Oasis Twitter Spaces Recap: Web3 Gaming

Jocel Catimbang
Oasis Foundation Filipino
10 min readApr 30, 2023

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na sinuri para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Ang Twitter Space ng Oasis noong Pebrero 7 ay isang napakagandang oportunindad upang matuto tungkol sa mga bagong paglago at potensyal sa kinabukasan ng Web3 gaming industry. Dalawang beterano sa larangan ng Crypto gaming industry — @cryptoblades at @samuraiverse — ay sumali sa Oasis upang pag usapan ang tungkol sa Web3 gaming. Para sa lahat ng mga hindi nakadalo sa talakayan, ang artikulo ito ay naglalaman ng kabuuran ng mga pinag-usapan ng mga panauhin gamit ang kanilang sariling pananalita. Kung nais mong makinig sa recording makinig dito.

Ngayon pag usapan natin ang unang paksa…

Ang pagkakaiba sa pagitan ng Web3 at Tradisyunal na laro

Ang pagmamay-ari ng blockchain gaming ay isang mahalagang aspeto sa Web3 na dapat ipaliwanag ng mainstream gamer sa lahat. Isang malinaw na katutuhanan na sa buong GameFi ay maaari kang mag may-ari ng mga NFT sa iyong wallet na tanging ikaw lang ang may kontrol dito. Ang pagbabago ay isang elemento na dapat maunawaan ng mag manlalaro kung ano ang halaga at benepisyo nito.

Ang lahat ng smart chain logic ay nananatili sa desentralisadong lugar mula sa pananaw ng mga game development studio o game development lang sa pangkalahatan, karamihan sa kung ano ang nasa pampublikong blockchain ay hindi pribado at madali maaksis ng mga developer at madali lang nila ito gayahin ng napakabilis. Ang ilang mga halimbawa nito ay nagmula sa maraming uri ng mga desentralisadong palitan. Nakita rin ito sa maraming uri ng mga desentralisadong laro sa Web3.

Dahil sa pagkakalantad ng mga ideya mabilis na nakakaapekto ito sa paglikha at pag-ulit na hindi nakikita ng mga manlalaro. Sa katunayan, ito ay katulad ng “open source plus plus” na kahit sino ay maaaring kumuha at magpatakbo nito. At ang pagkakalantad na ito ay malamang na isa sa mga dahilan kung bakit ang Web3 gaming ay naging mabilis ang paglago dahil sa lahat ng napakabilis na prototyping at mga extension na umiiral sa lahat na mga application ng file ng laro.

Mga Suliranin sa Pagbuo ng Mga Laro sa Web3

Mula sa pananaw ng mga game development, ang isa sa mga pinakamalaking paghihirap ay ang simpleng katotohanan na ang lahat ng tooling ay bago palamang. Ito ay isa sa malinaw na dahilan kung bakit ang mga developer ay patuloy sa paggawa ng mga mahuhusay na tool—dahil sa malaking pangangailangan at pagkakataon din para makabuo ng mas mahuhusay na tool. Ang mga bagay na maaaring asahan ng mga developer sa regular na pagbuo ng software o pagbuo ng laro ay wala sa blockchain gaming. Mas matagal at mas mahal ang paggawa ng mga bagay na mas simple o hindi gaanong binuo kaysa sa tradisyonal na paglalaro. Ngunit sa kalaunan ito ay mapupunan, at magkakaroon ng mas maraming kumpetisyon sa industriya ng tradisyunal na laro.

Mahirap kumuha ng mga developer mula sa bahagi ng produksyon. marami ang mga magagaling na developer ngunit sila ay kasalukuyang solidity at blockchain developer sa mga web3 team. O kaya, kumukuha sila ng mga mahuhusay sa solidity sa Javascript para gumawa ng mga tool sa pagbuo ng laro sa Web3 gaming studio.

Napakaraming mga hadlang sa adoption mula sa panig ng mga manlalaro. Ang idustriya ay nangangailangan ng mga maayos na onboarding system, maayos na profile system, at iba pa mga bagay na hindi masyado napapansin ng mga tao. Ang mga manlalaro ay nangangailangan ng mga pamantayan sa mga laro. Kung ang isang tao ay sumali sa isang laro napakadali ito para sa kanya na sumali muli sa iba pa.

Ano ang Ginagawa ng mga Panauhin Ngayon

Para sa katumpakan, naglalaman ang seksyong ito ng direktang transcript mula sa Oasis Twitter Space.

