Kilalanin ang mga nanalo sa Oasis Bloom Hackathon 2022

Elise
Oasis Foundation Filipino

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Hinamon ang mga developer na bumuo ng DApp ng DeFi o P2E gaming sa Oasis Emerald ang EVM Compatible ParaTime sa aming Oasis Bloom Hackathon 2022, ay nagtapos na. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa labis na pagkawili at tumanggap ng higit sa isanlibong mga mahuhusay na proyekto, na nagpahirap sa mga hukom sa pagpili ng mga mananalo.

Ang lahat ng mga kalahok ay nais naming pasalamatan para sa kanilang pagsusumikap at makabagong modelo at nasasabik kami ngayon na ianunsyo ang 7 proyekto na nanalo.

DeFi Mover Awards

Grand Prize ($50K) — Chedda Protocol

Isang lending protocol na may isolated lending pool, VE token mechanics at suporta collateralized loan ng NFT ang Chedda. Maaaring magdeposito ang mga user ng collateral para makautang sa mga pagmamay ari na token. Ang kanilang isolated na modelo ay ang magkaroon ng iba’t ibang mga pool na may magkaibang posibilidad ng profile, para makapag deposito ng mahuhusay na pagmamay ari tulad ng ETH, WBTC at USDC sa “mas ligtas” na pool, habang maaaring gamitin sa mas maraming pool ang mga mapanganib na pagmamay ari. Ang modelo na ito ay tinitiyak na ang “di maganda” na pagmamay ari sa isang pool at hindi naging panganib sa buong protocol, tulad ng mga nangyaring hack sa mga DeFi. Pinahihintulutan sa modelo na ito na mag alok ng mga pool ang Cheddar Protocol kung saan ginagamit bilang collateral ang mga blue chip ERC-721 token.

Demo ng Chedda Protocol

Newman Capital Innovator Award ($25K) — XDAO

Para sa paglikha at pamamahala ng mga Desentralisadong Autonomous na Organisasyon ang platform ng XDAO. Ang lumikha ng pool na maging ligtas at madaling pagpool at pamahalaan ng mga tao ang kanilang puhunan ay ang pangunahing layunin ng XDAO. Ang XDAO ay nagbibigay ng mas mahusay at ligas na pamamahala ng puhunan sa DeFi. Ang mga kahanga hangang tampok: — XDAO Connect (kumonekta agad sa kahit anong Protocol sa DeFi mula sa iyong DAO — hybrid voting system (mababang gas pero ligtas) —Isang minutong paggawa ng DAO — Modular na arkitektura (paunlarin ang DAO sa kahit anong mga layunin) — Snapshot API integration para makagawa ng sariling DAO, hindi na kailangan intindihin ang code o makagawa ng smart contract. Hindi tatagal ng isang minuto ang paggawa mo ng sariling Desentralisadong Autonomous na Organisasyon. Para sa hackathon na ito, ang XDAO ay bumuo ng module ng payroll. Ang module na ito ay para mababayaran ang sahod ng mga empleyado o paghahanda ng iba pang regular na babayaran, kaya isusulong ang pagtanggap ng crypto currency sa nakasanayan at sa mundo ng DeFi.

Demo ng XDAO

Distinguished Award ($15K) — Mono

Isang smart fund na nagpapamina ng LP pool sa mga nagmamay ari ng iisang token ng walang impermanent loss ang Mono. Ang dalawang isyu sa pagmimina ng DEX ang nalulutas ng Mono sa pamamagitan ng hindi nangangailangan sa mga user na magbigay ng parehong hanay ng mga token at sa pag iiwas ng mga user sa impermanent loss.

Demo ng Mono Finance

GameFi Master Awards

Grand Prize ($50k) — Legions of Oasis

Crypto-native na video-game na nagbabawas ng pamamaraan sa pagitan ng GameFi at DeFi ang Legions of Oasis. Ito ay desentralisadong MMORPG na may mga natatanging tampok ng DeFi na lumikha ng isang napapanatiling protocol na may nakakaaliw at nakakahumaling na gameplay.

Tinatawag na mga champion ang mga idinepositong liquidity sa pagmimina ng mga playable na NFT. Kusang nakakaipon ng halaga sa yield ang mga champion. Para mag level up ang iyong mga champion na magpapataas sa rate ng iyong yield at governance power ay ilalock ang iyong mga yield. Magkakaroon ng access sa mga mas mataas na level ng gameplay kapag mataas ang level ng champion na nagbubukas ng pambihirang pagkukuhanan at mas maraming gantimpala.

