Paglalagom ng Oasis Foundation AMA kasama ang espesyal na panauhin COO ng Red Date — Michael Ma
Isinalin ito ng isang miyembro ng pamayanan. Para sa orihinal na artikulo mangyaring, Mag-click Dito.
Nakaraang Partnership Announcement: Sumali ang Oasis Network sa BSN Platform
Jon Poole:
🌹 Hi sa inyong lahat at maligayang pagdating sa aming AMA! 🌹
Ngayong araw tayo ay sinamahan ni Michael Ma, ang COO ng Red Date — isang susing tagapagsimula at tagasuporta ng BSN O&M. Kamakailan lamang ay inanusyo natin na ang Oasis Network ay sumali na sa plataporma ng BSN kasama ang Polkadot at Bityuan. Kami ay nasasabik na makasama ngayong araw si Michael na sasagot ng mga tanong tungkol sa BSN at Red Date.
Magsisimula kami sa ilang mga katanungan at pagkatapos ay bubuksan ito sa komunidad!
Maligayang pagdating Michael! At salamat sa pagsama sa amin sa napaka-espesyal na AMA. Maaari ka bang magsimula sa pagpapakilala sa iyong sarili at pagkwento sa amin tungkol sa iyong karanasan sa blockchain space?
Michael Ma:
Oo naman!
Meron akong computer engineering degree bilang aking academic background sa Australia. Bago sumali sa Red Date, nagtrabaho muna ako sa Microsoft at Alibaba sa ilang taon. Meron akong 10+ na taon ng work experience sa software development, product design, sales and corporate management.
Nalaman ko ang blockchain tech nang marinig ko ang tungkol sa bitcoin noong 2015. Nagsimulang lumalim ang aking pagintindi sa teknolohiyang ito noong taong 2018 nang simulan namin ang proyekto ng BSN at Red Date. Sa ngayon, ako ang namamahala sa pangaraw-araw na operasyon sa paglaki ng negosyo, serbisyo sa kostumer, teknikal na suporta at pagsasanay para sa proyekto ng BSN.
Yun ang tungkol sa akin. 😊
Jon Poole:
Nakakamanghang resume! Talaga namang nawili akong magsaliksik tungkol sa Red Date at sa BSN nitong nakaraang ilang buwan at nasasabik ako sa ating pagkakasyoso. 🎊🤝🥳.
Maaari mo pa bang ikwento sa amin ang tungkol sa BSN, paano ito nagsimula, at ano ang misyon nito?
Michael Ma:
Syempre naman!
Ang buong pangalan ng BSN ay, Blockchain-based Service Network.
Ito ay bahagi ng pambansang estratehiya ng China na namumuno sa digital na pagbabago ng ekonomiya,inanunsyo ni Pangulong Xi noong Oktubre 2019.
Ang BSN ay magkasabay na pinasimulan ng apat na pagtatag ng mga kasyoso, partikular ang State Information Center of China, China Mobile, China UnionPay at Red Date Technology.
Ang BSN ay cross-cloud, cross-portal, cross-framework pandaigdigang imprastakturang network na ginagamit upang i-deploy at pangasiwaan ang lahat ng klase ng blockchain aplikasyon.
Ito ay one-stop shop para sa mga tagabuo ng DApp para i-deploy at pamahalaan ang kahit anong pahintulot o mga walang pahintulot na aplikasyon ng blockchain. Bumuo kami ng buong kapaligaran para sa operasyon at magbahagi ng nodes sa pampublikong siyudad ng nodes sa BSN (BSN’s public city nodes (PCN)) sa buong mundo. Tanging ang mga tagabuo lamang ang kailangan pumili ng PCN para maka-konekta at i-upload ang mga matalinong kontrata. Gagawin namin ang lahat para sainyo!
Tungkol doon sa mga partikular na kumpanya, maaari akong magbigay ng maikling panimula.
