Pagtatapos ng Content Game ng Oasis 2022
Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.
Magtatapos na ang Oasis Content Game 2022! Lubos ang aming saya at pasasalamat sa lahat ng mga sumali sa Inaugural Oasis Content Game. Ang mga sumali sa community contest ay mahigit 54,000 at mahigit sa 460 ang lumikha ng sining na Oasis ang tema, mga video, mga meme, mga article at mga GIF para sa pagkakataon mapanalunan ang isa sa mga content award. Sa pagitan ng mga kalahok sa Content Award ay mahigit sa 1,000 na mga content ang sinusuri! Labis ang paghanga ng Oasis team sa pagkamalikhain, innovation, at pagkakaiba iba ng mga talento ng komunidad.
Ang Oasis Content Game ay inilunsad para ipagdiwang ang pagkamalikhain ng komunidad at bigyan pansin ang paglaki ng kahalagahan sa pagkamalikhain at sining sa buong komunidad ng Oasis. Kasunod sa paglunsad sa koleksyon ng AI ROSE NFT, ay patuloy ang paglulunsad ng mga NFT sa Oasis Network, ang paglulunsad sa marketplace para sa trading at selling mga AI ROSE NFT, at ang paparating na paglulunsad ng Oasis Network sa NFTb, kami ay hindi na makapaghintay na makitang makakakolekta, trade at makagawa ng mga NFT ang komunidad!
Ang Mga Nanalo sa Oasis Content Game 2022
Ipinapakilala ang mga nanalo sa Oasis Content Game 2022! Kung napili ka sa isa sa labing anim (16) na parangal, kami ay agad na makikipag ugnayan sa iyo para maproseso ang iyong premyo na $ROSE. Binabati namin ang lahat na nanalo — at nagpapasalamat kami sa lahat ng sumali!
Meme Wizard Award — Ginawad sa pinakamahusay na meme na ginawa para sa komunidad ng Oasis.
Unang pwesto, 1,000 $ROSE — “Squid Game”, Ang pinakapinapanood na serye sa Netflix noong 2021 (na stream ng 1.65B na oras), ang mock video ni Jarvey Howie. Tumutukoy sa maraming tema sa kapitalismo at saradong pananalapi ang serye ng “Squid Game” na nilalayong ayusin ng Oasis Network. Meta level of satire and humor!? Isama mo kami.
Pangalawang pwesto, 750 $ROSE — Ipinapakita sa meme ni Amarendra Singh ang malalaking bahagi sa Oasis Network: ang komunidad namin, ang paniniwala namin, inclusion, at ang suporta sa isa’t isa, at ang vision namin sa magandang internet, magandang hinaharap, at ang web3 para sa lahat. Ang proyekto ay kasinghusay ng mga namamahala sa likod nito, kasing tibay lang ng tiwala ng komunidad nito, at kasinghalaga lang sa pagkakaiba iba, katalinuhan, at mga matagumpay na pagbabago. Nasa puso namin palagi ang aming komunidad at pangkalahatan ng Oasis ecosystem!
Pangatlong pwesto, 500 $ROSE — Pinapakita sa mga meme ni Moises Silva ang kahalagahan ng core feature ng Oasis Network sa pagmamay ari ng data at accessible DeFi ng hinaharap. Ang unahin ang lakas ng indibwal at komunidad kaysa sa lakas ng institusyon ay ang core vision sa pagbuo ng metaverse, at ang palakasin ang mga indibidwal na may soberanya sa data ang mahalagang hakbang doon.
Modern Van Gogh Award — Iginawad sa pinakamalikhain, nakakaengganyo, at may magandang nilalaman.
Unang pwesto 1,000 $ROSE — Ang sining na gawa ni Ahmed Ismaei na hango sa Oasis ay nagpapakita na sinasamba ng mga Pharaoh ng Egypt ang Oasis Foundation, tila ay naging tagapamagitan ng cosmos at sangkatauhan.
