Ang update sa Engineering ng Oasis: Disyembre at Enero 2022

Elise
Oasis Foundation Filipino

--

Nandito na: Ang aming buwanang update sa lahat ng bagay panteknikal!
Maligayang pagdating sa aming pagbubuod sa lahat ng ginawa ng pangkat ng Oasis Network, maglaan ng ilang sandali at alamin ang lahat ng mga pinakabagong pag-unlad.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

PATUNGO SA KASUNOD NA PANGUNAHING PAG-UPGRADE NG NETWORK

Ang mga pangunahing tampok na ipapakilala ay mga:

  • Pagpili sa komite na nakabatay sa VRF.
  • Upang mapabuti ang passing rate ng pag upgrade sa network ng mga panukala sa pamamahala ang pagkalkula sa quorum o threshold na pamamahala ay pinadali.
  • Sa pamamagitan ng pagpapadali sa protocol (pinagsamang tagagawa at mga komite ng imbakan) at pagbubukas ng daan sa mas lalong pagpapabuti sa panig ng ParaTime ay pinabuti ang paggawa ng mga komite ng ParaTime. Ito din ay magsusunod sa pinasimpleng pagsasaayos ng mga ParaTime node.
  • Suporta sa mga papasok na mensahe sa runtime kung saan ang mga transaksyon ng consensus layer ay maging dahilan ng mga paggalaw sa loob ng ParaTime.
  • Suporta sa perpektong pag-upgrade ng ParaTime nang walang downtime.
  • Balangkas na suporta para sa liquid staking sa ParaTime, para makuha ng ParaTimes ang kinakailangang impormasyon upang masubaybayan ang mga gantimpala sa staking.

MGA UPDATE NG WALLET

Ang pagsulong ng aming Oasis Wallet — Web ay mabilis na nagpapatuloy.

Noong Disyembre at Enero, pinagsama namin ang anim na pu’t pitong mga pull request.

Ang mga natatanging pag unlad ay mga :

  • Upang maiwasang mag save ng maling mnemonic word kung gagawa ng bagong wallet ang mga gumagamit — I-disable ang google translate sa mga mnemonic word at pilitin na i-type ng mga gumagamit ang buong mnemonic (o kopyahin at i-paste ito).
  • Ang pag import gamit ang mnemonic ay pinadali sa pamamagitan ng perpektong paghawak ng mga double space at mga newline.
  • Kapag ng import ng wallet nakatago ang pribadong key bilang default.
  • Kapag gustong magpadala ng mga token sa kilalang validator address ay babalaan ang mga gumagamit (sa halip na italaga ang mga ito).
  • Para sa mga gumagamit ng Bitpie ay nagdagdag ng abiso at FAQ entry kung paano mai-import ang kanilang pribadong key ng BitPie at maayos na magamit ang Oasis Wallet-Web.
  • Ipaliwanag ang mga error na nauugnay sa Ledger sa maayos na paraan.
  • Gumamit ng iba’t ibang mga icon para sa iba’t ibang uri ng mga transaksyon.
  • Gawing mas malinaw ang mga stack trace (sakaling may kamalian) para mapabilis ang paglutas namin sa mga problema sa hinaharap.

Gayundin, patuloy ang pagbuo ng aming Oasis Wallet — Browser Extension. Noong Disyembre at Enero, apat na pu’t apat na pull request ang pinagsama namin at naglabas ng 1.0.0, 1.1.0, 1.2.0 at 1.3.1 na mga bersyon.

Ang mga natatanging pag unlad ay mga:

  • Makapagdeposito at withdraw na sa o mula sa mga piling ParaTime, simula sa Oasis’s Cipher at Emerald.
  • Nasa kasaysayan na ng transaksyon ng iyong consensus account ang deposito at withdraw sa Emerald (at iba pang mga transakyon sa piling ParaTime).
  • Naka sync na ang hashing transaksyon ng ParaTime sa Oasis Scan block explorer.
  • Suporta para sa pinakabagong bersyon na 2.3.2 ng Oasis app sa Ledger.
  • Upang maiwasang mag save ng maling mnemonic word kung gagawa ng bagong wallet ang mga gumagamit, I-disable ang google translate sa mga mnemonic word
  • Magbigay ng malakas na 24 mnemonic word bilang default.
  • Kapag gustong magpadala ng mga token sa kilalang validator address ay babalaan ang mga gumagamit (sa halip na italaga ang mga ito).
  • Ang mga gumagamit sa ParaTime ay babalaan kapag nag withdraw sa mga account na hindi nila pagmamay-ari.
  • Ang lagayan ng password ay pigilang magbubura ng puwang sa pagitan ng mga salita.
  • Makikita na ang address ng nagpadala sa iyong account sa kasaysayan ng transaksyon.