China Mobile — Ang pinakamalaking korporasyon ng mobile telecommunications sa merkado ng kapitalismo, at ito rin ang pinakamalaking mobile network operator sa buong mundo sa kabuoang numero ng mga tagasuskribi nito.
China Union Pay- Ang pinakamalaking card payment organization (pinagsamang debit at credit na mga kard) sa buong mundo na nagaalok ng online na pagbayad base sa kabuong halaga ng transaksyon ng pagbayad, nangunguna sa Visa at Mastercard.
Red Date Technology — Kami, bilang teknikal na tagabuo at tagapanatili ng teknikal na plataporma ng BSN.
Ngayon, Paano ito nagsimula…
Noong umpisa, napagtanto namin na ang blockchain at DLTs ay talaga namang mahal na SILO networks kung saan sila ay nagtatayo ng aplikasyon sa kanilang sariling kapaligiran at nakahiwalay sa isa’t isa. Maaaring mayroon dong kapaligiran ng internet kung saan merong libo-libong interconnected na DLT network. Narealisa namin na ang kasalukuyang industriya ng blockchain ay katulad nang internet noong taong 1993.
Isa sa pangunahing layunin namin ay ang isama ang mas maraming balangkas blockchain kung posible at gawin silang accessible sa ilalim ng iisang pinag-isang pamantayan sa plataporma ng BSN. Sa ganoong paraan, makakatipid kami sa itaas ng mga gumagamit para makabuo ng blockchain habang may kakayahaang mag alok ng maraming pasadyang serbisyo.
Ang aming misyon: Para mabawasan ang gastos sa disenyong aplikasyon ng blockchain at paglawak habang pinapagana ang komunikasyon sa pagitan ng chains. Gagawing magagamit sa buong mundo gamit ang lokal na cloud providers, sa huli gagawa ng global na internet sa blockchains.
Iyong ang aking mga sagot sa tanong.
Jon Poole:
Kung hindi ka nasabik para sa kinabukasan ng blockchain hindi ko alam kung ano!!!
Paano unang nadiskubre ng BSN ang Oasis Network at bakit interisadong makipagtrabaho ito sa Oasis?
Michael Ma:
Isa sa estratehiya ng BSN ay ang pagiging multi-chain nito sa pagbibigay ng serbisyo, na nangangahulugang gusto naming isali ang mas maraming mabuting balangkas mas posible sa network, pagbibigay ng entree sa balangkas ng blockchain para sa mga tagabuo para pumili at i-deploy.
Kami ay palagi at aktibong naghahanap ng magandang pampublikong chains para isama sa aming sistema. Ngayon meron na kaming 12 pinagsamang pampublikong chains sa aming ecosystem kasama na riyan ang Ethereum, EOS, Tezos, Polkadot, IRISnet,Neos, Nervos, Alogrand, ShareRing, Solana, at BitYuan, at syempre Oasis.
Unang lumapit sa aming atensyon ang Oasis dahil ito ang unang pribadong pinaganang plataporma ng blockchain para sa bukas na pampinansyal at responsableng ekonomiya ng mga datos.
Gumagawa ng bagong uri ng digital na pagaari ang Oasis na tinatawag na Tokenized Data na maaaring paganahin ng mga gumagamit para makontrol nila ang kanilang datos. Ito ay napakainterisado at makabago para sa akin, at para na rin sa BSN.
Ngayon ang Oasis ay isinama na sa BSN International (bsnbase.io), ang mga tagabuo sa buong mundo ay maaari nang linangin ang DApps sa Oasis chain gamit ang BSN’s node service gateway at ito ay nagkakahalaga ng mas mababa sa $20 kada buwan. Sa ganon, ibinaba talaga ng BSN ang pintuan para sa mga tagabuo nito para makalinang, i-deploy at pamahalaan ang DApps.
Jon Poole:
Sa Oasis kami ay nasasabik tungkol sa abilidad ng BSN na gawing madali ang pagbuo ng networks na gaya ng Oasis. Anong tulong ang maaari naming maibigay sa pagitan ng Oasis at BSN sa madaling panahon?
