Ang Pagsososyo ng Genetica at Oasis Labs ay sinusuportahan ng Punong Ministro at Gobyerno ng Vietnam para Mas Mapahusay ang kawastuhan ng mga Medisina Gamit ang Platform ng Oasis

Elise
Oasis Foundation Filipino

--

Para maprotektahan ang 100K genomic data profile ay gagamitin ng Genetica ang Oasis Network para pagsusuri ng genomic na nagpapanatili ng privacy para sa kawastuhan ng medisina.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Nangungunang kumpanya sa genomic ang Genetica sa rehiyon ng Asya Pasipiko, at nangunguna naman sa pagbuo ng makabagong teknolohiya sa desentralisado na pamamahala ng data sa Web3 at confidential computing ang Oasis Labs, ay nagsosyo para masimulan ang kauna unahang platform ng pagsusuri ng genomic sa Web3 para sa kawastuhan ng medisina. Magbibigay ng pinakabago na solusyon sa Web3 ang pagtutulungan na ito para paganahin ang pagpapanatili ng privacy, incentive-compatible na platform para sa masimulan ang koleksyon at pagsusuri sa genomic data. Sa solusyon na ito, mapapanatili ng mga may ari ang kontrol sa kanilang genomic data habang makakatanggap ng mga gantimpala kung makakatulong sa medikal na pananaliksik ang kanilang data para makatulong na mapabuti ang mga personalized care.

Noong Martes, ika-17 ng Mayo, 2022, Ang pakikipagsosyo ng Genetica at Oasis labs ay inanunsyo sa ekslusibong seremonya sa San Francisco kasama ang Punong Ministro ng Vietnam at iba pang mga Ministro at mga opisyal ng gobyerno, na mga nasasabik na paunlarin ang Vietnam bilang pandaigdigang pinuno sa Web3. Ang makuha ang kanilang suporta sa pagsusumikap na ito ay ipinagmamalaki ng Genetica at Oasis Labs. Kasama ang mga kumpanya ng teknolohiya sa Vietnam at kaagapay ang mga kumpanya ng teknolohiya sa American Fortune 500.

Professor Dawn Song, Founder sa Oasis Labs kasama si Nguyen Chi Dung, Minister of Planning and Investment, Dave Strohm, Greylock Partners’ Venture Partner at Dr. Tuan Cao, Co-founder at CEO sa Genetica

Sinabi ni Nguyen Chi Dung, ang Ministro ng Ministry of Planning and Investment sa Vietnam na “Sa mga nakalipas na taon, patuloy na umuunlad ang pamumuhunan sa sektor ng teknolohiya sa Vietnam. Ang mga kumpanya na tinatanggap ang teknolohiya sa makabago at pambihirang paraan ay dumarami upang makapagbigay ng mura at mga magandang solusyon sa mga isyu katulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, pananalapi at iba pang mga departamento. Isang halimbawa ang pagsososyo ng Genetica Asia at ng Oasis kung paano magiging posible ang mga pambihirang solusyon salamat sa malakas na ugnayan ng US-Vietnam sa larangan ng teknolohiya at pamumuhunan.”

Ang Parcel ng Oasis Network ay gagamitin ng Genetica, desentralisadong pamamahala ng data at platform ng confidential computing sa Web3, para ang mga genomic profile ay mai-tokenize na pagmamay ari pa rin nila ang kanilang genomic data, na kontrolado at nakikita kung paano ginamit at sinuri ang kanilang genetic data. Sa kasalukuyan, may 30k na genomic profile ang nai-tokenize ng teknolohiya ng Oasis, at ang pakikipagsosyo na ito ay makakapagdagdag sa 100k na mga genomic profile.

Professor Dawn Song, Founder ng Oasis Labs kasama si Dr. Tuan Cao, Co-founder at CEO ng Genetica

Sinabi ni Professor Dawn Song, ang Founder ng Oasis Labs: “Napakahalaga ng data, ang bumuo ng mga teknolohiya na gagamit ng data na ito na pinapanatili ang privacy at responsableng paraan ay kinakailangan. Bumubuo ng paltform ang Oasis Labs na makakapagbigay ng kakayahan upang makontrol ang kanilang data at masuri kung paano ito gagamitin. Kapag maaaring gawing isang bagong klase ng ari arian ang data, ay maisusulong nito ang bagong paraan sa pandaigdigang ekonomiya. Ang makipagsosyo sa Genetica ay talagang nakakasabik, ang pinuno sa Genomic analytics, na gawing mga ari arian ang data sa genomic domain.”

Sinabi ni Dr. Tuan Cao, ang Co-Founder at CEO ng Genetica: “ Sa pakikipagsosyo na ito ay magagawa naming makatotohanan ang pagbibigay sa aming mga user ng mga GeneNFT. Ang GeneNFT ay ang tokenized ownership ng genetic data nang isang tao, para makontrol at makinabang ang bawat isa mula sa ating kontribusyon sa data. Ang mga aplikasyon ng kaalaman ng genetic ay lalong mapapalakas nito para ang kawastuhan sa medisina at iba pang mga pagpili ng personalized at preventive care ay para maging hinaharap sa mga populasyon na kulang ang serbisyo.”

Sa pakikipagsosyo na ito ang genetica mismo ay magiging kumpanya ng genomics sa Web3 na may mga tokenized genome na pagmamay ari ng bawat isa, mga incentive structure na nakabatay sa crypto para sa pagbukas at paggamit ng mga genome, at ng desentralisadong pamamahala. Ito rin ang magiging bilang use case, ipapakita ang pambihira at malakas na kakayahan ng teknolohiya ng Oasis, kung saan ang mga karapatan sa mga indibidwal na data ay tinitiyak ng Oasis Network, na may genomic data, ang pinakasensitibo na personal na data, pagmamay ari ng mga indibidwal na may pahintulot na magamit sa kawastuhan ng medisina.

Ano ang Genetica?

Pinakamabilis na lumalagong kumpanya ng gene sequencing sa Asya ang Genetica. Makakatanggap ang mga indibidwal ng mga mahalagang kaalaman sa kanilang genetic makeup sa teknolohiya na kanilang pagmamay ari — tulad ng maaaring magkaroon ng genetic na sakit, kung anong pinakabagay na diet at health plan sa kanilang physiology, at paano masusuportahan ang pag unlad ng kanilang mga anak. Ang mga impormasyon sa genetic testing na ito ay magsusulong sa hinaharap ng pangangalang pangkalusugan bilang makakatulong sila upang maiwasan at maagang makuha ang mga sakit, para magkaroon ng mas masaya, mas maayos na buhay. Ang headquarter ay nasa San Francisco (USA), at fully CLIA complaint ang laboratorya ng Genetica sa Vietnam.

Ano ang Oasis Labs?

May suporta galing sa mga nangungunang mamumuhunan kabilang ang Crypto, Accel, Polychain, Pantera at marami pang iba, at itinatag ng kilalang Propesor sa UC Berkeley, si Dawn Song, bumubuo ng mga decentralized data management confidential computing sa Web3 ang Oasis Labs.

Para masubaybayan ang pag unlad sa bahaging ito, maaaring kaming sundan sa social media. Kung gusto mong makuha ang iyong genome sequenced ng Genetica, bisitahin ang kanilang website dito.

--

--