Paano maglipat ng ETH/ERC20 sa Emerald ParaTime

Ladybitecoin
Oasis Foundation Filipino

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Masuring pagsisiyasat ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaring magkamali o magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Narito ang patnubay sa pagdadala ng iyong mga asset, hal. ETH, USDC, USDT, mula sa Ethereum, BSC, Polygon o Avalanche gamit ang Wormhole token bridge papunta sa Emerald ParaTime.

Ang Emerald ay nasa Oasis ParaTime na naglalaan sa Ethereum-compatible blockchain para sa Oasis Network. Kung nais mong gamitin ang maski anong dApp para sa DEX, NFT at kapareho na itinayo sa Emerald, ang gagawin mo ay ililipat ang iyong mga asset papunta sa Emerald ParaTime.

Para ilipat mo ang iyong ROSE token sa Emerald, sundan ito Paano ilipat ang ROSE papunta sa Emerald ParaTime.

Para ilipat (hal. bridge at wrap) ang ETH at ERC20 mo na mga token, sundan ang panuto na ito. Dito ipapakita sayo ang paggamit ng Wormhole Bridge para mapabilis ang paglipat ng iyong mga token galing sa Ethereum, Solana, Avalanche, BSC, Terra o Polygon patungong Oasis Network.

Paggamit ng Wormhole Bridge

Magbukas ng Wormhole Bridge at ikunekta sa iyong Account

Simula, ang iyong mga asset ay dapat nasa Metamask para mailipat sa Oasis. At saka pumunta sa Wormhole Bridge’s website at pindutin ang Ilipat ang mga Token para mabuksan ang Wormhole Bridge Transfer aplikasyon.

Unang Hakbang(Pinanggalingan) ay tukuyin ang Pinanggalingan na network mula sa kung saan mo gustong ilipat ang iyong mga token sa Ethereum at magset ng Pakay sa Oasis. At pindutin ang Connect sa connect ng iyong wallet kasama ang Wormhole Bridge.

Paglipat ng mga Asset sa Oasis

Ngayon ay puwede ka na pumili ng asset galing sa lahat ng asset na mayroon ka sa iyong wallet hal. ETH, para mailipat sa Oasis.

Pumili ng asset na dapat ilipat

Tiyakin lamang, na mayron ka laging saktong ETH (o ibang mga asset) para makabayad ng gas fees, hindi lang sa paglipat (hal. bridge) ang mga asset na nasa Oasis, maliban din sa matubos pabalik ang kahit anong asset sa Ethereum.

Pumili ng ilang Halaga ng mga token na gusto mong mailipat at pindutin ang Next. Kung ang MetaMask wallet mo ay nailipat sa ibang network, ang Wormhole bridge ay hingin sa iyo na baguhin sa wastong network (hal. Ethereum Mainnet).

Ikaw ay susunod sa Pangalawang Hakbang (Pakay). Ang iyong MetaMask wallet ay magpapakita muli at hingin sayo na ilipat sa Emerald Mainnet network na kung saan ang ETH ay iwrap sa wETH.

Nakadefault ang tatanggap na address sa pinagmulan na address na nasa Ethereum Network. Puwede mong ilipat ang ETH papunta sa ibang destinasyon na Ethereum account, sa paglipat ng nakabukas ngayon na account sa Metamask. Ang Wormhole Bridge web app ay kusang lilipat alinsunod sa tatanggap na address.

Kasunod, tiyakin ang tatangap na address at ang halaga ng mga WETH token na ililipat (hal. bridged) at pindutin ang Next.

Tiyakin mo ang tatanggap na address

Pangatlong Hakbang(Isend ang mga token) ang paglipat ng mga token sa Wormhole Bridge. Ang MetaMask ay hihingin sayo na ibalik sa Ethereum Mainnet nang sa gayon magagawa mong tiyakin ang iyong transaksyon at umpisahan mo ang paglipat. Pindutin ang Transfer.

Kung pumili ka ng iyong ETH na ililipat tungo sa ibang destinasyon ng Ethereum account, kailangan mo iswitch ang nakabukas na Metamask account muli gaya ng nasabi sa Unang Hakbang.

Isend ang mga token sa Wormhole

Tiyakin ang Paglipat ng ETH galing ng Ethereum papunta sa wETH na nasa Oasis Emerald pindutin lamang ang Confirm.

Tiyakin ang paglipat ng ETH- >WETH

Kung ikaw ay gagamit ng Ledger hardware wallet na may tulong sa Ethereum account, kailangan mo paganahin ang “Blind signing” o “Contract data” na nasa settings ng Ethereum Ledger app upang mag-lagda ng transaksyon.

Hihintayin mo ang mga kumpirmasyon sa Ethereum bago mag-redeem ng iyong pinakabagong wETH token na nasa Oasis Emerald.

Hintayin ang mga kumpirmasyon sa Ethereum

Nakahanda kana ngayon sa pag-redeem ng iyong mga token na nasa Oasis Emerald. Siguraduhin ang pagsang-ayon sa iyong Metamask wallet.

Tiyakin ang Pag-redeem sa iyong wETH

Binabati kita! Ang iyong kauna unahang ETH ay na ibridge na (ang napiling mong asset) sa wETH tungo sa Oasis Emerald.

Ang ETH sa wETH bridging nakumpleto na

Pinapayo namin na iadd mo ang bagong contract address ng wETH (ang iyong bagong nawrap na asset) pagkatapos matiyak ang transaksyon, para agad mo ito makita na mayroon na sa iyong wallet.

Ang Paggamit ng mga Wrap Asset sa Oasis

Simula ngayon ay puwede ka ng gumamit ng mga nakawrap na asset sa mga bagong dApps ng Oasis gaya nang unang binuo na DEX sa Emerald — ang YuzuSwap, kung saan puwede ka magswap, maglagay ng liquidity at mag farm na may mga gantimpala sa YUZU.

Sigurohin na konektado ang iyong MetaMask sa Emerald Mainnet network. Mahahanap mo ang mga network parameter dito.

--

--