Pakikipagsama ng Bitmark sa Oasis Network

Abiso Ligal: Ang artikulong ito ay aking pagsasalin bilang isang Ambassador ng Pilipinas sa Oasis Labs. Upang mabasa ang orihinal na nilalaman, bisitahin ang: Bitmark integrates with Oasis Network

Ang muling pagtukoy sa hinaharap ng NFTs sa pamamagitan ng paghahatid ng pangmatagalan at napatotohanan na imbakan.

Nasasabik kaming ipahayag ang aming pakikipagtulungan sa Bitmark. Ginawaran bilang World Economic Forum Technology Pioneer noong 2020, ang Bitmark ay gumagawa ng mga produktong cryptographic na nagpapahintulot sa mga tao na magkipagtulungan habang pinoprotektahan ang kanilang mga aktibidad at mga ari-arian.

Tumutugon ang Bitmark sa mga problemang kinakaharap ng lahat ng manlilikha — isang burukrasya na kumukuha ng kredito at kumikita ng mga gantimpala mula sa kanilang mga ginawa. Nakikita mo ang problemang ito sa lahat ng anyo ng media: sining, musika, pelikula, video, pamamahayag, at pagsulat. Ngayon pwedeng maging tagalikha ang sinuman gamit ang mga social network, ngunit karamihan ay hindi aktwal na makakuha ng alinman sa mga gantimpala mula sa kanilang mga ginagawa sa mga platform na iyon. Kailangan lageng isakripisyo ng artista ang kanilang mga karapatan sa pagmamay-ari sa mga gatekeeper.

Nagbabahagi ng parehong pananaw ang Bitmark at Oasis Network; upang lumikha ng teknolohiyang nagbibigay-daan sa tunay na digital na pagmamay-ari. Ang Oasis Parcel ay pinagsasama ang kumpidensyal na pag-compute sa teknolohiya ng blockchain upang lumikha ng isang ligtas at nagpapanatili ng privacy na layer ng tiwala para sa data. Nakikita ng Bitmark na kritikal ang Parcel sa pagkamit ng misyon nito at isinasama na ito ngayon sa dalawang produkto nito, Feral File at Autonomy.

Feral File — ang online na gallery para sa pagpapalabas, pag-curate, at pagkolekta ng digital media

Ang Feral File ay isang tahanan para sa bagong komunidad ng media. Ang plataporma ay nagho-host ng mga online na eksibisyon ng file-based na sining. Inanunsyo kamakailan, ng Feral File ang ika-siyam na eksibisyon ng gallery na nagtatampok ng mga likhang sining ng media artist na si Refik Anadol, na nagsanay ng isang natatanging modelo ng AI na may metadata mula sa walang kapantay na koleksyon ng The Museum of Modern Art (MoMA). Iba pang kapansin-pansing eksibisyon mula sa Feral File ang –GRAPH, eksibisyon ng software art at plotter drawings, na na-curate ni Casey Reas, at Field Guide, mga likhang sining na na tuklasin ang proseso ng paglikha, na na-curate ni Jason Bailey. Ang bawat likhang sining ay ginawang magagamit bilang mga NFTs sa mga kolektor.

Ang Feral File ay mahalaga sa mga artista dahil nagbibigay ito ng kasiguruhan at creative-vision na ligtas na espasyo upang ipakita at ibenta ang sining sa mga kolektor. Sa pamamagitan ng pagsasama sa Oasis Parcel, dinadala ang privacy at mga feature ng dat tokenization. Nangangahulugan ito na mas makokontrol ng mga artista ang proseso ng pagpapatotoo kung paano ida-download ng mga tao ang kanilang buong likhang sining at mapanatili ang buong pinagmulan sa kung paano nilikha at ipinapakita ang sining.

“Ang Feral File ay tungkol sa pagbuo ng isang napapanatiling, na-curate na ecosystem para sa digital na sining na hinihimok ng mga pangmatagalang interes ng aming mga artista,tagapangasiwa, at mga kolektor. Sa ngayon, gayunpaman, ang mga digital na format ay kilalang marupok dahil hindi naa-access ang mga computer na nag-iimbak ng likhang sining, o naging lipas na ang mga software na kailangan upang tingnan ang likhang sining. Ang mga NFTs at mga naka-network na imbakan ay lalong kumplikado sa digital na prangangalaga, ngunit gumagawa din sila ng mga bagong posibilidad. Ito ang dahilan kung bakit labis na nasasabik ang Feral File na isama ang Parcel at makipagtulungan sa Oasis Network upang matulungan ang buong ecosystem na mapanatili at mapatotohanan ang digital art. Casey Reas, Artist-Founder Feral File

Para sa mga kolektor, ang espasyo ng eksibisyon ay nagbibigay ng isang lugar upang tingnan, bilhin at tangkilikin ang mataas na kalidad na digital na sining sa eksaktong paraan na nilayon ng artista. Sa hinaharap, gagamitin ng Feral File ang mga feature ng Oasis Parcel para paganahin ang mga cross-chain na paglilipat ng kanilang mga NFTs.

