Mabilis ang Paglago ng Oasis Emerald ParaTime na wala pang tatlong buwan

Elise
Oasis Foundation Filipino
4 min readFeb 17, 2022

Ang Emerald, ang EVM compatible ParaTime, ang integrasyon sa mga DApp na nakabase sa EVM gaya ng DeFi, NFT, Metaverse at crypto gaming ay pinapadali. Mula nang ilunsad ito noong Nobyembre nakaraang taon, ang pagtaas ng network ay mabilis na tumaas.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Ang Paglago ng network hanggang sa kasalukuyan

Sa loob lang ng ilang araw noong Enero, ang bilang sa naprosesong transaksyon sa Emerald bawat araw ay tumataas. Mula sa ilan lang transaksyon sa isang araw, sa pagsapit ng ika-10 ng Enero ang bilang ay nagsimulang umakyat hanggang sa umabot ng higit labing walong libo transaksyon bawat araw. Noong ika-11 ng Enero naitala ang unang mataas ng paglago ng mga transaksyon na umabot sa isandaan at limang pung libo bawat araw.

Nagpatuloy hanggang ika-19 ang exponential growth, ang pagtaas ay umabot ng siyam na daan at limang pung libong transaksyon bawat araw. Simula noon, may higit na 1.8 milyong account, humigit kumulang dalawang daang libo na transaksyon ang patuloy na napoproseso bawat araw. Bukod dito, Ang consensus layer account ay may higit sa isandaan at dalawangpung libo na nagpoproseso ng higit sa isandaan at sampung libong transaksyon araw araw at ang mga request sa Emerald Web3 sa public gateway ay higit sa dalawangpu’t tatlong milyon araw araw.

Ang Nagpapalago sa Oasis Network ay ang DeFi at mga NFT Dapp

Kamakailan ay maraming DeFi at mga NFT na proyekto ang inilunsad sa Emerald at nakatulong sa paglago ng ecosystem.

Noong ika-11 ng Enero, naitala ang unang mataas na paglago, kasabay ng paglunsad ng YuzuSwap. Ang YuzuSwap ay ang unang DEX na binuo ng komunidad sa Oasis Network at mula ng ilunsad ay nagtala ito ng pambihirang paglaki sa TVL, sa loob ng labing dalawang oras ang TVL ay lumagpas isandaang milyon dolyar, at sa loob ng apat na araw ang TVL ay umabot ng isandaan at walongpung milyon dolyar. Ngayon, ang Yuzu token holder sa Emerald ay 9776, at umabot sa ISANG BILYON USDT ang kabuuang trading volume ng YuzuSwap.

Ang paglunsad ng AI ROSE at Metamirror Gallery noong ika-18 ng Enero ay nakatulong sa lalong paglago. Hanggang sa kasalukuyan, ang nailunsad na koleksyon ng NFT sa Emerald sa nakalipas na apat na buwan ay labing isa. Ang trading volume ng NFT marketplace ng Metamirror ay umabot sa tatlong milyon at ang floor price ay 13.5K $ROSE

Bukod pa rito, papalakasin ang Network ng integrasyon ng Band Protocol sa Mainnet na magdadala ng mas marami pang protocol sa DeFi, kabilang ang lending at mga yield aggregator, paganahin sa Emerald.

Kasalukuyang kalagayan ng network

Patuloy na sinusubaybayan ng Oasis team ang kalagayan sa Emerald para matiyak na sa tuwing may mga isyu, ay mabilis na mabuo at maipatupad ang mga solusyon. Bilang tugon sa pagtaas sa dami ng transaksyon, mabilis na tutugon sa pangangailangan at pagtiyak sa kagalingan ng ParaTime ang Oasis at ang mga node operator ng network.

Noong ika-11 ng Enero naitala ang unang malaking pagtaas ng pagkakagamit, ang kasalukuyang hardware capacity ng mga server ng web3 gateway ay agad na pinataas ng koponan at naghanda ng mga bagong paghimok. Mabilis na nakatugon ang mga endpoint sa pangangailangan dahil sa mabilis na pagkilos ng network at ang komunidad nito, Humigit kumulang dalawang pu’t tatlong milyon ang kasalukuyang average na request kada araw.

Ang upgrade ay inilabas para matugunan ang mataas ng pangangailangan

Para maiwasto ang mga isyu at maging mas scalability ang ParaTime ay parehong inilabas ang upgrade sa Emerald 6.1.0 at 6.2.0 sa loob ng ilang araw. At dahil ito ay mga backward-compatible, ang ParaTime ay palaging gagana habang ang upgrade ay inilunsad ng mga kasaling node ng walang anumang downtime.

Ang mga isyu sa zero-gas transaction flooding at hindi tamang batch scheduling sa block gas limit ay nalutas sa paglabas ng Emerald ParaTime 6.1.0 sa pamamagitan ng:

  1. Pagpapatupad ng non-zero minimum gas price limit sa mga worker committee node sa Emerald ParaTime.
  2. Wastong naglalabas ng mga bigat ng transaksyon.

Ang mga isyu sa transaction scheduling na nauugnay sa gas ang nalutas sa paglabas ng Emerald 6.2.0 sa mainnet.

Ang mga imprastraktura ay parehong pinalaki ng Oasis at mga kasosyo na komunidad para maghanda sa mas malaking paglago sa hinaharap.

Para mas malaman ang partikular na pag unlad panteknil sa Emerald ParaTime, mangyarin tingnan ang update sa Engineering dito.

Ang Mabubuo sa Scalable na Network

Ang Oasis Network ay scalable at perpekto sa DeFi dahil sa instant finality nito, 99% mas mababang gas fee kumpara sa Ethereum, mataas na throughput, proteksyon sa privacy at depensa laban sa MEV.

Nagpapatuloy ang $200 Million Ecosystem Fund at ang dalawang programa ng Accelerator; Ang DappRadar X Oasis Program at ang Oasis-MetaMind Program para tulungan ang mga proyektong magbuo sa Oasis Network.

Katulad ng dati, ang mga pag unlad ay maaaring patuloy na subaybayan at makahingi ng suporta sa:

--

--