Programa ng pag Refer ng mga lumilikha ng NFT sa Oasis

RoboDrp
Oasis Foundation Filipino

--

Makakatangap ka ng gantimpala kapag ikaw ay nakapag imbita sa unang kumunidad ng mga lumilikha sa Oasis Nft ecosystem.

Paunawa: Ang pagsasalin sa wikang ito ay gawa nang isang Oasis Ambassador. Ito ay sinuri ng mabuti upang maibigay ang tamang pagsasalin sa wika , gayunpaman maari itong may mga pagkakamali o pagkukulang. Ang Oasis ay hindi responsable at walang pananagutan dito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Kami ay naniniwala na ang NFTs ay may malaking potensyal sa pagpapalaki ng isang proyekto, at ito ay may mahalagang papel pag dating sa crypto/Web3 ecosystem. Mga NFTs para sa mga karakter sa laro at mga aytem , special community NFTs, art NFTs, hanggang sa data NFTs, at marami pang iba. Dahil dito gusto naming suportahan ang pag papaunlad sa NFT ecosystem ng Oasis Network sa pamamagitan ng referral program.

Ang referrals ay kokolektahin sa Form na ito. May dalawang paraan para makapagpadala ng bagong Nft collection sa Oasis.

1) Warm introduction

Ang warm introduction path ay para sa mga lalahok na walang sapat na oras oh kakayahang magsimula sa isa sa mga Oasis native NFT markeplaces. Ang kaylangan lang gawin ay fill out ang form at markahan ito, na ito ay warm introduction at pagkatapos nito ay ang aming team na ang bahala. Isa sa aming team ang magsusuri ng application form at pag ang koleksyon ay pumasa sa paunang interbyu , ang referral ay ipapadala sa isa sa mga native NFT marketplaces. Kapag napagdesisyonan ng marketplace na maipasa ang koleksyon na galing sa referred na lumikha, ikaw ay mabibigyan ng 500 ROSE tokens.

2) Launch assistant

Ang pangalawang path ay ang launch assistant dito ay maaari kang mamagitan sa lumilikha at pamilihan, patibayin ang ugnayan sa magkabilang panig at tulongan sila sa buong proseso sa pag lunsad ng NFT collection. Dahil ang path na ito ay nangangailangan ng mas mataas na pagsisikap para sa kalahok, ang gantimpala para sa isang koleksyon na maproseso sa isa sa mga native marketplace ay 2000 ROSE, subalit may twist sa gantimpala.

Mag dadagdag kami ng multiplier factor na batay sa dami ng gantimpala, kapag mas marami ang naipasang koleksyon, mas malaki ang makukuhang gantimpala ng kalahok. Ito ay susuriin sa loob ng 60 na araw pagkatapos maipasa at ang multiplier na iaapply sa dami ng multipliers ito ay makikita sa talahanayan sa baba. Huwag kakalimutan na ang kalahok sa launch assistant ay kailangan parin na mag fill out ng form at markahan ng “Launch Assistant” upang masubaybayan naming ang progreso at maibigay ang nararapat na gantimpala.

Multiplier based on trading volume:

Pero gayunpaman para sa ilang koleksyon, ang 60 na araw na palugit ay napakaikli lamang na oras para maproseso. Para sa ganung kaso magbibigay kami ng gantimpala multiplier 5x kapag ang koleksyon ay makamit ang trading volume na 10M ROSE anumang oras sa panahon ng programa.

Siyempre ayaw naming mawalan ang lumilikha sa inisyatibong ito. Kaya kung ikaw ay tagalikha at nagbabalak na mag lunsad ng koleksyon sa Oasis, pwede mo refer ang iyong sarili at maari kang makatanggap ng gantimpala sa isa sa mga paths.

Sa pagbubuod ng detalye, may dalawang mga hakbang na kailangan makompleto upang maging karapatdapat sa gantimpala at ito ay:

· Fill out ang form ng lahat nang kinakailangang referee at impormasyon ng lumilikha ng NFT

Ang koleksyon ng lumilikha ng NFT ay makikitang aktibo sa isa sa mga native Oasis NFT marketplaces

Ang NFT referral program ay isa sa magandang oportunidad para makilala sa Oasis ecosystem at makatulong na maipakilala ang lumilikha sa ating network. Tara at kuahain natin ang mga aplikasyon !

Makikita ang referral form dito!

--

--