Yannic (Samurai Legends): “ bumubuo kami ng laro na tinatawag na Samurai Legends. At Sinusubukan naming bumuo ng laro na kahalintulad ng EVE Online, sa blockchain na teknolohiya sa feudal Japan. Yan ang kasalukuyan naming ginagawa. At sa mga hindi nakakaalam sa EVE Online. Ito ay isang sci-fi MMORPG mass multiplayer na Online Role Playing Game. Ngunit ang aming laro ay diumano nakatutuk lamang sa grand strategy elements. Halimbawa, ang paglikha ng mga hukbo, pagsakop sa mga lupain, atbp. May mga mahahalagang elemento sa laro ito, tulad na lamang ng pag mamay-ari ng mga NFT, grupo, kagamitan at mga lupain.

Iilan lamang ang MMORPG, mga totoong MMORPG. Isa sa mga ito ay katulad ng EVE Online na kung saan ang lahat ay nasa iisang server lamang. Dahil sa napakahirap makakuha ng maraming manlalaro at data sa iisang server lamang kaya iilan lamang ito. Ito ay kabaliktaran pagdating sa blockchain na teknolohiya. Maaring lumikha ng isang gaming project at makinabang dito lalo at hindi pa ito gaanong na explore ng karamihan. Kung kaya, ito ay isang magandang oportunidad sa atin na gumawa ng mga virtual nation na kung saan ang lahat ay nasa iisang environment at parihong Mundo.

Upang linawin, ang laro ito ay labanan sa pagitan ng mga manlalaro, ibig sabihin, ito ay isang combat game, sa kasalukuyan kami ay gumagawa ng Alpha testing na mayroong mga maliit na pangkat na tagasubok. Sa oras na magbanggaan ang dalawang grupo ng mga manlalaro o dalawang maliit na grupo sila ay mapupunta sa PVP na off-chain, ibig sabihin nito ang game ay nilalaro, maglalaban ang player laban sa player at upang talunin ang kalaban kailangang ilagay ng player ang kanyang hukbo sa madiskarteng paraan. Sa oras na manalo ang manlalaro, maaring kunin sa kalaban ang kanilang mga kayamanan at patuloy na lumaban at subukang labanan ang ibang mga grupo ng pandigma. Para sa paglilinaw, ang mga grupo ng pandigma ay binubuo ng mga kupunan at ang mga kupunan na ito ay maaring mga samurais, archers, ninjas, atbp. Sa tingin ko, mga 12 grupo sa kabuuan, 12 iba’t ibang uri grupo.”

Philip (Crypto Blades): “Kahit na sa unang araw ng Cryptoblades, ang Goal namin ay bumuo ng ganap na On-chain Game, dahil sa paggawa nito, ang game at ecosystem ay pinapayagan naming kumita mula sa kakayahan ng owner na kumita mula sa crypto ecosystem. Dahil sa ang lahat ng aming mga character at mga item ay live sa on-chain: Lahat ng iyon ay maaaring ipagpalit, o magamit para kumita sa iba’t ibang paraan. Ang pinakaunang bersyon ng Crypto Blades at kung paanu ito nabuo ay inilabas noong Mayo 2021, na karaniwang isa lamang itong NFT, kung saan kailangan lamang pindutin ang labanan at pagkatapos ng labanan ang nanalo ay bibigyan ng kaukulang halaga na skill token.

Simula noon, mas lalo lumaki at umunlad ang ecosystem at nagkaroon kami ng 9 na magkakaibang chain kung saan mayroon kaming 60,000 buwanang aktibong user sa lahat ng aming chain. At ang mga user ay maaaring gumawa ng iba’t ibang mga bagay ngayon. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon namin ng kumpletong on-chain questing system, ito ay bukas sa paglabas, pagtuklas at pag hahanap ng anumang uri ng NFT. Nakagawa din kami ng sarili naming teknolohiya para sa paggamit at paglipat ng lahat ng mga NFT.

Ang halimbawa ay ang sarili naming NFT bridge, NFT marketplace, at token bridge. Iyon marahil talaga ang isa sa mga susi ng aming tagumpay dahil ang mga manlalaro ay hindi na mahihirapan pa. Lahat ay maaaring gawin sa loob ng ecosystem, lalo na sa mga uri ng transition na inaalok namin ngayon, lalo na sa mga gusto lamang bumuo ng laro o magkaroon ng Gamified experience na talaga namang nakakamangha, katulad ng inilalarawan ng Samurai Legends, kung saan maaari buuin at pagkatapos ay pangasiwaan ang lahat ng mga NFT, token, reward system at kadaliang kumilos hanggang dumating sa punto na ang goal ay hindi kailangan pa na ipaalam o malaman ng mga manlalaro na ang kanilang mga asset ay nanatili sa blockchain, sa kita lamang sila maaring makinabang.

