Mga Video Tutoryal ng mga ‘Paano’ ay LIVE sa Youtube

Elise
Oasis Foundation Filipino
2 min readFeb 16, 2022

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Kami ay nasasabik na ipahayag na naglabas kami ng apat video tutoryal ng mga ‘Paano’ sa aming YouTube Channel:

  1. Panimula sa Wallet ng Oasis
  2. Paglilipat ng mga asset sa Emerald ParaTime
  3. Paggamit sa YuzuSwap DEX
  4. Oasis 101 — Paano gumawa ng mga DApp

Panimula sa Wallet ng Oasis

Sa video na ito ay ipinapakita kung paano gumawa o magbukas ng Oasis Wallet sa Web Interface or sa Browser Extension

Ipinapakita rin kung paano iimport ang Ethereum compatible na account sa Browser extension (0x address), na magagamit sa Emerald, ang EVM Compatible ParaTime

Paglilipat ng mga asset sa Emerald ParaTime

Sa video na ito ay ipinapakita kung paano mo ililipat o i bridge ang mga asset mula sa iba’t ibang chain sa Oasis Emerald, ang EVM Compatible ParaTime.

Para sa demonstrasyon, ang cBRIDGE V2 mula sa celer.network ang ginamit at ang 21 USDC ay inilipat mula sa Ethereum Mainnet sa Oasis Emerald Mainnet.

Paggamit sa YuzuSwap

Ang YuzuSwap ay ang unang DEX na binuo sa Oasis Network

Sa video na ito ay ipinapakita kung paano gamitin ang YuzuSwap DEX sa Emerald, kung paano mag swap ng mga asset, kung paano maglagay ng liquidity, at kung paano gamitin ang Liquidity Mining (pag stake ng mga LP token)

Oasis 101 — Paano gumawa ng mga DApp

Panoorin ang video demo kung paano gumawa ng DApp sa Oasis Network

Kung nangangailangan ka ng karagdagang tulong, mangyaring bumisita sa aming ‘Getting Started Guide’ dito o mag-email sa wallet@oasisprotocol.org

--

--