Panatilihing kumpidensyal: Bumuo ng kauna-unahang kumpidensyal na DApp sa Solidity, at manalo

Ardetlongos
Oasis Foundation Filipino
4 min readSep 21, 2022

--

Sumali sa pagpapanatili ng pagiging kumpidensyal na Hackathon, na bubuuin sa Sapphire, ang kauna-unahang kumpidensyal na DApp sa Solidity, at manalo ng mga papremyo.

Paunawa: Ang pagsasalin sa wikang ito ay gawa nang isang Oasis Ambassador. Ito ay sinuri ng mabuti upang maibigay ang tamang pagsasalin sa wika , gayunpaman maari itong may mga pagkakamali o pagkukulang. Ang Oasis ay hindi responsable at walang pananagutan dito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Kamakailan lang ay aming inilunsad ang Sapphire ParaTime- isang una sa industriyang kumpidensyal na EVM runtime sa testnet. Ngayon naman ay nais naming bigyan ng tyansa ang mga debeloper upang maranasan ang Web3-enabled confidentiality sa lengwahe na kanilang nalalaman at naiintindihan

Kami ay nasasabik na ilunsad ang Keep it Confidential Hackathon, na nagbibigay sa inyo ng pagkakataon upang bumuo ng kauna-unahang kumpidensyal na DApp sa Solidity.

Ang Sapphire ay isang makabagong setting para sa mga debeloper dahil ito ang una at natatanging kumpidensyal na Ethereum Virtual Machine o EVM na naka-ayon sa ParaTime. Ito ay may kakayahang makatulong upang mas mapalaki ang blockchain patungo sa Web3 at bigyang daan ang mga debeloper ng EVM na mailatag ang pundasyon ng privacy-enabled na blockchain DApps, na nagiging pangangailangan dahil ang mga gumagamit nito ay naghahangad ng soberanya sa datos.

Ang Sapphire ay nag-aalok sa mga debeloper ng Solidity ng pamilyar, akma sa Ethereum na setting, ngunit may karagdagang benepisyo galing sa Oasis Privacy Teknolohiya na siyang susi upang ang blockchain ay maging parte ng Web3.

Mga Mahalagang Impormasyon:

Petsa ng pagsusumite: Setyembre 14,2020 (8:00 AM) — Oktubre 14, 2022 (`7:59 AM)

Petsa ng paghatol: Oktubre 15, 2022 (6:00 PM) — Oktubre 21, 2022 (7:59 AM)

Pag aanunsyo ng mga nanalo: Bago o sa ika-Oktubre 24, 2022

MGA PREMYO

  • Unang pwesto —$5000(katumbas sa ROSE)
  • Ikalawang pwesto — $2500 (katumbas sa ROSE)
  • Ikatlong pwesto — $1500 (katumbas sa ROSE)

Sumali na sa Hackaton

Kami ay naghahanap ng inobatibong front running resistant at privacy first na aplikasyon na bubuuin sa Sapphire.

Ang pamilyar na EVM setting na may katangiang ng pagiging kumpidensyal at nagpapanatili ng lihim na teknolohiya ay nagbibigay daan sa mas maraming pang oportunidad para sa mga bumubuo nito.

Ang iba sa mga ideya na nais naming makita sa isasagawang Hackathon ay ang mga sumusunod, ngunit hindi lamang limitado dito:

Aplikasyon na may sensitibong datos:

  • Ang sapphire ay hinahayaan kang magbigay ng sensitibong datos, tulad ng kalusugan, pinansyal at personal na impormasyong tungo sa chain nang ligtas.

Kumpidensyal na DeFi:

  • MEV-proof na DEX, pribado o pagpapahiram sa ilalim ng kolateral.

Paglalaro:

  • Karamihan sa mga kilalang laro sa Web2 na minahal natin ay mayroong pribadong estado o lohika ng laro. Ang Sapphire ay maghahatid pa ng maraming ganito sa chain.

Kumpidensyal na mga NFT:

  • Ang mga data-backed na NFT na may pribadong impormasyon ay kayang dalhin pa ang Utility ng NFT tungo sa susunod na estado.

DID — Decentralized identity:

  • Sa pamamagitan ng DID DApps ay nabeberipay ang mga whitelist users. Ang Sapphire ay tungo sa pagbabago dahil ang mga Dapps ay kaya nang mabuo na mayroong benepisyo ng mga ito at hindi isinasa-alang-alang ang seguridad ng mga gumagamit nito.

Desentralisadong lipunan at Soulbond tokens:

  • Ang pagpapanitili ng sensitibong impormasyon na may external facing-data ay hamon sa DApps. Ngunit sa pamamagitan ng Sapphire, kaya mong bumuo ng privacy-preserving data-backed na tokens o tinatawag ding Soulbond tokens, isang pundasyon tungo sa desentralisadong lipunan.

Mga kinakailangan sa pagsusumite

  • Magbigay ng maikling buod ng iyong proyekto, kasama ang deskripsyon at kung paano mo ito nais pang mapaunlad.
  • Magbigay ng link ng iyong code repository para sa paghahatol at pagsusubok nito. Ang code ay dapat open sourced.
  • Magbigay ng link ng smart contract deployment(https://testnet.explorer.sapphire.oasis.dev/)
  • Isama ang isang bidyo ( sa ilalim ng limang minuto) na nagpapakita ng iyong proyekto at dahilan kung bakit mo ito binuo. Ang bidyo ay iuupload sa Youtube. Vimeo o iba pang kauri nito, at isapubliko ito.

MAGREHISTRO NA

Pamantayan sa pag hatol

  • Kalidad ng implementasyon : Ang proyekto ba ay nagpapakita ng mataas na kalidad ng debelopment?
  • Potensyal na epekto: Gaano kalaki ang magiging epekto ng proyekto? Ilang gagamit ang maaaring I-attract ng proyekto?
  • Inobasyon: Gaano ka-malikhain at natatangi ang proyekto?
  • User Experience: Ang disenyo ba ng proyekto ay nagbibigay ng magandang karanasan sa gumagamit?
  • Pagka-orihinal: Ang proyekto ay dapat maging kakaiba sa ibang app na isinumite ng ibang grupo o organisasyon , dapat maging orihinal na gawa ng nagsumite , at hindi lumalabag sa IP rights ng ibang tao.
  • Pagiging Kumpidensyal: Paano nagagamit ng DApp ang pagiging kumpidensyal?

Suporta at kaugnay na impormasyon

Upang suportahan ang mga hacker habang isinisagawa ang Hackathon, naglaan kami ng channel #hackatons sa ating Discord. Huwag mahiyang magtanong.

Gabay sa pagsisimula at dokumentasyon:

https://docs.oasis.dev/general/developer-resources/sapphire-paratime/writing-dapps-on-sapphire

Galingan mo!

--

--