Umabot sa dalawang daan at tatlumpu’t limang milyong dolyar ang Oasis Ecosystem Fund
Dalawang daan at tatlumpu’t limang milyong dolyar na ang pondo na maaaring gamitin ng mga proyekto na binubuo sa Oasis Network.
Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.
Sa karagdagang tatlumpu’t limang milyong dolyar na kontribusyon mula sa mga bagong namumuhunan kabilang ang Newman Capital, Seven X Ventures at iba pa sa Oasis Ecosystem Fund ay patuloy na lumalaki. Umabot sa dalawang daan at tatlumpu’t limang milyon dolyar sa bagong karagdagang puhunan ang Oasis Ecosystem Fund — kasama sa pinakamalaki at pinakamalakas sa industriya.
Nakatuon sa pagbabago, nakatuon sa pagtulong ang Oasis Ecosystem Fund sa mga pinuno at proyekto sa network para palakasin ang mga DApp sa hinaharap. Kabilang sa mga ito ang:
- DeFi
- NFT
- Crypto Gaming
- Metaverse
- Data Tokenization
- Data DAO
- Data Governance
- Privacy Application
Sinabi ni Jernej Kos, ang Direktor sa Oasis Foundation: “Masaya kami na makatanggap ng karagdagang kontribusyon mula sa mga mahahalagang mamumuhunan sa aming Oasis Ecosystem Fund. Makakatulong sa mga itinatayo na proyekto sa Oasis ang pagtitiwala nila sa aming vision upang maisulong ang Web3 at ang teknolohiya ng blockchain.”
Sa kasalukuyan, Nakatanggap ng maraming aplikasyon sa pagpopondo ang Oasis Ecosystem Fund. Nakatanggap ng mahigit dalawang milyon mula sa Oasis Ecosystem Fund ang Yuzuswap, ang decentralized exchange (DEX) na nagbibigay incentives sa liquidity at trade mining. Ito ay live noong Enero 2022 sa Oasis Emerald, ang EVM-compatible ParaTime at nagtala ng malaking paglago, ang trading volume ng wala pang isang buwan ay lumagpas isang bilyon dolyar.
Para mag apply sa Ecosystem Funding, pumunta dito.