P2W sa Oasis — Galugarin ang lahat ng laro na Iaalok ng Oasis Network at manalo ng mga papremyo

ADhunter
Oasis Foundation Filipino

--

Maglaro. Manalo ng mga Premyo. $1,000 sa ROSE, SBT, at NFTs

Ang publikasyon na ito ay isinalin ng Oasis Ambassador na si ADhunter, mahigpit na pagsusuri ang ginawa upang makapagbigay ng wastong pagsalin sa wikang ito, ngunit ang ibang pagkakasaad nito ay maaaring mali at may pagkukulang. Hindi pananagutan ng Oasis ang kawastuhan o kaayusan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito

Ang Blockchain at paglalaro ay dalawang sektor na mas lalong nagiging magkasalikop habang ganap na umuunlad ang kalawakan ng Web3. Sa Oasis,naglililok kami ng lugar para sa nakalilibang at nakakaengganyong mga laro na kung minsan ay kailangan ng bahagyang pribasiya, at nais naming ito ay iyong maranasan.

Mag-iimbita kami ng mga manlalaro upang pumarito sa ekosistema ng Oasis bilang parte ng aming bagong kampanya at galugarin ang ilan sa mga larong mayroon na sa network- Imps Kingdom, Blockchain Cuties, at The Garlies. Tapusin ang serye ng mga pakikipagsapalaran at maranasan ang paglalaro sa blockchain ng Oasis upang manalo ng mga pa-premyo sa ROSE.

Hindi lamang nagbibigay ng pahintulot na iyong maranasan ang blockchain gaming sa P2W dito sa Oasis,Ngunit iha-highlight din nito ang sumisibol na sektor ng paglalaro na aming binubuo.

Kung sa pananaw mo ay tinataglay mo ang mga kinakailangang katangian upang galugarin ang edad ng pagtuklas sa The Garlies, o magtayo ng mga alyansa sa Imps Kingdom, upang mapabilang sa P2W ni Oasis basahin ang nsa ibaba.

Paano Lumahok

Upang masimulan ang mga pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng paglalaro sa Oasis, Ito ang mga hakbang na dapat sundin:

  1. Sumali sa Oasis MBuddy Space: https://mbuddy.metamirror.space/space-home/Oasis at tingnan ang bawat pakikipagsapalaran sa ilalim ng “Mga Kampanya”
  2. Tapusin ang mga panlipunang gawain at gameplay sa bawat laro ( Imps Kingdom ; The Garlies ; Blockchain Cuties ).
  3. Pindutin ang “Join Campaign” kapag natapos ang mga panlipunang gawain, at ipasa ang address na ginamit sa bawat laro.
  4. Huling kumpletuhin ang kampanya sa Oasis Network
  5. Bibilangin bilang 1 entry ang bawat larong nilaro para sa $1,000 na pa raffle na ROSE (ang gameplay ay napatunayan gamit ang Covalent ). Tatlong pagkakataon ang makukuha mo upang magwagi sa pamamagitan ng paglalaro ng tatlong laro! Makakapasok ka rin sa bonus raffle sa bawat larong iyong lalaruin upang magkamit ng mga pa- premyo mula sa Imps Kingdom, The Garlies, at Blockchain Cuties
  6. Makakatangap ng SBT para sa bawat larong nilaro kapag natapos ang kampanya
  7. Makatanggap ng SBT mula sa Oasis sa kapag natapos ang lahat ng pakikipagsapalaran.

Istruktura ng Gantimpala

  • $1,000 ROSE ang ira-raffle at ipagkakaloob sa 15 kalahok — bawat makukumpletong pakikipagsapalaran sa laro ay isang entry.
  • Raffle para sa mga bonus na papremyo: 1 NFT mula sa The Garlies, 1 NFT mula sa Blockchain Cuties, at 1 NFT mula sa Imps Kingdom
  • Sagisag ng Partisipasyon na SBT para sa lahat ng kalahok sa bawat makukumpletong pakikipagsapalaran sa bawat laro.
  • Espesyal na Oasis SBT para sa mga kalahok na natapos ang pakikipagsapalaran.

Sa pagtatapos ng kampanya sa ika-30 ng Nobyembre sa ganap na 11:59PM UTC, ang Pangkat ng Oasis ay ibe-verify ang lahat ng lumahok gamit ang Covalent, at ang mga kwalipikadong address ay ipapasok sa raffle para sa ROSE, at mga premyo mula sa bawat laro. Ang karapat-dapat na gameplay ay yung kahit paano ay may isang transaksyon sa pagitan ng address na ipinasa at smart contract ng nasabing laro . Kinakailangan na pasado sa KYC upang makatanggap ng mga gantimpala. Ang mga mananalo ay iaanunsyo sa Discord Announcements channel .

