy Layer.

Gamit ang Oasis Privacy Layer, sikat na dApps, sa lahat ng pamilyar na EVM chains, magagamit ang privacy technology ng Oasis nang hindi kinakailangang ilipat ang kanilang buong application at user base sa ibang chain.

Tingnan natin kung paano ito ginagawang posible ng Sapphire.

Sapphire sa aksyon

Ang Oasis Network ay nilikha para sa builders. Para sa Web3, ang mga kagamitang pang-trade ay Solidity, EVM at ang kayamanan ng mga nauugnay na kagamitan na binuo ng komunidad para sa pagbuo ng matatag at secure na dApps sa mga EVM-compatible na chain. Ano naman ang kulang? Habang ang smart contracts ay nagbibigay ng mga benepisyong transparent at auditable application na lohika at estado, ang katotohanan na ang lahat ng on-chain na estado at mga transaksyon ay ganap na pampubliko na ginagawang imposibleng ilipat ang mga kritikal na mahalagang bahagi ng maraming mga application on-chain.

Tingnan natin kung paano inaalis ng Sapphire ang mga limitasyong ito sa isang nakakatuwang laro!

Naglaro ka na ba ng Wordle? Ang nakakahumaling na word game na naging viral at kalauna’y binili ng New York Times? Iniimbitahan ka naming subukan ang Wordleish: isang simpleng larong blockchain-based na may katulad na prinsipyo: https://wordleish.pages.dev/games/2

Ang layunin ng Wordle (at Wordleish) ay hulaan ang limang-titik na sikretong salita gamit ang feedback mula sa successive guesses–colored tiles na itinuturo kung ang mga titik at kanilang mga lokasyon ay tumutugma sa solusyon. Ang Wordleish ay nagdaragdag ng isa pang dimensyon sa pamamagitan ng pag-enable sa mga manlalaro na makipagkumpitensya upang malutas ang mga puzzle na ito on-chain. Ang mga puzzle ay naka-imbak sa isang smart contract, at ang unang manlalaro na makalutas ng bawat puzzle ay immortalized on-chain.

Ano ang mangyayari kung susubukan nating bumuo ng Wordleish sa isang tradisyunal na EVM network? Dalawang mahalagang limitasyon ang nag-aalis ng lahat ng saya sa kompetisyon. Una, kung iiimbak natin ang solusyon sa puzzle sa on-chain storage, hindi talaga ito lihim–kahit sino’y kayang i-spoil ang laro sa pamamagitan lamang ng pag-query sa pampublikong contract storage. Bilang karagdagan, dahil ang mga transaksyon ay ganap na pampubliko, kapag ang isang manlalaro ay nagsumite ng isang transaksyon na naglalaman ng tamang sagot, sila’y vulnerable na ma “frontrun” ng ibang mga manlalaro.

Nireresolba ng Sapphire ang parehong mga problemang ito sa pamamagitan ng private smart contract state at ncrypted na mga transaksyon. Ito ang dahilan kung bakit kumikinang ang Sapphire para sa mga tagabuo ng Web3 na gustong lumikha ng mga bagong dApp na pinagana ang privacy.

Ngunit paano naman ang umiiral na dApps na maaari ding makinabang mula sa on-chain privacy? Paano ang dApps na gustong magsagawa ng mga sikretong balota sa kanilang DAOs, o pribadong NFT lottery, o Decentralized ID system na namamahala ng sensitibong personal na impormasyon?

Sapphire pa rin ang sagot, salamat sa Oasis Privacy Layer.

Paano gumagana ang Oasis Privacy Layer?

Nakita lang natin kung paano nabuo ang isang novel application tulad ng Wordleish sa Sapphire, ngunit paano maa-access ng umiiral na dApps sa ibang network ang on-chain privacy? Sa pamamagitan ng Oasis Privacy Layer, na isang gateway sa privacy features ng Sapphire para sa dApps sa iba pang EVM chains.

Upang maunawaan kung paano ito ginagawang posible ng Oasis Privacy Layer, ipagpalagay natin ang isa pang halimbawa ng privacy feature na maaari nating idagdag sa mga umiiral na dApps. Isipin nating mayroon tayong DAO na hosted sa isa pang EVM network, at gusto nating magdagdag ng opsyon para sa mga panukalang “sikretong balota”. Gusto pa rin natin ng “trustless” on-chain sa pagboto, ngunit gusto nating pahintulutan ang mga boto na isumite nang palihim, na ang panghuling resulta lang ang ibinubunyag.

