Ipinakikilala ang MetaMirror Gallery: Ang Marketplace para sa Koleksiyon ng AI NFT Rose

Cheryll Cunanan
Oasis Foundation Filipino
5 min readJan 24, 2022

Abiso Ligal: Ang artikulong ito ay aking pagsasalin bilang isang Ambassador ng Pilipinas sa Oasis Labs. Upang mabasa ang orihinal na nilalaman, bisitahin ang: Introducing MetaMirror Gallery: The Marketplace for the AI NFT ROSE Collection

Noon nakaraang taon, ini-anunsiyo namin ang aming pakikipagsosyo sa Metamirror, isang pribadong web 3.0 na serbisyo sa pagkakakilanlan para sa Metaverse, inilunsad namin ang Koleksiyon ng Oasis ROSE NFT, ang unang koleksiyon ng NFT na na-mint sa Oasis network. Ito ay binubuo ng 999 mga nilikha sa AI na mga imahe ng mga tokenized rose sa Oasis network, inilunsad din namin ang NFT Rose Contest at pinamigay namin lahat sa aming komunidad bilang pasasalamat sa kanilang suporta.

Pagpapakita ng Natatanging Koleksiyon ng NFT

Ang koleksiyon ay kahanga-hanga at konektado sa simbolo ng Oasis Network na rose. Ang bawat ROSE ay isang magandang likha; tunay na katangi-tangi at pinasadya para sa bawat user.

Isa sa mga tumanggap ng ROSE NFT ay nagsabi: “Bukod sa pagiging maganda nito, ang pagiging pinakauna nito sa Oasis. Ang AI ROSE ay naglalarawan ng swerte sa buhay ko — ito ay napakaganda at ang pagiging una nito sa koleksiyon ng NFT sa Oasis ay kapana-panabik”.

Bilang paglalahad sa mga sentimyento, dinadagdag pa ng isang nanalo: “Talagang nanabik ako na ang mga AI ROSE NFT ay natamo dahil sa pagiging tunay mga na tagahanga ng Oasis Network- dahil iyon ay isang bagay na hindi mabibili ng pera! Napakahalaga talaga sa para sa akin AI ROSE NFT kasi halos katulad na katulad ito ng rose na ipininta ng aking soulmate sa aking pinto 10 taon na ang nakakaraan. Isa sa mga pinakamalaking use case ng NFT sa Oasis Network ay ang tokenized data, na magiging kapaki-pakinabang kapwa sa mga user at kompanya, magbibigay-daan ito para sa mga user na kumita na hindi nilalabag ang privacy. Hindi na ako makapaghintay!”

Talagang nakakatuwa ang pagkasabik ng aming komunidad tungkol sa giveaway ng koleksiyon ng ROSE NFT at tunay na nagpapasalamat kami sa patuluyang na pagsuporta.

Para pumasa para sa giveaway, dapat na kumpletuhin ng mga miyembro ng komunidad ang mga serye ng task at gumawa ng mirrored digital personality sa Mbuddy, kung saan susukatin at susuriin ang antas ng Twitter engagement.

Noong araw ng Pasko, ang mga NFT ay ipapamigay sa mga mapalad na miyembro ng komunidad ng Oasis Network gaya ng sumusunod:

  • Ang mga nanalo sa lottery sa komunidad ng Discord ng Auth3 ay tumanggap ng 150 ROSEs
  • Ang mga aktibong miyembro komunidad ng Oasis ay nakakuha ng 699 ROSEs base sa Oasis Loyalty Score na ginawa sa MBuddy.
  • Tumanggap naman ng 100 ROSEs ang mga Tagahanga ng at mga Bagong User
  • Ang natitirang 50 ROSEs ay binigay sa mga core contributors ng Oasis at mga kasosyo

Ang aming kasosyo, ang Auth3 Network ang nasa likod ng aming kauna-unahang NFT giveaway ang lumikha ng MetaMirror Gallery upang gawing posible ang trading ng ROSE NFT. Ang marketplace na ito ay hindi lang magiging lugar kung saan pwedeng magbenta at mag-trade ng mga NFT ROSE kung hindi tutulong din ito para higit pang palawakin ang NFT sa aming komunidad.

Paano mag-trade ng iyong AI ROSE NFT gamit ang MetaMirror Gallery

Paano Bumili ng AI ROSE NFT

  1. Pumunta sa MetaMirror Gallery
  2. Upang i-konekta ang iyong MetaMask wallet sa Emerald Mainnet, i-click lang ang “Connect Wallet” sa gawing-kanan sa taas. Kailangan mong mag-transfer ng ROSE token sa iyong ox address papunta sa Emerald mainnet kung saan naroon ang iyong AI ROSE NFT. Tingnan ang gabay.
  3. I-click ang “Gallery”
  4. Tingnan ang mga AI ROSE NFT na ipinagbibili
  5. Piliin ang AI ROSE NFT na gusto mong bilhin at i-click ang lila na “Buy” button sa bandang kanan sa ilalim ng larawan ng AI ROSE NFT.
  6. Sundan ang mga instruksiyon, sumang-ayon sa mga kahilingan at sang-ayunan ang pagbili (siguraduhing may sapat kang pondo sa iyong MetaMask wallet)
  7. Upang tingnan ang iyong mga AI ROSE NFT, i-click ang “My Items” sa bandang kanan sa taas

Paano Magbenta ng AI ROSE NFT

  1. Pumunta sa MetaMirror Gallery
  2. Upang i-konekta ang iyong MetaMask wallet sa Emerald Mainnet, i-click lang ang “Connect Wallet” sa gawing-kanan sa taas. Kailangan mong mag-transfer ng ROSE token sa iyong ox address papunta sa Emerald mainnet kung saan naroon ang iyong AI ROSE NFT. Tingnan ang gabay.
  3. I-click ang “My Items”
  4. Tingnan lahat ng iyong mga AI ROSE NFT
  5. Piliin ang AI ROSE NFT na gusto mong ibenta at i-click ang lilang “Sell” na button sa ilalim sa bandang kanan ng larawan ng iyong AI ROSE NFT
  6. Sundan ang mga instruksiyon at sang-ayunan ang pagbenta
  7. Upang kanselahin ang pagbebenta, i-click ang lilang “delist” na button sa iyong ibinibentang AI ROSE NFT

Bakit ang Oasis ang Pinakamahusay na Network na Suporta sa mga NFT?

Ang Oasis ay ang nangungunang scalable at privacy enabled na blockchain, malinaw na ito ang pinakamahusay na pagpipilian para sa mga lumilikha upang gumawa ng mga NFT. Ang pinagsamang high throughput at ligtas na kayarian ay nangangahulugan na kayang tugunan ang Oasis Network ang mga use case ng Tokenized Data, na magbibigay-daan para sa mga user na kontrolin ang kanilang nilikhang data at makakuha ng mga gantimpala na lilikha sa kauna-unahang responsableng ekonomiya ng data.

Ang mga AI ROSE ay mananatiling kapana-panabik na bahagi ng Oasis Network at ng komunidad. Ang bago at nakapokus sa utility na mga tampok nito ay magagamit ng mga holders ng AI ROSE NFT sa nalalapit na hinaharap, at ang mga patuloy na hahawak ng kanilang mga ROSE NFT ay maaring tumanggap ng natatanging mga regalo.

--

--

Cheryll Cunanan
Oasis Foundation Filipino

I am a crypto enthusiast engaged in promoting several crypto projects.