MetaMirror — Ang kauna unahang NFT Marketplace ay live sa Oasis Network
Kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng MetaMirror noong Nobyembre 2021, na kinabibilangan ng MetaMirror Gallery at ng MBuddy, ang kauna unahang Web 3.0+ na identity service, sa pagdagdag ng MLaunch ay naging mas malawak ang NFT platform ng Oasis. Ang MLaunch ay isang makabagong NFT launchpad na walang code na maaaring makapagdesisyon ang mga proyekto ng NFT ng paglulunsad batay sa mga kaalaman sa tulong ng data ng mga kalahok. Ang pagsasama ng MLaunch sa MetaMirror Gallery, na makakapagkalakalan ng NFT at pag uugnayan ng komunidad, lumago at umunlad na bilang pinaka unang pinangakong NFT marketplace ang MetaMirror.
Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.
Ano ang MetaMirror?
Hindi lang isang marketplace ng bilihan at bentahan ng mga NFT ang MetaMirror kundi isang bahagi din para mapalaki sa malawak na komunidad ang mga NFT. Marami pang darating na mga koleksyon ng NFT sa hinaharap, gayon pa man, ang ilan sa mga mahahalagang koleksyon na lumabas ay ang mga:
- Ang NFT Collection ng Oasis AI ROSE na may 999 na binuo ng AI na mga larawan ng mga rosas na may suporta ng platform ng MetaMirror at tokenized (binuo) na mga NFT sa Oasis Network. May 999 na nakahandang whitelist para sa mga aktibong miyembro sa komunidad ng Oasis, makakatanggap ng isang libreng AI ROSE NFT ang bawat kwalipikadong miyembro.
- ‘Army of Minions’ ay isang bagong eksklusibong koleksyon ng NFT, na nasa MetaMirror Gallery ng Oasis Network. Ginawa ng isang pintor at dalubhasa sa agham na tinatawag na ‘bishop’, pinagsama ng dalawang mga sangay ang mga NFT. Ang limited-edition na koleksyon ng NFT ay may kakaibang katangian at mathematical equation, na naging isang obra maestra ng mga kakaibang digital na likhang sining. Ito rin ang koleksyon na ginagamit ang tampok ng confidentially na nasa Oasis Network.
Ano ang MLaunch?
Isang bagong launchpad ang MLaunch na binuo ng mahusay ng MetaMirror na tutulong sa mga pintor na tanggapin ang teknolohiya ng NFT sa pagbibigay ng:
- Code-free na serbisyo sa pagmimina
Nangangailangan ng kagalingan sa coding ang pagmimina ng mga NFT at pagbibigay ng mga pagdiriwang sa pagbebenta ng NFT, tulad ng whitelist minting at pampublikong minting, ngunit sa MLaunch, ang mga pintor ay makakabuo ng kanilang smart contract ng NFT at makapaghanda ng pagdiriwang sa paglulunsad ng ilang pindot lang.
- Automated na pakikipag ugnayan sa komunidad
Nangangailangan ng pagsisikap ang pagtatatag ng isang matibay na mamimiling komunidad. Gayon pa man, bilang bahagi sa malaking proyekto ng MetaMirror ang MLaunch, ang mga pintor ay may karagdagang access sa mga kaalaman na suportado sa data ng kanilang komunidad habang sa anumang paglulunsad ng NFT. Sa paggawa ng kanilang MBuddy space, ang mga retweet, imbitasyon, check in, chat at iba pa ay mapapamahalaan sa isang lugar.
- Bridging ng mga tagahanga ng Web2 sa Web3
Tinutulungan ng MLaunch ang mga tagahanga ng pintor na i-bridge ang kanilang pagkakilanlan mula sa Web2 hanggang sa Web3, para makipag ugnayan ang mga pintor sa mga huwad na pagkakakilanlan ng kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng MBuddy.
Alamin pa dito
Ang Linggo ng Sining sa NFT ay malapit ng magsimula
Simula sa lunes, ika-30 ng Mayo 2022. Maglalabas ng eksklusibo sa koleksyon ng NFT ng Oasis araw araw sa loob ng limang araw ang mapipiling pintor. Ang MetaMirror ang pinili ng bawat pintor para sa kanilang mga koleksyon para sa kaluwagan ng paggamit nito at sa lumalaking nitong komunidad, at magkakaroon din ng maraming mga aktibidad sa loob ng linggo, mula sa mga AMA session hanggang sa mga katangi tanging mga giveaway.
Sundan kami sa aming social media feeds para sa mga paparating na anunsyo.
Bakit Pinakamahusay na Network ang Oasis para Sumuporta sa mga NFT?
Ang Oasis ay nangungunang scalable at pinapagana ang privacy na blockchain, na naging malinaw na pipiliin ng mga tagalikha na bumuo ng mga NFT. Ang pagkakasama ng mataas na throughput at ligtas na arkitektura ay nangangahulugan na mapapagana ang mga paggagamitan ng mga tokenized data sa Oasis Network, para makontrol ng mga user ang mga nabuo na data at makakuha ng gantimpala sa pagbubuo ng kauna unahang responsableng ekonomiya ng data.
Ang Oasis ay laging handa na tumanggap ng mga bagong proyekto sa network, at kami ay may $235 million Ecosystem Fund at ang BLOOM Grants Program para tulungan ka na makapagsimula.