Indibidwal na Pribasiya Nakilala ang Pag-uusap na AI: Personal.ai at Oasis

Chris
Oasis Foundation Filipino
4 min readApr 5, 2023

Ang publikasyon na ito ay isinalin ng Oasis Ambassador na si Chris, mahigpit na pagsusuri ang ginawa upang makapagbigay ng wastong pagsalin sa wikang ito, ngunit ang ibang pagkakasaad nito ay maaaring mali at may pagkukulang. Hindi pananagutan ng Oasis ang kawastuhan o kaayusan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Ang mga proyekto ng pag-uusap na AI (hal; ChatGPT) ay mabilis na nakakuha matinding atensyon, na para naman sa ilan ay naging obsesyon. Ipinapakita ng maagang tagumpay ng mga kagamitang ito kung magiging gaano kalakas ang teknolohiyang ito sa korporasyon at personal na mga setting. Subalit ang pagbuo ng matatag na proteksyon sa pribasiya ng datos at iba pang mga proteksyon para sa gumagamit nito ay lubhang mahalaga lalo na sa mga unang yugto ng pagtataguyod.

Upang maisagawa ito, Ang Oasis at personal.ai ay nagagalak na ipagpaguloy ang kolaborasyon na nagsimula pa noong 2020 upang ang AI na sumisira sa limitasyon ng tradisyonal na eksperiyensya ng tao ay ligtas na ma-engineer sa pamamagitan ng pagpapalawak sa ating memorya na tatagal ng panghabambuhay.

Pagtatag ng Responsableng Pag-uusap na AI

Kung ikokonsidera ang kagamitan,katulad ng isang katanungan: “Ano ang nsa isipan ni Vitalik Buterin kaugnay sa mga Fractional NFT?”. Paano nman ang Pakikipag-usap na AI kung mailapat sa mga eksperto sa akademiko, mga pinuno ng kaisipan, at mga online influencer? Ang mga kasagutan ay maaring itala sa pamamagitan mg mga sulatin,pag-uusap,thread sa twitter,mga panayam at higit pa mula sa mga indibidwal sa kahit ano mang paksa.

Subalit ang pag-uusap ay hindi lahat pampubliko at hindi rin dapat magamit sa mga modelo ng AI na ito. Ang pagpili ng mga lalahukang bukas na diskurso ng mga pampublikong pigura ay malaki ang pinagkaiba sa mga usapang pamilya, kaibigan, at maging ng mga kakilala — ang mga iyon ay pribado. Mga indibidwal ang ang nagmamay ari ng mga datos, at nararapat na magkaroon sila ng sapat na kapangyarihan para protektahan at kontrolin ang pag-access sa mga datos na ginagamit sa pagsasanay ng mga modelo ng AI.

Sa pagitan ng dalawang uri ng digital na nilalaman na ito ay may kinalaman sa pagbuo Responsableng AI — Ibinahaging misyon ng Oasis at personal.ai. Ang Oasis Network ay isang blockchain network na inuuna ang pribasiya naghahatid ng pribasiya at konpidensyalidad sa ekosistema ng Web3.

Sa pagbuo ng Responsableng AI mahalaga ang pagbuo ng mga kagamitan na gumagamit ng mga tampok na ito para sa pagbuo ng Responsableng AI. Ang mga kagamitan at binuong produkto sa kanila ay napagtanto ang aming ibinahaging pananaw sa pagbuo ng responsableng AI at nagbibigay kapangyarihan sa indibidwal na pribasiya at soberanya ng datos.

Naniniwala ang Personal.ai sa paglikha ng isang hinaharap na pag ma-may-ari ng bawat indibidwal ang kanilang memorya at kaalaman. Ang impormasyong ito, ay maaaring ibahagi ng malaya, ikalakal, o makipag-ugnayan sa loob ng isang desentralisadong ekonomiya ng impormasyon. Ito ang pananaw na nagmamarka ng pagsasama ng neuroscience, natural na pagpoproseso ng lengguwahe, at mga pampublikong blockchain.