Ang mga Pakikipagsapalaran

Ang Imps Kingdom
Ang Imps Kingdom ay ang unang NFT Play-to-Earn Strategy Game na may Proof of Stake mining. Ito ay isang malaking digital na mundo na multiplayer kung saan ang mga imp ay magtatayo ng mga alyansa, bubuo ng sarili nilang mga kastilyo, maghabi ng mga intriga at magsumikap upang maging pinakamakapangyarihan. Sa kahariang ito, maraming bagay na matitiyak sa aktibidad at kagalakan ng mga manlalaro! Ang IMPS Kingdom ay isang idle free-to-play na 4x- sa istratehiya na maraming P2E mechanics na makakaakit hindi lamang sa mga mahilig sa crypto kundi pati na rin sa mga manlalaro sa mainstream.
https://imps.me/

Mga gawain:

  • Sundan ang Imps Kingdom sa Twitter
  • Sumali sa Discord ng Imps Kingdom
  • Maglaro ng Imps Kingdom at ipasa ang address ng iyong metamask na ginamit sa paglalaro para sa isang raffle entry.

The Garlies
Isang RPG na itinakda sa kilalang Panahon ng Pagtuklas ang The Garlies.

Ang mga Garlies ay Nararapat na makumpleto ang mga pakikipagsapalaran upang kumita ng loot, salapi, at katanyagan upang maging pinakadakilang Garlie sa lahat ng panahon! Ang sistema ng pakikipagsapalaran ay inspirasyon ng mga role-playing na libro ng laro. Na ang ibig sabihin: isang kuwento = dose-dosenang pagpipilian = dose-dosenang mga posibilidad = dose-dosenang mga pagtatapos. Ang Garlies ay mga NFT kung saan maari mong makamit ang iba’t ibang mga pakikipagsapalaran upang kumita ng mga loot, na mga NFT din. https://thegarlies.com/

Mga gawain:

  • Sundan ang The Garlies sa Twitter
  • Sundan ang The Garlies sa Discord
  • Maglaro ng The Garlies at ipasa ang address ng iyong metamask na ginamit sa paglalaro para sa isang raffle entry.

Ang Blockchain Cuties
Ang Blockchain Cuties ay isang bagong collectible na laro sa crypto na may pakikipagsapalaran kung saan maaari kang makipaglaro sa mga tuta, butiki, mga anak ng oso, pusa at iba pang may kahalintulad sa tunay at pantasyang nilalang. Ang bawat cutie ay kakaiba at 100% na ikaw mismo ang nagmamay-ari. Maaari mong kolektahin ang mga ito, magpalahi, subukan ang kanilang mga kakayahan sa mga laban, armasan sila at gayundin ang pataasin ang kanilang antas! Ang ekonomiya ng laro ay bibigyan ka ng pahintulot na makipag kalakal ng mga cutie gamit ang mga smart contract sa Oasis, Ethereum, EOS, TRON at NEO blockchain. Ang bawat cutie, ay non-fungible, ay maaaring ilipat o ibenta sa ibang mga manlalaro tulad ng isang regular na kriptokarensi. https://blockchaincuties.com/

Mga gawain:

  • Sundan ang Blockchain Cuties sa Twitter
  • Sumali sa Discord ng Blockchain Cuties
  • Maglaro ng Blockchain Cuties at ipasa ang address ng iyong metamask na ginamit sa paglalaro para sa isang raffle entry.

Oasis Network
Ang Oasis Network ay isang naka pokus sa pribasiya, nasusukat, Proof-of-Stake Layer-1 smart contract platform na katugma sa Ethereum Virtual Machine. Isang multi-layer na modular na arkitektura ang ipinagmamalaki ng Oasis Network na nagbibigay-daan sa eskalabilidad at kakayahang umangkop na mag-deploy ng mga murang smart contracts na nakatuon sa pribasiya patungo sa mga mithiin sa Web3. https://oasisprotocol.org/

Mga gawain:

  • Sumali sa Oasis Discord
  • Sundan ang Oasis sa Twitter
  • Kumpletuhin ang mga pakikipagsapalaran mula sa lahat ng 3 laro, at ang paghahanap na ito upang makatanggap ng espesyal na Oasis SBT

Ikaw ay magpakasaya sa paglalakbay na ito sa pamamagitan ng mga laro sa ekosistema ng Oasis at Maari mong ibahagi ang iyong puna at mga katanungan sa aming Discord .

--

--

ADhunter
Oasis Foundation Filipino

Entrepreneur,Trader,Investor, Crypto Enthusiast follow me on twitter @airdrops092688