Pakikipagsosyo ng Oasis Network sa Covalent, Maghahatid sa Platform ng Pagkakaroon ng Access sa Data
Ang Covalent ay Nag-index sa Oasis Emerald ParaTime na Makapagbibigay sa mga Developer ng Mayaman sa Data na Blockchain at marami pang ipa!
Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na sinuri para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.
Covalent, ang nangungunang provider ng mga solusyon sa pag-index ng mga blockchain sa kanilang Unified API, ay isinama sa Emerald, ang EVM na ParaTime sa Oasis Network. Ang integrasyon na ito ang magbibigay sa mga developer ng maaasahan, de-kalidad na data na magpapahintulot sa kanila na bumuo ng mas mabilis at mas madali. Ang isang multichain ay maaaring paganahin sa loob ng ilang minuto sa pamamagitan lamang ng pagbabago ng parameter ng ID ng chain.
Kasama ang iba pang mga inisyatibo sa mga susunod na yugto:
- Desentralisahin ang data stack ng Oasis Network para sa redundancy at mga insentibo ng validator
- Kakayahan para sa mga developer na bumuo ng kanilang sariling mga endpoint sa chain
- Ang mode ng analyst ng Covalent na kung saan ay magpapahintulot sa mga developer na magsulat ng SQL upang bumuo ng mga dashboard ng bespoke
- Espesyal na suporta sa Oasis Network
Ang out-of-the-box na Covalent ay nagdudulot ng buong transparency at visibility sa mga ari-arian sa higit 32 na mga network ng blockchain at pinagkakatiwalaan ng higit sa 27,000 na mga developer. Sinusuportahan ng dataset nito ang 25B+ na mga transaksyon, 30,000+ na mga feed ng presyo, at 200,000+ na mga smart contract para sa pag-query. Naniniwala nang husto ang Covalent sa isang hinaharap na kung saan ang mga gumagamit ay magkakaroon ng access sa composable, verifiable, walang pahintulot, at walang tiwala na data.
Ang Covalent ay nagdudulot ng halaga sa mga blockchain sa iba’t ibang paraan
Ang Oasis Network ay ang kauna-unahang platform ng blockchain na privacy-enabled para sa isang responsableng ekonomiya ng data sa Web3. Kasama ng secure na layer 1 at modyular na arkitektura nito, nagagawa ng Oasis Network na palakasin ang pribado, scalable at flexible na blockchain, na nagpapalawak sa teknolohiya nang higit sa mga mangangalakal at maagang mga adopter sa mass market na handang yakapin ang Web3.
“Natutuwa kaming naitatag ang pakikipagtulungan na ito sa Covalent. Alam namin na, sa pagsasama na ito, ang mga developer na darating sa Oasis ay magkakaroon ng isang mas kumpleto, napapanahon, at wastong overview sa buong ecosystem ng blockchain. Ang naturang pagsasama ay nangangahulugan na ang mga tagabuo ay inaalok ng mas maraming oportunidad at maaaring makalikha ng mga dApps na may iba’t ibang mga kaso ng paggamit salamat sa pinagyamang pinagmulan ng data na ito. Sa pamamagitan ng pagbibigay-kapangyarihan sa mga developer sa mga tool na ito, itong integrasyon sa Covalent ay makakatulong na gawing isang destinasyon ng pagpili ang Oasis. “ William Wendt, Tagapamahala ng Paglago ng Ecosystem, Oasis Network
Maaaring hilahin ng mga developer ang data mula sa Oasis Emerald Paratime kasama ang pinag-isang API ng Covalent. Ang magagamit na data ng blockchain ay kinabibilangan ng:
- Mga balanse ng token sa bawat address
- Kumuha ng mga transaksyon ng NFT para sa kontrata
- Mga transaksyong istoriko sa bawat address
- Kunin ang lahat ng metadata ng kontrata
“Sa ngalan ng koponan ng Covalent, walang paglagyan ang aking kasabikan sa malugod na pagtanggap sa Oasis Network bilang aming kasosyo. Sa pagsasama na ito, inaasahan namin ang pagsuporta sa mga developer at ang susunod na alon ng mga application na itatayo sa ecosystem ng Oasis.” ~ Ganesh Swami, CEO at Co-founder, Covalent
Ang seamless na tooling na ito ay makabuluhang nagpapabuti sa karanasan ng developer ng Oasis Network.
Tungkol sa Covalent
Ang Covalent ay nagbibigay ng nangunguna-sa-industriyang Unified API na nagdadala ng kakayahang makakita sa bilyun-bilyong mga puntos ng data ng Web3. Ang mga developer ay gumagamit ng Covalent upang makabuo ng mga kapana-panabik na mga application ng multi-chain tulad ng mga wallet ng crypto, mga gallery ng NFT, at mga tool sa dashboard ng investor na gumagamit ng data mula sa 26+ na mga blockchain. Ang Covalent ay pinagkakatiwalaan ng isang komunidad ng 15,000+ na mga developer at nagbibigay kapangyarihan sa data para sa 500+ na mga application kabilang ang 0x, Zerion, Rainbow Wallet, Rotki, Bitski at marami pang iba.
Website | Discord | Telegram | Twitter | Youtube | 微信公众号
Tungkol sa Oasis Network
Ang Oasis Network ay isang platform na nakatuon sa pagiging pribado, naiiskala, Proof-ng-Stake na Layer-1 na smart contract na katugma sa Ethereum na Virtual na Makina. Ipinagmamalaki ng Oasis ang multi-layer na modyular na arkitektura na nagbibigay daan sa pag-iskala at kakayahang umangkop upang i-deploy ang mga murang smart contract na nakatuon sa pagiging pribado patungo sa mga uliran ng Web3.