Isa sa magandang bagay na inilarawan ng team ng Samurai Legends ay ang makinabang mula sa paglipat, at makinabang mula sa lahat ng bagay na nasa isang server. Kayat ang talagang layunin namin na ang mga manlalaro ay ang una sa ecosystem upang tulungan kami sa pagbuo nito at makinabang dito. At ngayon makikita nila na magagamit ito sa 40, 50 o sa susunod na 100 blockchain na laro na binuo namin sa nangunguna teknolohiya.”

Bakit mahalaga ang pagiging Kumpidensyal para sa Paglalaro

Ang Confidentiality ay mahalaga sa laro dahil hindi masasabi ng isang manlalaro sa ibang manlalaro kung ano mga hakbang na gagawin ng player. Tungkol sa integration sa Sapphire, dalawang malaking aspeto ng laro ang natulungan. Una, gusto ng mga partikular na larong ito (e.g., Samurai Legends) na ang lahat sa iisang server ng laro at ang posisyon ng lahat sa mapa ng mundo ay maitala sa blockchain kahit papaano.

Kaya ginamit ang Sapphire para gamitin na lumikha ng isang uri ng fog ng war aspect. Imbes na sabihin na, "Nakikita namin na ang Army ni Yannic ay naroon, kaya sa ibang ruta ako pupunta," ang mga manlalaro ay hindi makakakita ng sinuman hangga’t hindi sila napapalibutan. Lalo na pagdating sa strategy games, ang pagkakaroon ng maraming layer ng confidentiality ay talagang nakakadagdag sa stratihiya. Ang ilang mga bagay ay kailangang hindi mahuhulaan at lihim. At iyon ay pinapagana ni Sapphire.

Palaging may mga limitasyon kapag ang lahat ay nababasa at bukas mula sa panig ng laro at sa panig ng platform. Ngunit sa pamamagitan ng mga tool tulad ng Sapphire maaring i-offload ng mga developer ng laro ang lahat ng feature ng privacy na nakatuon nang direkta sa Sapphire na binuo sa lahat ng chain.

Pagiging kumpidensyal sa mga Gaming NFT

Sinusubukan ng mga developer na tugunan ang mga kasalukuyang pamantayan sa industriya lalo na pagdating sa pagdedesinyo ng laro sa Web3. Ngunit sa pagbuo ng on-chain na PVP game, halimbawa, ang pagkakaroon ng privacy ay mahalaga. At sa pagkakaroon ng NFT sa loob ng larong ito, ang pagkakaroon ng confidentiality sa NFT metadata ay nagbibigay sa mga player ng magandang experience at halaga para sa kanila. Ngunit kahit na hindi gaanong halata ang mga use cases, ang pag protekta sa mga data ng mg NFT ng mga manlalaro ay mahalaga para sa bawat developer.

Gamit ang Oasis Privacy Layer sa Web3 Games

Sa Samurai Legends, halimbawa, upang gumana ang clan mechamic ito ay karaniwang may Privacy Layer. Kaya ang mga feature ay sinusuporthan ang isang clan bilang DAO, at nagaganap ang pagboto—Ito ay nangangahulugan na ang ilang desisyon sa pagboto ay awtomatikong ipinapatupad o ipinapaalam. Ang Privacy Layer na ito ay kailangan lalo na ang lahat ay nagaganap on-chain. Ngunit sa pamamagitan ng fog sa laro kung kaya ang mga developer ay nangangailangan ng Privacy Layer upang mapanatili ang pagiging kompidensiyal ng mga manlalaro. Ito ay isang pangangailangan na sumusuporta sa pag-develop ng laro nang madali.

