Oasis Enero 2023 Update sa Engineering

Ardetlongos
Oasis Foundation Filipino
7 min readFeb 28, 2023

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na sinuri para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Nagsimula ang Oasis Engineering sa 2023 na may mahusay na stream ng mga importanteng core protocol upgrades at feature updates. Noong Enero, karamihan sa mga item na in-ship ay may runtime features, Core optimizations, validator updates, at marami pang iba. Sa kabila ng lahat ng ito, mayroong isang buwan ng consistent Mainnet at Testnet stability kasabay ng mga numerous upgrades, habang ang average ng araw-araw na transaction sa Emerald ay nakakita ng 20% boost!

Magpatuloy sa pagbabasa para sa isang buong buod ng progreso ng Oasis Engineering noong Enero!

Mga Update sa Wallet

Opisyal na idinagdag ang suporta para sa Oasis Sapphire na tumatakbo sa Mainnet sa Oasis Wallet — Browser Extension! Ang feature na ito ay naka-incorporate sa loob ng 1.9.0 release at available sa Chrome Web Store.

Noong Enero, nakita ng Oasis Wallet — Web ang ilang external dependencies bumps at improved tests. Sa kabuuan, 40 pull requests ang na-merge.

Mayroong bagong release process na itinakda para sa Oasis CLI, na nagsimula sa 0.1.0 release. Sa kasalukuyan, mayroong amd64 binaries para sa Linux at plano naming magdagdag ng MacOS builds sa malapit na hinaharap.

Ang bagong kapansin- pansin na feature para sa mga users ay isang safety check para sa target addresses na mag-iiwas sa mga users na magpadala ng funds sa mga reserved addresses tulad ng native ParaTime addresses, rewards and common pools, fee accumulators, at kahalintulad (#123). Maaring i-override ng mga users ang check na ito sa pamamagitan ng pagpasa ng bagong -force flag.

Ang mga bagong bersyon (2.5.0+) ng Oasis nano app para sa Ledger ay naglalaman ng suporta para sa pag-sign ng ParaTime transactions gamit ang Ledger hardware wallet. Ang integration sa Oasis CLI at iba pang wallets ay kasalukuyang in progress.

Mga Update sa Network

Ang Emerald, Sapphire at Cipher ParaTimes ay lahat na stable sa parehong Mainnet at Testnet noong Enero. Walang mga downtime o insidente na naiulat kahit na mayroong mga number of upgrades.

Narito ang rundown ng mga nangyari sa Mainnet at Testnet noong nakaraang buwan.

Mga highlight sa Mainnet

Nagsimula ang pagsubok ng Oasis Core 22.2.x branch noong Disyembre kaya nung Enero 4, ang hindi nakakabasag na update mula sa Oasis Core 22.1.x patungo sa Oasis Core 22.2.x branch ay ipinropose sa Mainnet. Ang unang ginamit na bersyon ng 22.2.x ay ang 22.2.3 at pagkatapos ay dalawang karagdagang mga maintenance update ang ipinropose — ang bersyon 22.2.4 noong Enero 11 at ang bersyon 22.2.5 noong Enero 23.

Noong Enero 26, ang hindi nakakabasag na mga upgrade sa ParaTime ng Sapphire 0.3.1 at Cipher 2.6.2 ay iniharap sa Mainnet.

Ang average na bilang ng mga transaksyon sa Emerald ay nakakita ng 20% na pag-angat noong Enero (15,300 transaksyon kumpara sa 12,700 noong Disyembre 2022). Ang peak ng 21,442 transaksyon noong Enero 14 ay mas mataas din mula sa nakaraang buwan — 15,929 noong Disyembre 16, 2022.

Sa gitna ng Enero, nag-set up ang Oasis engineering ng monitoring para sa mga transaksyon sa Sapphire. Ang average na bilang ay 1,125 transaksyon kada araw na may peak na 1,160 transaksyon noong Enero 18.

Aktibong Oasis Mainnet nodes noong Enero 31, 2023:

  • 120 validator nodes
  • 6 key manager nodes
  • 28 Cipher ParaTime compute nodes
  • 52 Emerald ParaTime compute nodes
  • 22 Sapphire ParaTime compute nodes

Mga highlight sa Testnet

Noong Enero 10, iniharap ang Emerald 10.0.0-testnet upgrade. At noong Enero 25, iniharap ang Sapphire 0.3.1-testnet at Cipher 2.6.2-testnet upgrades.

Mula sa Enero, magrereport rin ang Oasis engineering ng mga estadistika para sa Emerald na tumatakbo sa Testnet para sa konsistensiya. Ang average na bilang ng mga transaksyon kada araw ay 2,953 na may peak na 3,282 transaksyon noong Enero 16.

Noong Enero 11, ang Sapphire na tumatakbo sa Testnet ay may peak na 3,069 na mga transaksyon sa isang araw, isang 46% na pagtaas mula sa 2,096 transaksyon noong Disyembre 2022. Gayundin, ang average na bilang ng mga transaksyon ay nagtaas sa 2,880, mula sa 1,067 noong Disyembre 2022.

Aktibong Oasis Testnet nodes noong Enero 31, 2023:

  • 44 validator nodes
  • 5 key manager nodes
  • 14 Cipher ParaTime compute nodes
  • 32 Emerald ParaTime compute nodes
  • 18 Sapphire ParaTime compute nodes

Mga Developer Platform at ParaTime Updates

Sa Enero, ang repository ng Oasis SDK ay karamihang nakakita ng mga version bumps at polishes tungkol sa EVM at migrated Oasis CLI. Mayroong kabuuang 27 na mga pull requests na naidagdag.

