Ipinapakilala ang Oasis Garden, isang Portal na Mapagkukunan ng Komunidad

Mrs.Bieber
Oasis Foundation Filipino
4 min readJun 23, 2023

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na sinuri para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Walang saysay ang Oasis kung wala ang kanyang komunidad! Dahil dito, ang pandaigdigang komunidad ng Oasis ay nasasabik na gunitain ang tagumpay ng kanilang magkasanib na pagsisikap sa paglikha ng bagong virtual na kanlungan, na idinisenyo upang matugunan ang magkakaibang pangangailangan ng mga tagagamit, mga lumikha, mga developer, at iba pa.

Ang portal na ito, tinatawag na Oasis Garden, ay nag-bibigay ng mayamang-mapagkukunan ng impormasyon para sa sinumang interesadong malaman o makapagbahagi sa Oasis, na nilikha ng komunidad, para sa komunidad.

Para sa masusing paggalugad sa Oasis Garden, patuloy na magbasa!

Bakit namin ito binuo?

Binuo ng komunidad ng Oasis ang Oasis Garden para sa isang simpleng layunin: upang gawing simple hangga’t maaari ang pag-onboard ng mga bagong gumagamit ng Web3 sa Oasis. Hindi sapat na lumikha lang ng pinakamahusay na mga teknolohiya sa privacy para sa Web3 — mahalaga rin ang pagpapabuti ng karanasan ng komunidad para sa isang pandaigdigang network ng mga gumagamit at tagapagtaguyod.

Bilang karagdagan, ang pag aaral, paggamit, at paggalugad sa Web3 ay maaaring maging hindi kaaya-aya. Ang anumang posibleng alitan para sa komunidad ng Oasis ay nilalayong tanggalin sa pamamagitan ng Oasis Garden.

Ang portal na ito ay puno ng mga kagamitan at mapagkukunan para turuan ang mga bagong tagagamit ng Oasis tungkol sa hinaharap ng privacy sa Web3 sa pamamagitan ng mga sosyal at mga channel ng komunidad, mga teknikal na mapagkukunan, at iba pa. Ito ay bunsod ng isang mahabang proseso ng pagpapaunlad na tumagal ng ilang buwan. Sa madaling salita, pinadali ng Oasis Garden ang pamamaraan ng pagtulong sa mga tao na lumahok sa hinaharap ng Web3.

Ano ang Oasis Garden?

Bago simulan ang paggamit ng Oasis Garden, basahin ang bahaging ito upang malaman ang tungkol sa ilan sa mga mahahalagang katangian nito.

Ang mga katangian ng Oasis Garden ay madaling suriin at galugarin. Kapag binisita ng isang bagong tagagamit ang site, makikita nila ang isang home page na may maraming mga widget at isang navigation bar sa kaliwang bahagi na naglalaman ng lahat ng pangunahing mga katangian at kaugnay na impormasyon nito.

Narito ang buod ng kung ano ang nandito:

Nasa tuktok ng listahan ang Oasis knowledge base. Ito ay isang komprehensibong arkibo ng mga FAQ at dokumentasyon na naglalaman ng lahat ng impormasyong hinahanap ng isang mausisang tagagamit ng Web3 na gustong malaman pa ang tungkol sa Oasis. Kasunod sa listahan ay isang katalogo ng mga dApps ng ecosystem ng Oasis . Maaring maghanap at mag-browse ng lahat ng mga dApps na tumatakbo sa Oasis sa tab na ito. Ang Oasis Garden portal ay may mga hiwalay na tab para sa mga trabaho at mga darating na kaganapan upang magbigay ng kaalaman sa lahat ng mga oportunidad na magkaroon ng partisipasyon sa ecosystem ng Oasis. Maaaring sumali ang mga taga-subaybay ng Oasis sa ambassador program sa pamamagitan ng portal ng Oasis Garden. Matatagpuan din dito ang mga rehiyonal na komunidad at mga pagsasalin ng nilalaman ng Oasis.

At iyon pa lamang ang simula! Marami pang mga tampok na kasalukuyang nasa ilalim ng pagpapaunlad, at malapit nang matapos.

Oasis Garden dApp Directory

‍Nasaan ang Garden?

Simulan ang paggamit ng Oasis Garden sa pamamagitan ng pagpunta sa oasisrose.garden at simulan ang paggalugad!

Inaanyayahan ang bawat tagagamit na magbahagi ng kanilang mga komento at puna tungkol sa Oasis Garden habang sila’y gumagamit nito. Ipadala ang inyong mga saloobin sa Discord ng Oasis o sa Forum ng Oasis.

Ang global na komunidad ng Oasis ay binubuo ng libu-libong masisigasig na mga tagalikha at tagapagtayo na nagbabahagi ng isang simbuyo ng damdamin para sa isang mas pribadong Web3.

Gumaganap ang Oasis Garden ng isang pangunahing papel sa pagpapabuti ng karanasan ng magiging miyembro ng komunidad na ito at sa mas madaling pagpapakilala ng mga bagong tagapagtaguyod sa mga darating na taon. Makipag-chat at makipag-ugnayan ng lubos sa pangkat ng Oasis sa pamamagitan ng pagsali sa amin sa Discord o sa Forum ng Oasis!

Sumali sa amin!

--

--

Mrs.Bieber
Oasis Foundation Filipino

Blockchain Enthusiast, Graphic Designer, Content Creator, Social Media Influencer, LPT, CH Tutor