Naghahanap ang Oasis ng mga Builder Para Bumuo ng Move ParaTime

Ladybitecoin
Oasis Foundation Filipino
4 min readOct 25, 2022

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na sinuri para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Ang Move, ay isang Rust-based na wikang pamprograma na ginawa ng Facebook para sa Diem Blockchain, na kamakailan lang ay nakapukaw ng maraming pansin. Sa pamamagitan ng pagtutok nito sa kaligtasan at seguridad at sa dagdag na posibilidad na inaalok nito sa mga debeloper, iniisip namin kung magugustuhan ng komunidad na suportohan ang Move sa Oasis Network.

Itong smart contract language ay idinisenyo upang mapalawak ang kaligtasan at seguridad; idinisenyo ito para sa mga asset na hindi maaaring makopya para masigurado na ang digital resources ay mayroon lamang isang may-ari sa isang pagkakataon at iisang beses lang pwede gastusin.

Ang Move na teknolohiya ay nagpapahayag ng maraming pagasa hinggil sa scalability at seguridad ng blockchain at akma sa pagpapalawak ng Oasis Network. Mas madali itong gawin kung may hangarin, salamat sa Oasis’ modular arkitektura na desinyo.

Pag-uunawa sa Move

Ang Move ay isang executable bytecode na wika na ginagamit para makagawa ng mga smart contract at custom transaksyon sa blockchain. Ito ay tinatag bilang isang matiwasay at may kakayahang umangkop sa wikang pamprograma para sa Diem Blockchain. Ayon sa Diem’s whitepaper, ang wikang ito ay nakatuon sa dalawang major na mga digital asset: kakulangan at pag kontrol sa pag-access.

Ang Scarcity ay may limitasyon sa paggawa ng asset, na pinipigilan ang dobleng paggasta, habang ang kontrol sa pag-access ay ang nangangasiwa sa pagmamay-ari at mga pribilehiyo.

Iba ito sa ibang mga programming language, gaya ng Solidity, dahil ito ay gumagamit ng resources galing sa matematikong konsepto ng linear logic. Sa linear logic, ang mga pormula ay tinatrato bilang isang napakahalagang mapagkukunan na pwedeng magamit ng isang beses lamang.

Sa kalagayan ng Move, “ang mapagkukunan ay hindi kailanman makopya o basta-bastang ibabasura, na nagagalaw lamang sa pamamagitan ng pag-imbak ng programa sa mga lokasyon, “ang nakasaad sa whitepaper. Kaya’t, nagngangalang “Move.”

Ang seguridad at pagpapahiwatig ng Move ay pinapayagan ang makabuluhang mga bahagi ng Diem protocol para magamit sa Move, kasama ang Diem coin, sa pagproseso ng transaksyon, at pangangasiwa ng validator.

Naipatupad na rin ang Move sa iba pang mga blockchain, kasama ang Sui at Aptos. Kaya ito ang dahilan kung bakit may buzz sa paligid ng Move, at sa pagsasagawa nito ay makikita sa Aptos ang lahat ng transaksyon na pinoproseso ng sabay sabay at napatunayan pagkatapos para matulungan sa bilis at kakayahang masukat. Ang anumang bigo na transaksyon ay kakanselahin at muling uulitin, salamat sa kanilang STM library na kung saan malalaman at maisasagawa ang hindi napagkasunduan.

Paano makakagalaw ang Oasis sa Move

Ang isa sa mga pangunahing katangian ng Oasis Network ay ang kagalingan sa maraming bagay at pagpapalawig nito. Ang Oasis Network ay gumagamit ng isang modular na arkitektura na naghihiwalay sa kasunduan at pagpapatupad sa smart contract sa Consensus Layer at ParaTime Layer.

Ang ParaTime Layer ay gumagawa ng ibat ibang uri ng compute across dev environment. Mayroon na agad na EVM-compatible runtime na ang tawag ay Emerald at WASM-compatible na nakatuon sa pribasiya naman ang tawag ay Cipher. Nitong huli, ang pribasiya at EVM compatibility ay pinagsama-sama sa isang industry-first kumpidensyal EVM runtime na ang tawag ay Sapphire.

Gayunman, ang likas na katangian na maraming nalalaman ng Oasis architecture ay ginawa upang mapadali at mapalawak ang suporta para sa dagdag na runtime environment. Kung mayroon mang gusto mula sa komunidad at lakas mula sa mga debeloper , ang bagong ParaTime na sumusuporta sa Move ay maaaring mabuo ng madali sa network.

Ang Oasis Network ay kayang mapanatili nitong matibay ang pampublikong ledger habang nagkakaroon ng ecosystem ng paghihiwalay ng ParaTime na umuunlad kasama sa pagusbong ng teknolohiya, tulad ng Move, na pinapayagan ito na iangkop at magsilbi ng mga kaso ng paggamit sa hinaharap.

Pagbuo ng Move ParaTime

Sa Oasis, nais namin maging hantungan ng tagabuo ng Web3. Pinasasalamatan namin na walang ano man na karaniwang paraan na bumuo ng susunod na ebolusyon ng Web, kaya’t meron kaming modular na arkitektura, na pinapayagan ang kahit sino na makalikha ng mga bagong build environment.

Sa pamamagitan ng potensyal ng Move na magbigay ng kakaiba sa mga tagabuo, gusto namin kayo pakinggan, ang aming komunidad, kung nais nyo makita na suportado ang Move sa Oasis Network. Maaari kang matuto nang higit pa sa pagbubuo ng ParaTime, at kung ano ang kailangan para mapatakbo mo ang ParaTime dito.

Gayunman, kung nais mong pag-usapan pa tungkol sa posibilidad na makabuo ng Move ParaTime, maaaring sumali sa aming Discord. Kami din ay nag-aalok ng grant sa karapat-dapat na mga pangkat para makabuo ng Move ParaTime sa Oasis. Kung interesado, ay maaaring mag-aplay dito.

--

--