ANG MGA UPDATE SA PARATIME

Nagsimula ang integrasyon ng Wormhole Bridge sa Emerald ParaTime mula noong ika-11 ng Enero.

Nagtala ng makabuluhan paglago ng paggamit noong Enero ang Emerald ParaTime. Naglabas kami ng dalawang update sa Emerald noong Enero, para suportahan ang mataas na pangangailangan katulad ng Emerald 6.1.0 at Emerald 6.2.0, na:

  • Pagtatakda ng non-zero na pinakamababang presyo ng gas ng mga Emerald node.
  • Pagsaalang alang ng maayos ng limitasyon ng gas sa transaksyon kapag nag-iiskedyul ng mga batch.
  • Magpatupad ng bagong scheduler ng transaksyon na nababatid kung gaano karaming gas sa transaksyon ang nagagamit upang mahusay na maipangkat ng mga bloke.

Ang tumatakbong mga node sa Emerald ParaTime sa Mainnet ay limangpu’t anim.

Ang tumatakbong mga node sa Cipher ParaTime sa Mainnet ay apat na pu’t tatlo.

ANG PAG UNLAD SA PARATIME

Para makontrol ang batch scheduling ay nagdagdag kami ng suporta sa ParaTime, magbubukas ng mga posibilidad tulad ng aktibong scheduling batay sa mapagkukunang paggamit,

Nagdagdag kami ng suporta para sa ParaTime na kontrolin ang pag-iskedyul ng batch, pagbubukas ng mga posibilidad tulad ng aktibo na pag-iiskedyul batay sa paggamit ng mapagkukunan, kabuuang transaksyon, pagpapatupad ng iskedyul na nakabatay sa TEE, atbp.

MGA UPDATE NG DEVELOPER PLATFORM

Nasa Emerald ParaTime sa Mainnet na ang aming smart contract na nakabatay sa Solidity na environment ng pag unlad.

Ang paghihintulot ng Emerald Web3 gateway na magpahayag ang naunang aplikasyon ng Ethereum sa Emerald nang hindi nangangailangan ng mga pagbabago ay nakita sa pangunahing nitong paglabas sa 1.0.0 noong ika-12 ng Enero.

Ang Emerald Block Explorer ay inilunsad din namin, ang aming custom na bersyon ng BlockScout block explorer, sa https://explorer.emerald.oasis.dev/.

Nasa Cipher ParaTime sa Testnet ang aming smart contracts development environment na nakabatay sa WebAssembly.

Naglabas kami ng bagong Gabay sa Smart Contract kung saan matutunan mo:

  • Paano ihanda ang iyong environment para sa pagbuo ng Cipher smart contract
  • Paano bumuo ng mga smart contract sa Rust gamit ang Oasis SDK
  • Paano itala ang Rust na smart contract sa Wasm.
  • Paano ilunsad ang Wasm smart contract binaries sa Cipher gamit ang bagong Oasis CLI.

MGA UPDATE SA CORE PLATFORM

Nagpapatuloy ang pag unlad ng Oasis Core habang nagsusumikap kami para sa Oasis Core 22.0 release, ang pangunahing paglabas na magpapalakas sa paparating na Consensus layer upgrade sa 5.0.0 na bersyon.

Noong Disyembre at Enero, apat na pu’t pito na mga pull request ang pinagsama namin. Ang mga natatanging pag unlad ay mga:

  • Pagpili sa komite na nakabatay sa VRF (#4248)
  • Pagtanggal sa hiwalay na storage ng mga node (#4308)
  • Paparating na mga mensahe ng runtime (ADR: #4327, pagpapatupad: #4415)
  • Mga resulta ng mga mensahe sa runtime (ADR: #4392)
  • Papalitan ang kasalukuyang mekanismo ng quorum + threshold ng bagong mekanismo ng pamamahala na may iisang pinag isang threshold (#4428)
  • Suporta sa kontrol ng runtime schedule (#4438)
  • Subcommand sa status ng boto sa consensus (#4400)
  • Bersyon ng software sa descriptor ng node (#4400)

Manatiling Konektado!

Kung sa Oasis ka nagtatrabaho at nais mong maisama ang pag unlad mo sa susunod na buwanang update, mangyaring mag-email sa amin sa info@oasisprotocol.org

--

--