Kilalanin ang mga Bagong Cohort ng DappRadar Accelerator 2022
Noong Pebrero, inilunsad namin ang natatanging Accelerator program kasama ang DappRadar na naglalayong makahanap ng mga mapag adhikaing pangkat at suportahan ang pagbuo nila sa Oasis Network. Mula sa ideya hanggang sa pagbuo ng DApp, ang napili na maglabas ng kanilang laro at aplikasyon sa Oasis Emerald ay siyam na mga kumpanya.
Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.
Kasunod sa paglabas ng kanilang mga aplikasyon, ang proyekto ng bawat pangkat ay isasama sa $235M Ecosystem Fund at magpapatuloy sa susunod na antas. Tingnan ang mga proyekto sa ibaba at piliin ang panalo para sayo!
Sacred Queens
Isang laro sa DeFi ang Sacred Queens na naglalayong paganahin ang labanan sa pagitan ng mga manlalaro sa paggamit ng blockchain smart contract. Ang “Sacred Queen”, ang pasimulang in-game token, ay naka hardcap sa nakapirming halaga, habang ang ibang mga in-game token ay may burn mechanics. Dahil dito, inaasahan ang pangmatagalan sa lahat ng mga in-game token para ang halaga ay tumaas katagalan habang dumarami ang mga manlalaro. Sa paghahambing, may 100% na in-game ROI bawat buwan ang mga manlalaro sa mga sikat na laro sa DeFi ngayon. Nakapalaking inflation ang naidulot nito at kaya nilalayong patuyanan ng Sacred Queens na may matatag, at pangmatagalan na tokenomics ang mga laro sa DeFi na magtatagal at patuloy na lalago sa paglipas ng panahon.
Emerald Pad
Ang maging incubator sa mga proyekto ng Oasis sa hinaharap ang nilalayon ng Emerald Pad at magbibigay din ng mga serbisyo sa paglipat ng mga kasalukuyang EVM compatible na mga proyekto na gusto magbuo sa Oasis habang lumalago ito.
Website: https://emeraldpad.com/
Ilu Universe
Isang pandaigdigang laro ang Ilu Universe na puno ng mga kaibig ibig na mga nilalang na tinatawag na Ilu na maaaring kolektahin at padamihin bilang mga alaga ng mga manlalaro. Maaaring makipaglaban ang mga manlalaro sa mga halimaw (PVE) at sa iba pang mga manlalaro (PVP Arena). Maaari silang mag magtipon, magmina at magparami ng mga resources at gumawa ng maraming makakatulong na bagay.
May marketplace sa daigdig kung saan maaaring bumili, magbenta at makipagpalitan ng Ilu, kasama ang mga bagay at resources na nakuha nila sa game. Magugustuhan ito ng lahat. Kumpletuhin ang quest, talunin ang mga pinuno, at makipaglaban sa ibang manlalaro o tuklasan ang mga lokasyon na hindi pa napupuntahan.
Website: https://iluuniverse.com/
Abiogenesis
Isang metaverse sa mundo ng pagmimina, crafting, pakikipaglaban at diskarte sa pangangaso ng halimaw na Turn-Based Tactics (TBT) na laro sa 3D na itinakda sa muling pagsilang ng mundo ng Neophxis.
Website: https://www.abiogenesisnft.com/
Upfi
Isang protocol ang UPFI Network na pinagsasama ang stablecoin, Defi, DAO at ang Social Metaverse. Ang pagdugtong sa agwat sa pagitan ng digital na pera at mga aplikasyon sa totoong buhay na halos walang bayad ang transaksyon sa simple at nakakaengganyong platform ang nilalayon nito.
Website: https://upfi.network/
MTMS
Isang platform sa mga virtual meeting o kaganapan ang MTMS network na nalalapat sa ekonomiya ng blockchain. Maaarinh makakuha ng mga MTMS token ang mga user sa pamamagitan ng mga MTMS virtual meeting o kaganapan at kumita ng higit pa sa pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman sa online para suportahan ang mga tao. Sa mga market na may kakayahan sa hinaharap na solusyon tulad ng MTMS Ecosystem, Career & Education Hub. Ang MTMS Networ ay inaasahang manguna na platform sa mga virtual meeting o kaganapan na may napakahusay na benepisyo sa mga user. Idinisenyo ang platform upang gantimpalaan ang mga user sa kanilang kontribusyon sa ecosystem. Tinutukoy bilang “Meet & Earn” ang bagong modelo ng meeting na ito.
Website: https://mtms.live/
FairProtocol
Ang FairProtocol ay gumagawa ng lubos na desentralisadong protocol sa paglalaro, kung saan maaaring maging manlalaro at kumpanya mismo ang mga user. Mula ngayon, ang kita ng kumpaya ay kita rin ng user.
Website: https://www.fairprotocol.solutions/
Jungle Race
Hinango sa mga laro noong dekado 90, ang Jungle Race ay lumabas upang iligtas ang pinakamahalaga sa laro: pagsasaya. At pinagsama sa Fun-to-play, magdadala din ng mga natatanging elemento ang Jungle Race tulad ng play-to-earn, Move-to-earn, AR/VR, Blockchain, at mga NFT. Makakapag kolekta sila ng gusto nilang mga sasakyan na NFT tulad ng mga eroplano, mga barko o mga kart at mga character na may mga katangian tulad sakanila. May marami ding game mode para sa mga manlalaro at mga nakakahangang jungle scenario ng mga karerahan na puno ng mga hamon at mga balakid.
Website: https://junglerace.io/
Garlies
Isang P2E game ang Garlies na nakabatay sa tabletop role-playing at “choose your own story” na mga libro, kung saan ang iyong Garlie (NFT mo) ay ipapadala pabalik sa loot (ibang mga NFT). Maaaring magpasya ang mga manlalaro kung gusto nilang gamitin ang mga loot sa laro o ibenta.
Website: https://thegarlies.com/
Bakit ang Oasis Network?
Bukod sa mga inaalok na grant sa baging accelerator programm, may maraming nakakaakit na dahilan sa mga dApp developer na piliin ang Oasis ng paglulunsaran ng mga dApp. Ang Oasis Network ay scalable at perpekto sa Web3 dahil sa instant finality nito, mas mababang bayarin sa gas ng 99% kumpara sa Ethereum, high throughput at proteksyon sa privacy.
Ang kalamangan na tampok sa scalability ng network ay makakatulong na ayusin mataas na bayarin sa transaksyon at mabagal na throughput na problema sa ibang mga layer 1 na network. Pinagsama, Ang natatanging kakayahan ng Oasis na magbigay ng scalable, pribadong dApp ay inaasahang mangungunang platform sa pagbukas sa mga paggagamitan sa susunod na henerasyon.
May umuunlad na komunidad ng mga node operator, developer, kasosyo, ambassador at daan daang libong miyembro sa komunidad na nakikipag ugnayan sa lahat ng mga social channel ang Oasis Network. Ang iba pang detalye tungkol sa accelerator ay ilalabas namin sa ilang sandali.
Kung interesado ka sa pagbuo ng iyong proyekto sa Oasis, maaaring mag apply ng pagpopondo sa aming $235 Million Ecosystem Fund at sumali sa pinakabagong Gitcoin Hackathon para matulungan ka na makapagsimula. Para basahin ang aming developer resources ay mangyaring bumisita dito.