Michael Ma:
Para sa 2021, dalawang bagay ang naiisip kong pwede nating tignan:
- I-embed ang pampublikong serbisyong chain ng BSN sa website ng Oasis, na mahalaga sa pagtayo ng Oasis-BSN mini portal;
- Sumali sa bukas na pahintulot na pagkukusa ng BSN (BSN’s open permissioned blockchain (OBP).
Hayaan mong ipaliwanag ko ang dalawang gawain na mas detaliyado:
1) Bumuo ng mini portal
Magbibigay tayo ng core APIs na mapapagana sa ating mga kasyoso na bumuo ng kanilang sariling portal. Ang mga portal ay ang daan para sa mga tagabuo na ma-access ang mga handog ng BSN. Lahat ng portal ay kumpletong disenyo at binuo ng kanilang operaytor.
Ang mabuting paraan para makabuo ng BSN portal ay itayo ito sa umiiral na website nito, gaya ng pampublikong opisyal na homesite ng chain, website ng komunidad ng mga tagabuo, website ng balita, o kahit anong iba pang uri ng website na maaakit ang mga tagabuo ng blockchain. Nagbigay ang BSN ng grupo ng APIs para sa portal para sa komunikasyon kasama ang BSN’s network operation centers.
Halimbawa na rito ang Alogrand, isa sa mga pampublikong chain ng BSN na kasama.
Narito ang halimbawa kung ano ang nagawa ng Alogrand sa atin: http://bsn.alogrand.org/
Ang portal na operasyon ng BSN gaya ng Oasis ay magkakaroon ng buong awtoridad at nababaluktot sa pagbuo ng mga portal base sa sariling espesipikong mga kinakailangan ng mga operaytor. Pamamahalaan ng Oasis ang kanilang sariling manggagamit, pagproseso ng mga bayarin, at dagdag sa kahit anong serbisyo maliban sa pinaganang serbisyo ng BSN. Bawat portal ng BSN ay mayroong sariling mukha at pakiramdam.
2) Sunod, hayaan mong ipaliwanag ko ang OPB, open permissioned blockchain project…
Kamakailan lang ay inanunsyo ng BSN ang panibagong inisyatibang tinatawag na Open Permissioned Blockchain Initiative na sa tingin ko maaaring potensyal na salihan ng Oasis, tignan ito dito:
Major Breakthrough in China’s Blockchain Ecosystem as the “BSN Open Permissioned Blockchain Initiative” Officially Launched
Itong inisyatiba ay nakadisenyo para sa pampublikong chains para makapasok ng legal ang pamilihang Tsino. Umaangkop ito sa pampublikong chains na nagaalok ng mga kontrol na may pahintulot sa paglawak ng node at binago ang mekanismo sa paggamit ng mga sinaunang tanda na gamit sa pambayad ng gas. 👍👍👍
Sa kabuoan,ang bukas na pahintulot na blockchain ay isang pampublikong blockchain na may pahintulot na kontrolin ang node deployment at nagtatangal ng mekanismo sa paglipat ng native tokens (sinaunang tanda) sa pagitan ng account.
Bakit nga dapat sumali ang Oasis sa OPB?
Kumpara sa mga tradisyonal na may permisong blockchains, isang bukas na permisong blockchain ang nagpapahintulot sa DApps na gumana kahit hindi na patakbuhin ang kanilang sariling kaparehong nodes pero sa halip na pagbabahagi ng master nodes.
Bilang karagdagan, katulad lang ng pampublikong blockchains, ang DApps ay makikita ng lahat at maaaring anyayahan ng kahit sinong alam ang smart contract addresses.
Para sa maraming maliit hanggang sa katamtamang sukat na mga kumpanya, itong bukas na pahintulot na balangkas ng blockchain ay mas madali at mas sulit na paraan para i-deploy ang DApps, kahit na meron itong limitadong kapasidad kumpara sa tradisyunal na pahintulot na balangkas kagaya ng Hyperledger Fabric.