Demo ng Legions og Oasis

NGC Innovator Award ($25k) — Histopia

Ang kauna unahang open-world metaverse kung saan ang mga manlalaro ay maaaring makipaglaban, magbuo, mag may ari at baguhin ang takbo ng laro ang histopia. Ang platform para kumita, pangangalakal, pagbubu, customizing at social common. Binubuo ng maraming planeta ang sandaigdigan ng histopia at ang bawat planeta ay nasa isang blockchain na makapagbridge ng mga NFT sa pagitan ng mga planeta at makipaglaban para kontrolin ang pinagmulan ng ERA (ang bumubuo ng ating native token). Ipakikilala ang histopia para malutas ang mga problema ng ibang platform at magbigay ng bagong mga kagamitan. Ang mahahalagang isyu gaya ng tiwala at scalability ay nalutas namin sa paglilipat ng malaking bahagi ng pampinansiyal na istraktura ng laro, lohika at computational na pasanin sa mga smart contract. Ang mga user na may iba’t ibang sigasig ay bibihagin namin sa pagsasama sama ng ideya sa play to earn at metaverse.

Demo ng Histopia

Distinguished Award ($15k) — CalorieCoin E2E Jump Game

Ang mga ehersisyo, kabilang ang jumping rope, ay mahusay para sa pagsunog ng mga calorie ngunit bukod pa rito, nagpapasigasig sa pag eehersisyo. Isang Dapp sa Oasis ang CalorieCoin, ay nilulutas ang problemang ito. Una, sa paggawa ng sistema ng exercise to earn kung saan ang makakatanggap ng Caloriecoins bilang gantimpala sa pag jump rope. Sa CalorieCoin, maaari kang bumili ng mga gamit tulad ng timbangan, mga tiket sa fitness center at iba pang mga gamit na binebenta ng kumpanya ng CalorieCoin. Bilang kahalili maaaring ipagpalit ng user ang CalorieCoin o mag withdraw sa totoong salapi. Maaaring maglaro ang mga user sa buong mundo ng mga jump rope na tugma sa totoong oras sa metaverse. Makakakuha ng mga CalorieCoin sa smart contract ang mga mananalo. Kawili wiling makita ang mga gamit na suot ng Metaverse Avatar, pagpapadala ng parehong realtime data ng mga produkto na may naka tag sa mga QR code na NFT (mga kasuotan sa yoga, smartwatch, jump rope at iba pa..). Ito ay magkokonekta sa metaverse at sa totoong mundo sa iisang espasyo. Ang mga IoT skipping rope sa kasalukuyan ay nangongolekta lang ng data ng talaan ng ehersisyo. Wala pang jump rope na ginamit sa E2E, metaverse game at koneksyon ng mga NFT.

Demo ng Caloriecoin

Bonus Award

Pinakamakabagong Proyekto ($20k) — Vitruvians Tools

Para makagawa ng pangkalahatang solusyon para sa kahusayan ng mga NFT sa Oasis ecosystem ang Vitruvian Tools. Nilalayon na isulong ang Oasis sa larangan ng NFT. Ang ilan sa mga nabuong kagamitan ay kinabibilangan ng: Ang Discord Role Machine, Ang Safe NFT Transfer tool, Ang mga Bot sa Pagbebenta at Pagpapalista, Ang Tool sa Pamamahal ng Whitelist, Ang Pambihirang Tool, mga Raffle at mga subasta.

Malapit na ring ilabas ang mga karagdagang tool tulad ng serbisyo ng staking, NFT Sniper at ang Dashboard ng NFT.

Demo ng Vitruvians Tools

Makakatanggap ang lahat ng mga nanalo ng isa sa aming mga eksklusibong Hackathon na NFT, na binuo sa pakikipagsosyo sa MetaMirror Gallery ng Auth3 Network.

Sila din ay iimbitahan sa aming taunang Demo Day ngayon taglagas, kung saan may access sila sa mentoring at karagdagang pagpopondo galing sa $250 Million Ecosystem Fund, na may suporta ng mga pangunahing tagapagtaguyod.

Kung interesado ka sa pagbuo ng iyong proyekto sa Oasis, maaaring mag apply ng pagpopondo sa aming $235 Million Ecosystem Fund at BLOOM Grants Program para matulungan ka na makapagsimula. Para basahin ang aming developer resources ay mangyaring bumisita dito.

--

--