Tutoryal Contest sa Oasis

Gumawa ng mga Tutoryal ng Oasis at Manalo ng higit pa sa $5,000 Papremyo

Elise
Oasis Foundation Filipino
3 min readJul 7, 2022

--

Naglunsad ng paligsahan sa tutoryal ang Oasis, nananawagan sa lahat ng may kaalaman na miyembro ng komunidad na gumawa ng magkasunod sunod na tutoryal kung paano gamitin ang Network.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Sa ika-8 ng Hunyo at ika-8 ng Setyembre, gusto namin na gumawa ka ng video, PDF o mga tutoryal sa PPT sa iba’t ibang konsepto na sumasaklaw sa Oasis Network. Makakatanggap ng $300 sa USDT/ROSE ang bawat isa sa sampung mangungunang magpapasa, habang makakatanggap ng $1,000 sa USDT/ROSE ang tatlong pinakamahusay.

Ang hinahanap namin ay hindi lang ang natatanging content pang edukasyon mula sa aming komunidad kundi pati na rin ang content na makakatulong sa mga baguhan na maunawaan ang ilang mga aspeto ng network. Bukod sa $1,000 na papremyo sa tatlong pinakamahusay, ang mga tutoryla na ito ay itatampok din sa opisyal na channel at dokumentasyon ng Oasis.

SIMULAN NA

Ang kailangan mong gawin

  • Magbuo ng tama, kumpleto, magkasunod sunod na tutoryal na nagpapakita kung paano gamitin ang tampok, service o dApp sa Oasis Network.
  • Gumawa ng tutoryal sa loob ng isa sa mga kategorya na nasa ibaba.
  • Dapat may panimula na nagpapaliwanag sa layunin ng tutoryal at may mga link ng mga kasalukuyang tutoryal, mga references at dokumentasyon ng API ang lahat ng ipapasa.
  • Maglagay ng halimbawa na code sa naaangkop

Ang mga tuntunin

  • Format: Magandang video — hindi bababa sa limang minuto, o PDF/PPT doc
  • Wika: Ingles lamang
  • Kahusayan: Siguraduhin na malinaw ang pagkakuha, mga larawan, mga slide at mga frame
  • Paghuhusga: Gagawin ang paghuhusga batay sa pagka orihinal, pagkamalikhain, kapayakan, kawastuhan, praktikal na pagpapatupad at madaling maunawaan.

Paano sumali

Pagkatapos gumawa ng tutoryal na naaayon sa itinakdang pamantayan sa itaas, maaaring ipasa ito sa pamamagitan ng Google Form dito.

Ang lahat ng pagpapasya sa mga nanalo ay mula sa Oasis lamang at hindi na ito mababago pa. Ang Oasis ay maaaring humiling ng ilang pag edit sa mga tutoryal para makasama sa papremyo. Ibibigay lamang ang mga papremyo sa mga dumaan at pumasa sa KYC.

Mga kategorya

May siyam na mga kategorya para gumawa ng mga tutoryal. Mangyaring pumili ng isa sa mga sumusunod para sa pagpapaliwanag sa iyong video, PDF o PPT.

  • Paano gumawa ng wallet, mag stake ng ROSE at maglipat ng pomdo sa pagitan ng consensus layer at ng Emerald ParaTime
  • Pangkalahatang ideya ng arkitektura ng Oasis Network
  • Bakit may native support sa Rollups ang Oasis
  • Paano mag set up ng Validator node
  • Paano magpatakbo ng ParaTime node
  • Paano mag set up ng EVM dev environment at maglabas ng smart contract sa Emerald
  • Paano gumamit ng DeFi sa Oasis gamit ang Wormhole Bridge at Fountain o YuzuSwap
  • Paano makipagkalakalan ng mga NFT sa MetaMirror. Paano sumali sa minting na kaganapan sa koleksyon ng NFT
  • Paano maglunsad ng koleksyon ng NFT sa MetaMirror MLaunch

Mahahalagang mapagkukunan

--

--