Jon Poole:
Hindi na ako makapaghintay para sa atin! 🚀😎
Nakuha mo ang tanong na galing mismo sa bibig ko. 👌🏼😊
Michael Ma:
Isa sa kaibuturan ng konsepto ng BSN ay isama ang iba-ibang mga teknolihiya ng blockchains upang bumuo ng one-stop na imprastaktura ng mga serbisyo ng blockchain at para magbigay ng kapangyarihan sa iba’t-ibang websites para magbigay ng mga serbisyo sa mga tagabuo para palawakin at patakbuhin ang DApps sa maginhawa at sulit na paraan sa pamamagitan ng mga APIs.
😉😉😉
Ang BSN ay may iba’t-ibang pinagsamang blockchains sa mga internasyonla na portal at PCNs, at sobrang pamilyar sa teknikal na katangian ng pampublikong blockchains.
Samakatuwid, ito ay medyo madaling ipatupad ng isang pinahintulutang blockchain kasama ang BSN sa China. Pagkatapos ng maraming internal na deliberasayon, ang BSN Development Association, ang namamahala sa katawan ng BSN China, ay nakapagdesisyon na ilunsad ang bukas na pahintulot ng blockchain ay proyekto ng BSN sa loob ng BSN’s network environment sa China.
Jon Poole:
🔥🔥🔥 Tiyak na naging abala mo. 😉💪🏻
Ano ang itsura ng hinaharap na roadmap ng BSN sa 2021 at paano mo pinaplanong magpatuloy para suportahan ang mabilis, madaling kaunlaran?
Michael Ma:
Tiyak!
Una, panatilihing magsamang pahintulot at walang pahintulot na mga balangkas, at magpanday-panday na mga protokol, panatilihing i-deploy ang mga pampublikong lungsod na nodes sa buong mundo sa pamamagitan ng pagtatrabaho kasama ang lokal na cloud service providers, at pagbutihin ang aming mga serbisyo upang siguraduhin ang kalidad at katatagan ng network.
Pangalawa, magtayo ng mga imprastaktura para sa Central Bank Digital Currencies (CBDCs) at Stablecoins.
Kasama rito ang dalawang proyekto:
Isang payment network
Pampublikong chain kung saan “gas fees” ay maaaring bayaran kahit hindi bumili ng cryptocurrency
Ang mga pagbabayadang network, isang blockchain-based na negosyong pagbabayadang plataporma na susuporta sa CBDCs at Stablecoins, isang proyekto ng BSN at inaasahang ilulunsad sa unang bahagi ng 2021. Ang Stablecoins ay cryptocurrencies nakakabit sa tradisyunal na salapi, kagaya ng dollar-linked tether (USDT). Ang pampublikong chain ay nasa maaga nitong yugto. Ito ay ibig na tumayo nang mag-isa pero katugma pa rin sa BSN.
Parehong mga proyekto ay magiging madaling upang magamit ang blockchain kahit hindi bumili ng cryptocurrencies. Gagawin nitong pagmukhain ang teknolohiya na hindi ganoon kadelikado sa mga malaking negosyo. Paghiwalay sa blockchain mula sa mga libreng estadong ito ang mga pera ay malamang na muling bigyan ng katiyakan ng mga accountant at mga inis na purista.
Mga karagdagan pang detalyeng mahahanap:
BSN Architect firm eyes CBDC with two new projects
😍😍😍
Jon Poole:
Sa dami ng pagbabago sa kagiliran, anong epekto nito sa kooperasyon sa pagitan ng BSN at Oasis mayroon sa merkado ng blockchain sa China?
Michael Ma:
Sa totoo lang, itong pakikipagsosyo ay basta na lang sumipa kamakailan lang, at wala pa talaga kaming nakikitang maraming epekto nito sa lokal na merkado sa China.