Pag-iingat ng mga Memorya Kasama ang Sapphire

Sa pagitan ng pakikipagsosyo ng Oasis at personal.ai ay ang Sapphire parallel runtime, o ParaTime, sa Oasis Network.Kumpidensyal na runtime Ang Sapphire na katugma sa EVM para sa pagbuo ng mga kumpidensyal na desentralisadong aplikasyon.

Para sa personal.ai at mga gumagamit nito, magbibigay daan sa ilang kritikal na tampok ang pagsasama sa Sapphire:

•Ang mga kontribyutor ay maaring pumayag na magamit ng third-party ng kanilang datos, Bilang ugat ng tiwala naka-encrypt ito gamit ang blockchain . Sa pamamagitan ng Sapphire Key Manager nagaganap ang pag-encrypt, na bumubuo ng mga susi sa pag-encrypt. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng pahintulot at pagrerehistro ng mga kahilingan sa pag-access at mga grant on-chain ay palagiang nababantayan ang mga datos.

•Ang isang NFT na kumpidensyal na sinusuportahan ng sinanay nilang AI avatar on-chain ay maaring gawin ng mga manlilikha. Ang NFT na may kakayahan na makipag-ugnayan sa isang naibigay na AI avatar ay isang nabibiling kalakal na nakabatay sa pagbili ng kaukulang NFT.

•Lahat ng kostumer ay kayang subaybayan ang paggamit ng third-party ng kanilang datos at mga avatar ng AI. Kakayahang tumitiyak na merong isang modelo ng insentibo na transparent para subaybayan ang paggamit at maintindihan ang kabayaran sa isang network na walang tiwala.

Ang Personal.ai ay gumagamit ng Parcel — isang produkto mula sa Oasis na pinapahintulutan ang pamamahala ng mga datos — habang ang pangkat ay tinatapos ang mga planong paglipat sa Sapphire sa huling bahagi nitong taon.

Pagbuo ng Hinaharap ng AI

Kahalintulad ng elektrisidad at palimbagan, ang AI ay isang teknolohiya na binabago ang sibilisasyon. Kung paanong ang teknolohiyang ito ay binabago ang lipunan ay nakadepende sa pangangalaga at mga alituntunin na itinatag sa panimula nito. Ang Oasis at personal.ai ay ipinagmamalaki ang kolaborasyon sa isa’t isa sa pagbuo ng hinaharap kasama ang Responsible AI na nagpapalawak ng indibidwal na kaalaman, pinoprotektahan ang pribasiya ng mga gumagamit , at naglalagay ng isang transparent na pundasyon at desentralisadong ekonomiya ng mga datos na may indibidwal na proteksyon sa pribasiya sa gitnang bahagi nito.

Tungkol sa Oasis at personal.ai

Sa kasalukuyan ay nasa Mainnet na ang Sapphire runtime. Naglathala ang Oasis ng isang gabay tungkol sa kaibahan sa pagitan ng Sapphire at Ethereum at kung paano isama ang Sapphire dito! Para sa higit pang impormasyon sa Sapphire at sa Oasis Network, mag-subscribe sa Oasis newsletter at sumali sa Oasis Discord .

Pinapadali ng Oasis ang mga kostumer ng Personal.ai kung paano nila makokontrol ang ibinabahaging kaalaman na natatangi sa kanila. Naging posible dahil sa partnership na ito, Magagawa mong magmay-ari at pamahalaan ang bawat bahagi ng iyong personal na AI, mula sa dumadaloy na datos dito, patungo sa mga natatanging AI Profile na kaya mong gawin. Para sa karagdagang impormasyon sa personal.ai sumangguni sa personal.ai blog . Sa pagsisimula sa paggawa ng sarili mong desentralisadong personal AI ngayon, mag-sign up sa app.personal.ai

--

--