Marami parin ang mga benepisyo sa open data at open development pagdating sa laro sa Web3. Ngunit tulad ng Privacy Layer o OPL pinapayagan ang mga developer na pumili kung ano ang mga bagay na hindi at dapat na naka publiko. Halimbawa na lamang, ang iba ay gusto na ang kanilang panghaliling daan ng kanilang bahay ay naka publiko. Ngunit hindi ito nangangahulugan na gusto nila na ang kanilang bathroom ay nakapubliko. Napakahalaga ng kakayahang umangkop na privacy para sa paglalaro ng Web3 — at marami pang ibang proyektong nauugnay sa blockchain. Maaring ang mga tao ay gusto matuto ng tungkol sa game’s bridging o tungkol sa NFT marketplace, kaya ito ay ginawang pangpubliko upang ma verify ng mga manlalaro. Ngunit ang kaparihong manlalaro ay hindi nanaisin na maibahagi sa iba ang mga kaparihong impormasyon. Kaya, ang mga pagpipiliang ito ay nagbubukas ng isang buong bagong mundo para sa paglalaro, na lubos na tinutulungan ng, Sapphire.

Ang Kinabukasan ng Web3 Gaming

Ang isang pangunahing technology na binibigyang pansin sa pangkalahatan ng developer sa laro ay ang zero-knowledge roll-up. Na ang pangunahing idea ay magkaroon ng maraming pakikipag-ugnayan at “pagsamahin ang mga ito” sa iisang transaction. Ito ay makakatulong sa user upang mapadali at mabawasan ang mga bayarin, na kung saan naging malaking hadlang sa adoption. Ngunit sa pangkalahatan, isa pang pangunahing pokus ay ang pagbuo ng higit na pamantayan sa mga laro. Ang teknolohiya ay mahusay, ngunit ang industriya ay kailangang magkaroon ng isang tao na lumikha ng isang pamantayan na ipinapatupad ng lahat ng gaming studio. Ito ay maaring sa pamamagitan ng ENS, ang Ethereum Name System, kung saan ang lahat ay pinagsasama-sama at may isang tiyak na profile—Maari ito ay nagyayari sa ibang paraan ngunit nakakatulong ito ng malaki sa buong space.

Isa sa particular na kawili-wiling lugar ay ang desentralisadong imbakan. Sa kasalukuyan, hindi ito iksaktong feasible, lalo na pagdating sa pananaw sa paglalaro, kung saan ang mga manlalaro ay kailangan magkaroon ng access kadalasan sa malalaking asset. Kung ang lahat ng ito ay nasa centralized na lugar, walang posibilidad na makapag may-ari ng totoong metadata at totoong data na nasa chan. Sa pangkalahatan, magsisimula itong magbukas ng mas kumplikadong mga application na nakaimbak sa blockchain. Ang mga pagbabagong ito ay gagawing mas flexible para sa mga developer at magbibigay-daan din sa mas powerful application na tumakbo sa mismong blockchain.

Ang ideyang ito ay kahalintulad sa Oasis Privacy Layer dahil ito ay nagpapakita ng modular na diskarte sa mga application. Ang lahat ng bagay na ito ay kailangan upang lumikha ng mas sophisticated smart contracts. Kaya, bakit hindi i-offload ang privacy sa Oasis at i-offload ang storage sa kanilang IPFS. Ang susunod na yugto sa pagbuo ng blockchain ay kinabibilangan ng lahat ng iba’t ibang bahagi na ito, na maaaring umiral nang magkakaugnay ngunit hindi buhat sa isang solong chain. Ngunit maaari din itong ma-access mula sa anumang chain at matulungan ang mga produkto, applications scale, at maging mas sopistikado.

Mga Paparating na Event at Ecosystem Campaign

Ang Samurai Legends ay kasalukuyang nasa proseso ng paglulunsad ng kanilang PPP at abala sa alpha testing sa mga darating na buwan. Gayundin, ang koponan ay nagpaplano ng maraming paglulunsad sa hinaharap at ang sinumang sumusunud sa proyekto ay magkakaroon ng oportunidad na makapasok sa ecosystem sa pamamagitan ng mga NFT.

Nasasabik ang Crypto Blades na simulan ang pagpapatupad ng ilang feature na nakatuon sa privacy, sa Sapphire. At para sa sinumang developer na nagnanais na mabilis na subaybayan ang kanilang pag-unlad o magbakante ng ilan sa espasyo para magtrabaho sa mga aktwal na laro, ang koponan ay may ilang mga integrations na magagamit upang makatulong mapabilis ang pag proseso. Halimbawa, ang kupunan ay maaring mag-live sa siyam na magkakaibang chain na may NFT marketplace integration, token bridging, NFT bridging, tokenomics bilang isang serbisyo, atbp.

--

--