Sa Sapphire, idinagdag ang solidity precompiles para sa paglikha ng keypair at pagpirma ng mensahe gamit ang native ed25519, secp256k1 at sr25519 schemes (#80). Ang @oasisprotocol/sapphire-paratime at @oasisprotocol/sapphire-hardhat wrappers ay nagkaroon ng pag-aayos para sa mga intermittent errors kapag ginagawa ang smart contract calls (#95, #101).

Ang endpoint ng Sapphire Mainnet ay opisyal na suportado na rin (#103). Ang Metamask wrapper ay maaari na ring mag-cache ng mga signed queries hanggang sa session ng browser ay mag-expire (#100). Ito ay nagtatanggal ng nakakairitang mga popups tuwing kinakailangan isumite ang confidential query. Kabuuang 8 na pull requests ang na-merge sa Sapphire repository.

Ang tatlong opisyal na Oasis ParaTimes ay nagkaroon ng mga bagong maintenance releases noong Enero. Sila ay binuo gamit ang bagong Oasis SDK version at Oasis Core 22.2.x branch:

Ang Oasis Web3 Gateway ay nagkaroon ng ilang mga version bumps, pero walang mga releases na ginawa. Maligaya ang mga developers ng dApp dahil may bagong oasisprotocol/sapphire-dev Docker image na nasa final development phase na magpapahintulot ng localnet development at testing ng Sapphire dApps. Abangan ang deployment nito sa Pebrero!

Patuloy ang trabaho sa Oasis Indexer at Oasis Explorer. Ang indexer ay may tatlong mga bagong release noong Enero (0.0.6, 0.0.7, 0.0.8). Ito ngayon ay suportado na ang account-related queries, na ginagawang angkop ito para sa mga typical wallet apps queries (#277). Ang CORS support (#290) at transactions statistics ay idinagdag na rin (#294). Sa pagdagdag ng buong OpenAPI specs para sa Indexer noong Disyembre, ang Explorer ay may kompleto nang Golang code para sa mga endpoints na ngayon ay ginagawa mula sa OpenAPI specs. Noong Enero, may kabuuang 27 na pull requests ang na-merge sa Oasis Indexer at 54 pull requests sa Oasis Explorer codebase.

May mga minor update na ginawa sa Oasis Docs. Masaya ang mga operator ng node na hindi pa nagkokonfigure ng trusted execution environment dahil mayroong bagong table na nagpapakita ng eksaktong BIOS settings na kailangan upang ma-konfigure ang SGX sa mga Intel CPU. Ang mga helper button para magdagdag ng Sapphire at Emerald Web3 endpoints sa iyong Metamask wallet ay may warning message na kapag hindi nakadetect ang Metamask (#346) — dati’y tahimik lang itong nag-fa-failed. Ang iba pang mga update ay may kaugnayan sa bagong Oasis Core at ParaTime releases. Umabot sa 10 na pull requests ang na-merge.

Mga update sa Oasis Core

Mayroong dalawang non-breaking maintenance update na na-release sa Oasis Core noong January: 22.2.4 at 22.2.5.

  • Ang unang update ay nagdala ng fix sa intermittent errors sa confidential queries (#5123), mas mahigpit na pagpasa ng messages sa runtime-host protocol (#5094) at maling key-manager policy interpretation sa mga restarts (#5092).
  • Ang ikalawang maintenance update ay nagdala ng mas mahusay na pamamahala ng memory kapag may mas maraming validators, mga compatibility fix sa bagong light client na ilalabas sa 23.0 (#5151) at bagong Runtime Encryption Key registry field (#5137).

Ang mga bagong version ay na-deploy na sa Testnet. Ina-encourage ang mga users na mag-update ng kanilang nodes. Ang upgrade proposal sa Mainnet ay susunod kapag walang major issues na makikita sa mga susunod na linggo.

Bukod sa mga maintenance fix na nabanggit, maraming notable na mga bagong feature at bug fix ang na-merge sa master branch na maiintegrate sa 23.0 release:

  • Nai-merge na ang suporta para sa Provisioning Certification Service v4 at isang subset ng Intel Trusted Domain Extension (#5108).
  • Maaari na ngayong idefine ang minimum commission rate para sa mga validator upang maiwasan ang potentially unhealthy competition (#5102). Sa kasalukuyan ay mananatiling zero ito sa Mainnet ngunit maaari itong maiba sa hinaharap.
  • Maaari na ngayong kunin ang mga public ParaTime keys gamit ang insecure RPC channel (#5101). Ito ay nagpapadali sa pagcacache ng public keys at nagre-reduce ng denial of service attack surface sa mga key managers.
  • May blacklist na ngayon ang Oasis node para sa mga specific EPID GIDs sa kaso ng compromise (#5113).
  • Maaaring magbago na ngayon ang entity na nangangalaga at naga-stake ng ParaTime kahit na nakarehistro na ito (#5114).
  • Nai-store na ang public part ng bagong Runtime Encryption Key sa registry at maari ngang magamit ng enclave ng diretso upang i-store at i-access ang mga encrypted data on-chain (#5125, #5140).
  • Naayos na ang broken block verification sa pagitan ng dalawang trusted heights sa upstream tendermint-rs repository. Na-update ang Oasis Core para gumamit ng fixed version (#5134).

Tingnan ang lahat ng 31 na pull requests na na-merge noong January para sa kumpletong listahan ng mga pagbabago.

At iyon na ang pagtatapos ng Enero!

Excited na ang Oasis Engineering na ibahagi ang mga bagong update sa dulo ng Pebrero. Hanggang sa panahon na iyon, makipag-chat pa sa Oasis team sa pamamagitan ng pagsumali sa Discord o sa aming Forum! At siguraduhin na tingnan ang bagong inilabas na Oasis 2023 roadmap dito.

--

--