Pangalawang pwesto,750 $ROSE — Pinapakita sa sentro ng buhay sa lungsod ang Oasis sa video art at billboard rendition ni Vyshnav Monu.
Pangatlong pwesto, 500 $ROSE — Isang babae na may hawak na rosas at may Oasis network sa buwan ang larawan na ginawa ni Daniel Bares, pagpupugay sa paglunsad sa koleksyon ng AI ROSE NFT kamakailan, ang unang koleksyon ng NFT sa Oasis.
Filmmaker Award — Iginawad sa pinakamalikhaing video at motion content (kasama ang mga GIF!).
Unang pwesto, 1,000 $ROSE — Isang rocket ship na may temang Oasis na lumilipad sa kalawakan (at papunta sa buwan), may makabagong lungsod na pinalilibutan ng kulay ng Oasis ang malikhaing motion video na gawa ni Alejandro Bosch.
Pangalawang pwesto, 750 $ROSE — Ang comedic rendition sa labanan sa martial arts ni Semih Mantar, ang Oasis ay nakaposisyon bilang ang pinakamalakas na network sa scalable, accessible, innovative DeFi.
Pangatlong pwesto, 500 $ROSE —Ang mock video na may temang Oasis na gawa ni Jose Cabrera sa pagtuklas sa isa sa pinakamakapangyarihan sa planeta: Ang Oasis!
Sa Brand Award — 1,000 $ROSE na papremyo na iginawad sa pinakamahusay na nilalaman na nagpupugay sa pangunahing pagkakakilanlan ng Oasis, mga tampok ng network, mga bagong pakikipagsosyo, at o mga mahalagang pag-unlad sa network.
Nanalo — Ang Oasis logo motion rendition ni Mike Monso na may mga sumasabog na rosas, bilang pagdiriwang sa $ROSE at ng koleksyon ng AI ROSE NFT.
Most Popular Award — 1,000 $ROSE na papremyo na iginawad sa nakakuha ng Highest Engagement sa lahat ng social media at community platform na content.
Nanalo — Ang GIF na ginawa ni Deven Deff na may Oasis na tatak sa isa sa mga pinakapaboritong meme ng Spongebob sa internet, na nakakuha ng 1oo na retweets at higit 400 na likes.
All Hands On Deck Awards — 350 $ROSE na papremyo na iginawad sa limang (5) random na tao na lumahok sa mga misyon ng paligsahan sa komunidad.
Unang nanalo— Elizabeth Margot Paredes na mula sa Sweden
Pangalawang nanalo — Kamel Loudahi na mula sa France
Pangatlong nanalo— Reynaldo Chavez na mula sa Mexico
Pangapat na nanalo— Deung Dexter na mula sa China
Panglimang nanalo— Alex Moraga na mula sa Spain
Mga Honorable Content Mention (Mga Runner-Up)
Ang meme na hango sa $ROSE at sa Titanic ni Erick Hernandez
Ang video spoof sa American Psycho ni Luka Kovacevic .
Ang sining na "One Huge Step for Blockchain" ni Johnel Quinones.
Ang video na nagbubuod ng mga panalo ng Oasis Network noong 2021 ni Artem Glebov.
Mga meme tungkol sa YuzuSwap + $ROSE at ng Oasis Network ni Muhammet Raif Kızılkaya.
Ang physical woodwork na may logo ng Oasis ni Juan Antonio Ordax Rodriguez (nasa ibaba).
Manatiling Nakatutok —Ang iyong Content ay maaaring ipakita sa 2022
Ang bawat isa na lumahok sa Oasis Content Game 2022 ay pinahahalagahan namin at ang pagkamalikhain ng komunidad ay nasasabik kaming maibahagi. Kahit na hindi ka napili na manalo sa Oasis Content Game 2022, ang inyong content ay may pagkakataon pa rin na maipakita sa isa sa mga social media channel namin.