Sinusuportahan ng Binance Labs ang Oasis Ecosystem Fund para Suportahan ang Pagbuo ng Mga Proyekto sa Oasis Network

Marites Cabanilla
Oasis Foundation Filipino
3 min readJan 15, 2022

--

Abiso Ligal: Ang artikulong ito ay aking pagsasalin bilang isang Ambassador ng Pilipinas sa Oasis Labs. Upang mabasa ang orihinal na nilalaman, bisitahin ang: Binance Labs Backs the Oasis Ecosystem Fund to Support the Projects Building on Oasis Network

Mayroon na ngayong $200 milyon na pondo ang magagamit upang mamuhunan sa pagbuo ng mga proyekto ng Oasis Network.

Inanunsyo ng Binance Labs na sumali sa Oasis Ecosystem Fund para magbigay ng mga kontribusyon sa mga proyektong itatatag sa Oasis Network. Ang kontribusyon ng Binance Labs ay pinagunahan sa Oasis ecosystem fund na umabot sa $200 milyon ang laki. Ang Binance Labs ay ang venture capital at innovation incubation arm ng Binance. Tinutukoy nito, namumuhunan, at binibigyang kapangyarihan ang negosyante sa blockchain, mga start-up, at mga komunidad at nagbibigay ng pananalapi sa mga proyekto sa industriya na tumutulong sa pagpapalago ng mas malaking blockchain ecosystem.

Sii Bill Chin, pinuno ng Binance Labs Fund, ay nagsabi: “Kami ay naniniwala sa pananaw ng Oasis at sinusuportahan namin ang proyekto mula pa noong unang mga araw. Lubos kaming nasasabik na sumali sa Ecosystem Fund dahil naniniwala kami na kayang isulong ng Oasis ang pag-unlad ng Web 3.0 dahil sa mga feature nito sa scalability at pagpapanatili ng privacy. Gayundin, ang anumang proyekto na itatatag sa Oasis ay magiging bahagi din ng pagbabago sa Web 3.0.”

Ang Oasis Ecosystem Fund ay nakatuon sa pagpapalakas sa susunod na wave ng mga application ng Oasis, kabilang ang DeFi, NFTs, Metaverse, tokenization ng data, Data DAO, pamamahala ng data, mga application sa privacy, at higit pa. Mismong ang Oasis Network ay scalable, na ginagawa itong perpektong network para sa mga application ng DeFi dahil sa agarang pagtatapos nito, 99% mas mababang gas fee laban sa Ethereum, mataas na throughput, proteksyon sa privacy, at depensa laban sa MEV.

Si Jernej Kos, Direktor ng Oasis Foundation, ay nagsabi: “We couldn’t be more thrilled na nagpasya ang Binance Labs na mag-alay ng tulad isang makabuluhang kontribusyon sa aming Ecosystem Fund. Sila ay isang pinahahalagahan na kasosyo, at magkasama tayong makakalikha ng mga bagong hangganan sa espasyo ng blockchain.”

Iba pang mga pangunahing kasosyo na lumahok sa Oasis Ecosystem Fund ay kinabibilangan ng:

  • AME Cloud Ventures
  • Dragonfly Capital Partners
  • Draper Dragon
  • Electric Capital
  • FBG
  • Hashed
  • Jump Capital
  • Kenetic Capital
  • NGC Ventures
  • Oasis Foundation
  • Pantera Capital

Ang Oasis ay naabot ang ilang mahahalagang milestone sa nakalipas na ilang buwan. Emerald, ang EVM Compatible ParaTime, inilunsad sa MainNet. YuzuSwap, ang kauna-unahang Decentralized Exchange (DEX) na kasalukuyang nasa pag unlad ng third-party na team, na magbibigay-daan sa mga user ng DeFi na maranasan ang buong kapangyarihan ng Oasis Network.

Para higit pang matuto tungkol sa Oasis Ecosystem Fund, i-click dito.

Tungkol sa Oasis

Ang Oasis ay ang nangungunang desentralisado, pinagana sa privacy, layer-1 na network ng blockchain. Kasama ng mataas na throughput nito, mababang bayarin sa gas at secure na arkitektura, nagagawa ng Oasis Network na palakasin ang scalable na DeFi, binabago ang Open Finance at pinalawak ito nang higit pa sa mga mangangalakal at maagang paggamit sa merkado. Ang Oasis ay may maraming pangunahing tagapagtaguyod kabilang ang Andreessen Horowitz, Polychain, at Binance Labs at ilang proyektong nabubuo na sa network at mga kasosyo nito gaya ng CryptoSafe Alliance kasama ang Binance, Ang BMW Group, Chainlink, Balancer at iba pa. Ang Oasis ay kabilang sa nangungunang tatlong pinamumuhunan na blockchain at isa sa pinakamabilis na lumalagong mga network ng developer sa industriya.

Tungkol sa Binance Labs

Ang Binance Labs ay tumutukoy, namumuhunan, at binibigyang kapangyarihan ang mga negosyante ng blockchain, mga startup, at komunidad, na nagbibigay ng financing sa mga proyekto sa industriya na tumutulong sa pagpapalago ng mas malaking blockchain ecosystem. Ang Binance Labs ay nakatuon sa pagsuporta sa mabilis na pagpapatupad ng mga koponan na positibong nakakaapekto sa espasyo ng crypto. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang https://labs.binance.com/.

--

--