DeFi sa Oasis Network: Paano magsimula

Elise
Oasis Foundation Filipino
5 min readApr 10, 2022

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Ang Oasis Network ay nangunguna sa pagpagana ng privacy at ng network ng blockchain na layer 1 na scalable para sa bukas na pananalapi at ng isang responsableng ekonomiya ng data. Para makuha ang kahanga hangang scalability nito ang consensus at computation ay nakahiwalay sa dalawang layer. Ang Oasis ay nagtatampok din ng agarang finality, mababang bayarin sa gas, high throughput, proteksyon sa privacy at panlaban sa MEV; kaya, ito ay perpekto para sa DeFi! Bukod dito, lumampas sa isandaang milyon ang TVL ng Oasis Network sa paglulunsad ng YuzuSwap DEX hindi pa man lumipas ng labing dalawang oras at magbibigay sa hinaharap ng pundasyon para sa Web3 at pasiglahin ang DeFi, gawing mas nakakahimok na alternatibo ang platform para sa mga developer at mahilig sa crypto.

Ngayon ang tamang panahon para saliksikin ang DeFi sa Oasis. Narito kung paano magsimula.

Gumawa ng Oasis Wallet

Dito idadagdag ang extension sa browser ng chrome at pindutin ang “Create Wallet.”

  1. Gumawa ng password sa wallet mo.
  2. Itago ang mnemonics para mabuksan ang wallet mo sa iba pang device.
  3. Pagkatapos makagawa ng wallet, maglagay ng pondo dito.

Gamit ang website ng Oasis Wallet maaari kang magawa ng wallet sa anumang web browser. Para sa kung paano gumawa ng Oasis walet at paglipat ng $ROSE sa ibang wallet — Panoorin ang video DITO. Ang Oasis wallet ay may kasamang mga tampok tulad ng staking, mga gantimpala sa crypto na benepisyo at kontrol sa iyong crypto.

Paglipat ng $ROSE sa Emerald, ang ParaTime na EVM Compatible

Para makuha ang kahanga hangang scalability nito ang consensus at computation ay pinaghiwalay ng Oasis sa dalawang layer. Ito ay nangangailangan sa consensus layer na idisenyo bilang flexible at mababaw hanggat maari at hindi kakayaning suportahan ang mga smart contract na mahihirap. Sa halip, sa computation layer kinukumpleto ang pagpasasagawa ng Smart Contract. Ibig sabihin para maging bahagi sa DeFi, pamilihan ng NFT at sa laro ng ParaTime kinakailangang i-bridge nila ang mga $ROSE token sa computation layer galing sa consensus layer. Para matuto kung paano ilipat ang $ROSE sa Emerald Paratime, sundan lang ang link na ito. Ilipat sa Metamask wallet ang $ROSE galing sa Emerald ParaTime para makita ang kanilang mga paggagamitan.

Maging isa sa mga gumagamit ng DeFi sa Oasis Network

Kapag nasa Metamask wallet na ang $ROSE token, maaari mo nang magamit ang alinman sa mga DeFi Dapps ng Oasis at para makakuha ng mga gantimpala na token magsimulang magdeposito ng liquidity.

YuzuSwap DEX

Ang mga gumagamit ay maaaring sumali sa mga liquidity pool, palitan, kalakalan at makakuha ng mga gantimpala na may mataas na APY sa nakatutuwang DEX na ito na ang dami ng kalakalan sa loob ng isang buwan ay lagpas sa isang bilyong dolyar.

May tampok na 'trade once mine forever' ang YuzuSwap at auto-buyback sa presyo na suporta na sistema. Ang kagandahan sa YuzuSwap ay pares na pinasigla ng bawat kalakalang ginawa ay patuloy na nagdadagdag ng gantimpala sa bawat block (bawat anim na segundo) hanggang sa ilabas ng mga gumagamit ang balanse ng TPST (trading pool share token). Matapos ilabas ang balanse ng TPST ay babalik sa zero; kapag magsimula ulit magkalakan ang mga gantimpala ay nadadagdagan.

Gamitin na ang YuzuSwap DEX.

GemKeeper Finance

Isang Automated Market Maker (AMM) na nakatuon sa komunidad at DeFi platform ang GemKeeper.finance na binuo sa Emerald Paratime ng Oasis. Ang mga gumagamit ay maaaring magpalitan ng token, sumali o lumikha ng bagong liquidity pool. Ipinapakilala ang yield farming ng Oasis sa GemKeeper gamit ang mga pondong crypto na tinatanggap sa buong mundo; sa pag stake ng kanilang mga GemKeeper Liquidity Pool (GLP) token sa Gem Mine ang mga gumagamit ay makakakuha ng $BLING.

Bisitahin ang Gemkeeper Finance dito.

Fountain Protocol

Ang unang cross-chain na lending platform na sinuportahan ng Oasis ang Fountain Protocol— nagbibigay karanasan ng mataas na capital efficiency sa pamamahala ng mga pondo sa DeFi. Mataas na yield return ang makukuha ng mga gumagamit sa Fountain Lending Pool na may mababang bayarin sa gas dahil maayos ang lending protocol kung saan nagagamit ng lahat ang lending at borrowing.

Alamin ang tungkol pa sa protocol na ito na pinangungunahan ng komunidad dito; at ang how to earn yields sa Fountain Protocol.

Pagdudugtong ng mga token mula sa iba’t ibang blockchain

Ang bridging ay nagpapahintulot sa mga gumagamit na ilipat sa iba’t ibang mga chain ang mga token; Ang mga pananalapi mula sa Wormhole, Celer at Multichain na pagtutulay sa loob ng ecosystem nito ang kasalukuyang sinusuportahan ng Oasis. Kasama sa lahat ng paraan sa pagtutulay ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Napiling network
  2. Napiling token (ang token na gusto mong itulay)
  3. Paglagay ng halaga ng token na gusto mong itulay
  4. Pagkumpirma at pagsang ayon ng transaksyon

Ang pagbabayad ng bayarin ng gas sa pinanggalingan chain at sa destinasyon nito ay kasama sa transaksyon; kaya, dapat may $ROSE ang wallet ng gumagamit para sa mga bayarin ng gas. Ang pagtutulay ay naglilipat ng mga token sa Emerald ParaTime sa Oasis galing sa iba pang chain.

Ang Wormhole, Multichain o Celer Bridge ay magagamit na ng mga nasa Oasis para ilipat nang mabilis sa mga blockchain ang mga tokenized na pagmamay ari mula sa Ethereum, BSC, Solana, Terra at Polygon. Makakahanap na sila ng mas maraming gamit sa kanilang mga token na nasa blockchain na ito.

Ang pagtutulay galing sa ng USDC, BUSD, BNB o LINK galing sa Multichain o USDT galing sa Wormhole ng mga bago sa Oasis ay makakagamit sa faucet ng GemKeeper para bayaran ang una nilang pagtutulay at unang transaksyon sa Oasis. Para sa higit pang mga detalye mangyaring pumunta dito.

Tandaan: Ang pinagmulang token ay maiiwan sa smart contract, at bagong wrapped token sa Wormhole ang malalagay sa gusto mong chain, kung sa Wormhole mo pinagtulay ang mga token. Ang mga iyon ay maaari mong ipalit sa iba pang mga token (native) sa pinili mong chain.

Alamin pa ang tungkol sa Wormhole bridge at kung paano ito gamitin dito.

--

--