Linggo ng Sining ng NFT, kasama ang mga Koleksyon mula sa mga Tanyag na mga Artist ay LIVE sa Oasis Network

Elise
Oasis Foundation Filipino

--

Maglulunsad ang MetaMirror at ang Oasis Network ng linggo ng sining sa NFT para ang mga artist ay maipakilala sa komunidad. Bawat araw ng buong linggo, ilalabas sa MetaMirror marketplace ang bawat kamangha manghang koleksyon ng NFT na eksklusibo lang sa Oasis Network. Para makasali sa mga paparating na aktibidad, mangyaring sundan ang lahat ng aming social media account.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Kilalanin natin ang mga artist

Javier Soler Esplugues a.k.a Bastard Films

Nag aral mag isa bilang 3D artist si Javier Soler na mula sa Espanya kung saan ang kanyang artwork ay pinagsasama samang abstract at tunay na elemento para maghikayat ng iba’t ibang damdamin ng mga manonood.

Dahil lumipat sa 3D na disenyo mula sa videography at photography, nagustuhang tuklasin ni Javier ang maraming posibilidad sa mundo ng 3D at ang imahinasyon lang ang isang bagay na pinaniniwalaang makakapigil sa iyong paglikha. Sa 3D na sining, ikaw ang bahala at mabilis na mababago at magdagdag ng mga bagay kasabay ng malikhain na proseso.

Bilang isang malaking tagahanga ng mga astronaut at ang kanilang kakayahang maglakbay at tumuklas ng mga nakatagong lugar, nais lumikha ni Javier ng kanyang sariling planeta na may maraming kalikasan at buhay. Ang ilulunsad niyang koleksyon ay magpapakilala sa mga astronaut sa isang bagong planet na halos katulad ng Earth, may tubig, gulayan at mga hayop, isang lugar na maaaring magsaliksik at magsimula ng isang buhay.

Alamin pa ang tungkol sa artist dito:

Instagram:@_bastardfilms_

TINGNAN ANG KOLEKSYON DITO

Narito ang ilang mga halimbawa sa paparating na koleksyon:

Sensei Gallery: Daniel Alcazar at Gustavo Coppoletta

Isang lugar kung saan nagsasama sama ang sining at teknolohiya ang Sensei Gallery. Nagtatanghal sila ng mga physical at digital na likhang sining ng mga kilalang mga artist mula sa kanilang nasyon (espanya) at mga tanawin ng ibang bansa at ang mga artist na mula sa U.S., Argentina at Mexico gaya nina Edmond Kiraz, Elias Hernández, Daniel Alcazar, at iba pa ang pinagtutuunan ng pansin.

Ang unang dalawang artist na kanilang ipapakilala sa Oasis NFT Art Week ay sina:

Isang graphic designer at photographer si Daniel Alcazar na nakadestino sa Madrid, kilala sa tanawin ng taga espanya sa kanyang mga disenyo na retro ang komposisyon. Multimedia editorial products ang pinag aralan niya at nagpakadalubhasa sa advertising design. Ipinalabas na sa maraming mga museo sa buong espanya ang kanyang mga ginawa. Creative Director din siya sa maraming mga kumpanya sa Sony Music.

Alamin pa ang tungkol sa artist dito:

Instagram: @da.alcazar

TINGNAN ANG KOLEKSYON DITO

Narito ang ilang mga halimbawa sa paparating na koleksyon:

Isang artist mula sa Argentina si Gustavo Coppoletta kung saan itinampok sa mga museo sa buong mundo ang kanyang mga gawa, mula sa Gitnang Silangan hanggang sa Timog Amerika. Ang estilo ng kanyang sining ay halos figuration style o symbolist realism, gamit ang mga elemento ng mga sikat na kultura sa kanluran na may disenyong Islamic.

Alamin pa ang tungkol sa artist dito:

Instagram: @gustavocoppoletta

TINGNAN ANG KOLEKSYON DITO

Narito ang ilang mga halimbawa sa paparating na koleksyon:

Leo Pak

Isang mahusay na artist mula sa China, si Leo ay gumagawa ng mga tradisyunal na art space at ninanais na umunlad sa mga NFT gamit ang kanyang likhang sining. Nag aral mag isa bilang illustrator at product designer na mula sa Hong Kong. Siya ang mahilig sa Japanese Anime at dakilang tagahanga ng Dragon Ball at Slam Dunk. Ang una niyang figure design na “IKARIKUMA the space explore” ay na shortlisted sa catalog ng mga desinyo noong 2021 sa “the Greater Bay Area (GBA) Exhibition Tour”.

Alamin pa ang tungkol sa artist dito:

Instagram: @tepukuma

TINGNAN ANG KOLEKSYON DITO

Narito ang ilang mga halimbawa sa paparating na koleksyon:

Okan Ozel a.k.a oknart

Isang mahusay na artist mula sa Turkey si Okan, at dadalhin niya sa Oasis ang kanyang koleksyon ng “Surreal world”. Ang kanyang mga likhang sining ay nabubuo sa pagkuha sa “real world” sa kanyang imahinasyon at ginagawang digital na canvass. Maaaring sabihin na ang mag ito ay hindi totoo, ngunit para kay Okan, kahit papaano totoo ang mga ito. Inaasahan niyang masisiyahan ka sa iyong paglalakbay sa surreal na mundo.

Alamin pa ang tungkol sa artist dito:

Instagram: @oknart

TINGNAN ANG KOLEKSYON DITO

Narito ang ilang mga halimbawa sa paparating na koleksyon:

Bakit Pinakamahusay na Network ang Oasis para Sumuporta sa mga NFT at kung paano maging kabahagi

Ang teknolohiya ng Oasis ay nagpapanatili ng privacy upang mapalawak ang design space at kakayahan ng mga NFT. Nagbibigay sa mga tagalikha ng NFT ang programmable privacy ng mas maraming pagpipilian at kakayahang umangkop sa paggawa ng kanilang mga token, ang Army of Minion ng Bishop ang magandang halimbawa kung saan ang mga layunin na lumikha ng artwork ay maaari lang mabuksan ng may ari ng NFT sa pamamagitan ng Parcel, ang teknolohiya sa Oasis na nagpapanatili sa privacy.

Bilang opisyal na EVM compatible ParaTime sa Oasis Network, ang Emerald ay maaaring:

  • Mabilis na integrasyon sa mga DApp na nakabatay sa EVM, gaya ng DeFi, NFT, at Crypto Gaming
  • Scalability — Mataas na throughput ng mga transaksyon
  • Mababang gastos— mas mababang bayarin ng 99%+kaysa sa Ethereum
  • Cross-chain bridge para sa cross-chain interoperability

Kung gusto mong sa Oasis ilulunsad ang iyong proyekto, kami ay may $235 million ecosystem fund at BLOOM Grants Program para tulungan ka na makapagsimula.

--

--