Opisyal ng inilunsad ang WePiggy sa Oasis Network
Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.
Noong ika-17 ng Pebrero, 2022 alas onse ng gabi ay opisyal ng nailunsad ang WePiggy lending protocol sa Oasis Network! Unang ilalabas ng WePiggy sa Oasis Network ang lending market ng USDT, ETH, at ROSE; Pagkatapos maging stable ang operasyon ng lending protocol ang iba pang mga asset ay isasama batay sa aktwal na kalagayan. Ang Oasis Network ay scalable at perpekto sa DeFi dahil sa instant finality nito, 99% mas mababang bayarin sa gas kumpara sa Ethereum, high throughput, proteksyon sa privacy at depensa laban sa MEV.
Subukan na ang WePiggy sa Oasis Network: https://app.wepiggy.io (Ilipat ang node sa Emerald, ang EVM Compatible ParaTime)
WePiggy - Ang Liquidity mining program ng Oasis Network ay pinagana din
Noong ika-17 ng Pebrero, 2022 alas onse ng gabi ay inaasahan ang pagsisimula ng liquidity mining ng WePiggy lending protocol sa Oasis Network
Araw- araw, sa bawat market ng WePiggy-Oasis Emerald lending protocol ay may ilalaang halaga ng WPC ayon sa iba’t ibang timbang.
Ang 50% sa distribusyon ay kita ng mga depositor, at 50% sa mga borrowers sa bawat market.
Ang detalye:
- ** Ayon sa panukala ng pamamahala ng WIP32, gagawin ayon sa aktwal na sitwasyon ang lingguhang pagsasaayos. Inaasahan ang susunod na pagsasaayos sa: Ika-21 ng Pebrero, 2022.
Iba pang detalye tungkol sa WePiggy — Oasis Network
https://www.yuque.com/zgryhn/annagg/dz71wc
Tutoryal
https://www.yuque.com/zgryhn/annagg/ayphax