Ipinapakilala ang Community Garden ng Oasis

Elise
Oasis Foundation Filipino
5 min readApr 21, 2022

--

Ang One-Stop Shop ng aming komunidad para sa lahat ng bagay tungkol sa Oasis

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Ipinagmamalaki namin na ianunsyo ang opisyal na paglulunsad ng Community Garden ng Oasis, ginawa para maging punong tanggapan ng komunidad ng Oasis para matuto, makisali at makatulong sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa network. Kami ay naniniwala na ang komunidad ang bumubuhay sa aming network, at ang aming minamahal na Community Lead, na si Jon Poole, na mula umpisa ay walang kapagurang pinalaki ang komunidad ng Oasis Network. Pagkatapos buuin ang aming Global Ambassador Program, ang ideya ng community garden — ang lugar para pagyamanin ang iyong $ROSE — ay sumibol.

Ang Community Garden ay binuo para sa ating komunidad, ng ating komunidad! Si Jon Poole, kasama ang isa sa mga ambassador na si Mihnea Stefanescu, na ngayon ay bahagi na ng Core Team ng Oasis, ay gumawa ng napakagandang kagamitan na ito para mapadali at pinasimple ang mga impormasyon na may kaugnayan sa Oasis.

Patuloy na lumalaki ang komunidad, at kasama ng paglago, ang pangangailangan sa iba pang mga mapagkukunan at mga kagamitan para makapagbigay ng maayos na tulong at karanasan sa bawat kasapi! Tingnan ang ating paglaki:

Mula sa mga baguhan sa blockchain hanggang sa mga dalubhasa na developer — may isang bagay sa Community Garden para sa lahat.

Kung nagsisimula ka pa lang sa Oasis, makikita mo sa homepage ng Community gardern ang lahat ng link na kailangan mo para makapagsimula. Maaari kang gumawa ng wallet mo, sumali sa aming mga channel ng komunidad, tingnan ang dokumentasyon ng developer, matuto mula sa pundasyon ng aming kaalaman, sumali sa aming programa ng ambassador, at marami pang iba. Sa mga developer na bumubuo sa Oasis Network, mangyaring punan ang form ng pakikipagtulungan sa gilid na bar para masimulan ang proseso ng pagsusuri ng pangkat sa Business Development. Para sa mga developer na bumubuo sa Oasis Network o mga kasalukuyang proyekto na naghahanap ng pakikipagsosyo sa aming koponan, may form ng pakikipagtulungan na bar sa gilid. Ang lahat ng mga isinumite ay sinusuri ng aming dalubhasang pangkat ng Business Developement.

Bilang karagdagan sa mga pinakabagong balita sa Community Garden, may kasama rin itong events calendar ng komunidad para sa lahat ng aming mga paparating na kaganapan! Maaari ka mag subscribe sa kalendaryo na ito nang wala kang makaligtaan.

Siguro ang isa sa pinakamahalagang tampok ng Community Garden ay ang bagong helpdesk, kung saan makikita ng mga miyembro ng komunidad ang pundasyon ng aming kaalaman at makapagsumite ng mga tiket sa anumang mga problema na maaari nilang maranasan. Ang aming masigasig na pangkat ay laging nandito para tumugon at lutasin ang mga lalabas na problema.

Mga bagong kasosyo at proyekto ang sumasali sa Oasis Network Ecosystem araw araw! Sa tab ng Ecosystem na bar sa gilid, makikita mo ang opisyal na mga kasosyo at hindi opisyal na mga proyekto na nasa Oasis. May mga binibigay kaming link sa website o social media ng bawat proyekto para mapadali ang pag DYOR.

Tulad ng aming network, ang aming komunidad ay desentralisado, at lubos na unibersal. Habang kami ay lumalaki, ang Community Garden ng Oasis ay magsisilbing tahanan sa pang rehiyonal na impormasyon ng komunidad, mga kaganapan, mga AMA na isinalin at social media! Kung interesado kang dalhin ang Oasis sa iyong lokal na komunidad, o palakihin ang social media platform ng iyong lugar, sumali ka na sa aming programa ng ambassador.

Kung ambassador ang pag uusapan— ang Community Garden ay ginagamit din para ipakita ang malikhain at nakakatuwa na mga sticker pack na ginawa ng aming mga Ambassador. Maaari mong tingnan at i-download ang sticker pack sa baba ng tab sa gallery, at gamitin ang mga ito sa Telegram. Magsaya ka!

Higit sa lahat, nasasabik kaming ilabas ang mga forum sa aming komunidad. May iba’t ibang kategorya ang mga miyembro ng komunidad para makapag post at makasali sa mga talakayan na may kaugnayan sa Oasis. Sana ay sumali ka sa aming mga forum at magsimula ng mag post!

Imbitado ang lahat ng miyembro ng aming komunidad na tuklasin ang Community Garden ng Oasis! I-bookmark, at tingnan palagi, dahil patuloy naming pauunlarin ang kayamanan na ito, at baka sorpresahin ka namin ng mga pop up at nakatutuwang mga aktibidad.

Ang aming komunidad ay ang pundasyon ng aming network, at pinahahalagahan namin ang iyong katugunan! Kung may mga mungkahi ka sa pagpapabuti sa Community Garden, mangyaring ibahagi ang mga ito sa amin.

--

--