Ang Autonomy ang NFT gallery para sa iyong telepono, na may malalaking ambisyon

Ang Autonomy ay isang mobile app na ginawa upang maging tahanan para sa lahat ng iyong sining ng NFT at iba pang mga collectible — isang tuluy-tuloy, nako-customize na paraan upang magsaya ang iyong koleksyon. Ang Autonomy ay nagbibigay daan sa mga gumagamit na mag-imbak ng mga NFTs nang matiwasay, ligtas, at napapanatili sa mahabang panahon. Ang app ay ginagamit ang Parcel ParaTime upang ligtas na mag-imbak ng mga NFTs at paganahin ang pag-compute sa mga ito, sa isang kumpidensyal na kapaligiran, nang hindi ibinubunyag ang pinagbabatayan ng data.

“Ang Oasis Network ay ulirang kasosyo na makakatrabaho upang magdala ng pagpapatunay at privacy sa mga NFTs ngunit nagpapahintulot din sa mga bagong kaso ng paggamit sa hinaharap na lumalawak mula sa sining patungo sa lahat ng uri ng mga ari-arian. Makikita mo kami sa 2022 na tumutulong sa mga indibidwal na kontrolin ang kanilang musika at personal na data. Ang aming misyon ay tulungan ang bawat isa sa amin na i-unlock ang halaga ng aming mga ari-arian, upang “Maging Iyong Sariling Gatekeeper” kaya ang Parcel at Oasis Network ay ang perpektong plataporma upang maisakatuparan ang lahat ng iyon.” sabi ni Sean Moss-Pultz, CEO ng Bitmark

Gamit ang Parcel, binibigyan ng Autonomy ang mga user nito ng tunay na ligtas na paraan upang:

  • Iimbak ang kanilang mga digital na ari-arian
  • Pamahalaan kung paano ginagamit at tinitingnan ang mga ari-arian na iyon
  • Paganahin ang pag-compute sa mga ari-arian, hal., para mapatunayan ang pagmamay-ari, ibahagi ang mga nilalaman ng ari-arian nang hindi ito ibinubunyag
  • Panatilihin ang isang talaan kung paano ginamit ang bawat isa sa kanilang mga ari-arian

Simple lamang sa unang tingin ang mga problemang nalulutas ng Autonomy — paano natin iniimbak ang mga digital na ari-arian nang matiwasay, ligtas, napapanatili, at pribado sa mahabang panahon, ngunit magagawa pa rin nating ihayag ang mga ito kapag kinakailangan?

Katulad ng iyong wallet na dala-dala mo araw-araw, kaya hindi mo ibinubunyag ang numero ng iyong card sa lahat ng dinadaanan mo sa kalye. Bakit gusto mong ipakita ang iyong koleksyon na may mataas na halagang digital na ari-arian sa lahat ng may access sa isang computer?

Hindi lamang ang iyong digital na koleksyon ng sining ang maaaring gusto mong panatilihing pribado. Tulad ng sinabi namin sa aming artikulo ang Billion dollar data opportunity, tulad ng itinuro namin tungkol sa ginagawa ng aming mga kaibigan sa MetaMirror. Ang mga NFTs ay hindi lamang magiging media tulad ng sining, mga video, o teksto; maaari at magiging data na ginagawa nating lahat araw-araw.

Ang aming ibinahaging pananaw

Ang mga NFTs na naka-back sa data ay walang pasubali na babaguhin ang laro pagdating sa pagbuo ng passive income bilang isang indibidwal sa napakalaking antas. Ito ay darating na may makabuluhang panganib sa seguridad bagaman. Ito ang dahilan kung bakit ang pag-iimbak, matiwasay, ligtas,at pribado sa lahat ng iyong mga ari-arian na sinusuportahan ng data ay nagiging mas mahalaga. Habang binabalikan namin ang modelong iyon kung saan pagmamay-ari ng data ay lumilipat mula sa mga sentralisadong entity patungo sa mga desentralisadong indibidwal, ang seguridad at privacy ay nagiging kritikal na napakahalaga sa tiwala sa sistema. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala kami na ang problemang nalulutas ng Autonomy ay higit pa sa pag-iimbak at pagpapakita.

Upang malaman ang higit pa tungkol sa Autonomy at Bitmark Inc. magtungo sa kanilang website dito.

Gaya ng dati, maaari kang magpatuloy na magtanong ng anumang karagdagang mga katanungan sa aming mga channel sa komunidad sa:

o Telegram

--

--

Translation library made by members of the Oasis Foundation community. Library ng pagsasalin ay ginawa ng mga miyembro ng pamayanan ng Oasis Foundation.

Get the Medium app

A button that says 'Download on the App Store', and if clicked it will lead you to the iOS App store
A button that says 'Get it on, Google Play', and if clicked it will lead you to the Google Play store