Ang unang hakbang ay mag-deploy ng secret ballot smart contract sa EVM-compatible na Sapphire runtime. Pagkatapos, ang DAO contract sa home chain ay maaaring magpasimula ng pagboto para sa isang panukala sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa secret ballot contract sa message-passing bridge. Ang mga miyembro ng DAO ay magsusumite ng kanilang mga boto nang palihim bilang encrypted na mga mensahe, at kapag natapos ang pagboto, ang huling resulta ay iuulat pabalik sa DAO sa home chain sa pamamagitan ng bridge.

Ipinapakita ng figure sa itaas kung paano gumagana ang Oasis Privacy Layer bilang privacy-enabled side chain.

Tandaang ang mga transaksyon sa Sapphire ay nangangailangan ng gas fees na mabayaran sa native token (ROSE) ng Oasis. Upang matiyak ang tseamless user experience, maaaring gumamit ng gas relayer para ipasa ang mga nilagdaang mensahe ng users sa Sapphire at maiwasan ang pangangailangan para sa mga end user na kumuha ng ROSE para magbayad ng gas. Ang buong daloy ay nakumpleto sa isang solong pagdagdag na pag-click lamang ng user upang aprubahan ang pagbabayad sa gas relayer sa ETH/USDT/etc!

Bakit privacy layer?

Nasa kritikal na punto ang blockchain ecosystem sa ebolusyon nito. Noong nilikha ang Bitcoin, ang Web2 ay nasa tuktok nito, at ang pagpapakilala ng bagong teknolohiyang ito’y tila’y light years ahead. Nag-aalok ang Bitcoin ng desentralisasyon, transparency, komunidad, pagmamay-ari, at user-centric na mga diskarte sa pananalapi. Gayunpaman, ang teknolohiya ng blockchain ay kulang sa ilang mga lugar.

Ang kakulangan ng privacy ay madalas na pinag-uusapan pagdating sa blockchain bilang isang pinagbabatayang teknolohiya para sa ating buhay sa hinaharap. Walang gustong ilagay ang kanilang credit scores, impormasyong pangkalusugan, private-identifiable data, o sensitibong impormasyon sa isang transparent na pampublikong network.

Dahil dito, ang misyon ng Oasis ay i-scale ang blockchain sa Web3 at ibigay ang matatag, configurable, at functional na privacy na kinakailangan. Gusto naming maging parte nito ang blockchain, na magagamit, at pundasyon para sa Web3 — ngunit gusto naming matiyak na ang mga tao’y siguradong protektado rin ang kanilang privacy.

Ang Oasis Privacy Layer ay ang aming susunod na hakbang sa pagtiyak na mangyayari ang aming misyon. Binuo namin ang Sapphire upang sinumang Solidity developer ay magkaroon ng access sa privacy at bumuo ng kumpidensyal dApps para sa Web3. Ginawa namin ang Oasis Privacy Layer upang ma-access ang mga natatanging privacy capabilities ng Sapphire nang hindi isinasakripisyo ang anumang pagsusumikap ng nagawa na sa iba pang mga chain kasama ng iba pang mga naitatag na dApp.

Ang Oasis Network ay hindi magiging isa pang siloed Layer 1 chain na nagtatakda ng isa pang pamantayan ng blockchain, na lalong wumawasak sa ecosystem. Gusto naming ayusin ang kung ano na ang nilikha at bigyang kapangyarihan ang mga developer na dalhin ito sa next level. Ang mga solidity developer, EVM chain, at pangunahing dApps ay nagsisimula nang maabot ang Web3 ceiling dahil sa kakulangan ng privacy, at sa Oasis Privacy Layer, kami’y gumagawa ng landas pasulong.

Magtayo at maging parte nito ngayon

Malapit nang ilunsad ang Sapphire sa mainnet, at kasunod ng matagumpay na Hackathon, naghahanap kami ng higit pang mga proyekto upang maranasan ang pagtayo ng mga kumpidensyal na dApps sa Solidity. Nais din naming mag-alok ng grants para sa pagtatayo sa Sapphire. Kung interesado, mangyaring mag-apply dito.

Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa paggamit ng Oasis Privacy Layer para sa iyong dApps, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Discord

--

--