Pinaliliyab ng Oasis ang daan sa DeFi 2.0 sa pinakabagong pakikipagsosyo sa ThetaNuts

Elise
Oasis Foundation Filipino
3 min readDec 3, 2021

--

Ang artikulong ito ay isa lamang pagsasalin sa orihinal at hindi opisyal na paglalathala. Salin ni Elise, Ambassador ng Pilipinas sa Oasis Foundation.

Nasasabik ang Oasis Foundation na ipahayag ang pakikipagsosyo sa Thetanuts.finance, ang pangunahing DeFi derivatives protocol na magdadala ng mga structured na produkto sa Emerald, opisyal na EVM-compatible na ParaTime ng Oasis.

Gumagamit ang ThetaNuts ng mga structured na product vault para ang nakagawiang diskarte ay magagamit ng lahat, at mayroon silang pinakamalawak na seleksyon ng mga pagpipiliang 'altcoin' na vault kasama ng Bitcoin at Ethereum vault.

Si Jernej Kos, Ang Direktor ng Oasis Foundation ay sinabi: “Labis kaming umaasa na magkaroon ng ThetaNuts na i-deploy sa Emerald. Hindi lamang ito magdadala ng mga pagpipiliang diskarte sa komunidad ng Oasis, ngunit, higit sa lahat, sa DeFi 2.0”

Sa pamamagitan ng options trading, ang mga vault ay bumubuo ng aktwal na yield sa pamamagitan ng mga premium, at kasama ng yield na inaalok na insentibo sa mga native token, ipinagmamalaki ng ThetaNuts ang isa sa pinakamataas na APY para sa ROSE. Gumagamit ang ThetaNuts ng hybrid na modelo ng DeFi. Ang pamumuhunan, pamamahala ng collateral, at settlement ay ginagawa nang ‘on-chain’, at ang panganib at pagkilos ay ginagawa nang 'off-chain’. Ang mga ROSE vault ay gagamitin para magbigay ng bagong scalable na pinagkukunan ng ROSE.

Si Darius Sit, Ang Co-Founder at CIO ng QCP Capital, ang market maker para sa ROSE vaults, ay nagsabi: “Kami ay maagang tagasuporta ng Oasis Network, at natural na nagpapatakbo ng malaking ROSE OTC-traded na mga option na libro. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mataas na access, transparency, kahusayan, at scalability, ang ThetaNuts vaults ay nagdudulot ng karagdagang saklaw sa ROSE volume market para sa mga investor at market makers.”

Bilang default na ParaTime ng network para sa mga DApp na nakabatay sa EVM, pinapayagan ng Emerald ang cross-chain interoperability at nag-aalok ng buong EVM compatibility at madaling pagsasama sa DeFi. Ang Oasis Network ay scalable at perpekto para sa DeFi dahil sa agarang finality nito, 99% mas mababang gas fee kumpara sa Ethereum, mataas na throughput, proteksyon sa privacy, at depensa laban sa MEV. Kamakailan, inanunsyo ng Oasis ang paglulunsad ng kabuuang 160 milyon dolyar na Oasis Ecosystem Fund, na sinusuportahan ng mga nangungunang tagapagtaguyod ng industriya upang tumulong sa pagbuo ng hinaharap ng mga DeFi app.

Tungkol sa QCP Capital:

Ang QCP Capital ay nangunguna sa crypto derivatives na may dalawang bilyong dolyar na options book trading sa mga exchange, OTC at Defi. Sa isang koponan ng higit sa anim na pu na nakabase sa Singapore, ang QCP ay may malakas na presensya sa Asya at mga aktibong maagang namumuhunan din sa pinakamahusay na mga proyekto ng crypto (kabilang ang Oasis) https://qcp.capital/

Tungkol sa Thetanuts:

Ang Thetanuts ay isang cross chain structured products protocol na kasalukuyang nasa sa Ethereum, BSC, AVAX at Oasis na may mas marami pang chain na darating. Nagpapatakbo ito ng mga automated na yield bearing na diskarte para sa iba’t ibang altcoin sa iba’t ibang EVM chain. https://thetanuts.finance/

Tungkol sa Oasis

Ang Oasis ay ang nangungunang desentralisado, privacy-enable at scalable na layer-1 blockchain network. Kasama ng mataas nitong throughput, mababang gas fee at ligtas na arkitektura, nagagawa ng Oasis Network na palakasin ang scalable na DeFi, binabago ang Open Finance at pinalawak ito nang higit pa sa mga traders at maagang nag-adopt sa merkado. Ang Oasis ay may maraming pangunahing tagapagtaguyod kabilang ang Andreessen Horowitz, Polychain, Pantera, Dragonfly, at Binance Labs, at ilang proyektong nabubuo na sa network at mga kasosyo nito gaya ng CryptoSafe Alliance kasama ang Binance, Genetica, Ang BMW Group, Chainlink, Balancer, at iba pa.

--

--