Pero base sa obserbasyon ko, nakikita ko ang Oasis na mayroon itong sobrang aktibong komunidad. Tungkol nga pala sa pamantayan sa pamimili ng mga kasyoso, kalidad ng komunidad at mga eksperto sa teknolohiya ay ang dalawang bagay na dapat lagi nating isaisip.
Ang protokol ng Oasis ay naglalayag ng sobrang bigat na diin sa mga pribadong datos ng mga gumagamit katulad ng pag-aakma sa mga kailangan ng negosyo. Ito ay nagiisang klaseng balangkas lamang na isinama namin sa BSN. Sa tingin ko ang kamakailan lang na pribadong datos na proyekto ng BSN ay may pakikipagtulungan sa grupo ng BMW ipinapakita ng maigi ang iyong kapasidad.
Bilang imprastraktura ng blockchain, nagbibigay ang BSN sa mga tagabuo ng Oasis nang pambihirang murang mapagkukunan at mga kasangkapan para i-deploy at patakbuhin ang DApps. Gaya ng sabi ko kanina, pampublikong kasyoso sa chain ay inaalok din ng oportunidad na sumali sa bukas na pahintulot ng blockchain — -na nagpapahintulot sa mga pampublikong chain na magbigay ng mga serbisyo sa Chinese na merkado. Kami ay nalulugod sa Oasis sa pagsali sa aming pampublikong sistema ng chain, naniniwala ako na magiging magandang simula ito ng isang mataas na kalidad na pakikipagsosyo.
Naniniwala ako na parami ng parami ang mga tagabuo na gumagamit ng pribadong-nakatuon at lubos na nasusukat at maraming mga oportunidad sa negosyo at darating ang pagbabago.
Yan ang aking opinion. 😍😍😍
Jon Poole:
Maraming salamat, para sa mga magagandang pampasiglang salitang sinabi mo. 😊🙏🏻
Ipinagmamalaki namin ang aming reputasyon na makatrabaho ang pinaka kagalang-galang at mga maimpluwensyang negosyo at organisasyon sa buong mundo. 🌹
Wala na akong masasabi pa. 🔥🤝
Paano masusuportahan ng ating komunidad ang BSN at patuloy na pagtibayin ang ating relasyon sa hinaharap?
Michael Ma:
Hayaan mong ilagay ko rito ang mga social media links, saglit lang.
Twitter: http://twitter.com/bsnbase
Medium: http://medium.com/bsnbase
Telegram: http://t.me/bsnsupport
Oo naman, tungkol ito doon. @CoincidenceJon 😍😍
Jon Poole:
Sumali na kaagad ako! 💪🏻😎👍🏼
Michael Ma:
Salamat, LOL
bsnbase.io ang opisyal na site, mas maigi na tignan niyo roon.
Jon Poole:
Maraming salamat, para sa mga mapagkukunan na ito. Sobra kong pinagmamalaki at nasasabik para sa ating tuloy-tuloy na kooperasyon at hiling ko na ang BSN at lahat kasama sa maunlad na 2021. 🌹🎉
Buksan natin ang usapan sa komunidad. 😎🔥
Michael Ma:
Siya nga!!!! 👍👍👍
Jon Poole:
Bukas na ang usapan!
Sa tingin ko iyan ay isa sa pinaka sakto at nagpapaliwanag ng AMA’s na pinanghawakan natin, kaya hindi na ako nagulat na hindi ganoon karami ang mga tanong!
Jacob M:
Salamat @damaike sa magandang paguusap talaga namang sobrang kawili-wili nito! Nagtataka lang ako paanong panteknikal na dalubhasa ang isang indibidwal na kailangan para magtayo ng aplikasyon gamit ang BSN? Iba ba ito sa pagtayo direkta sa chain?
Michael Ma:
Hahaha…Sa palagay ko ay masyado akong maraming nasulat na nilalaman.
Isang napakagandang tanong niyan. 😉😉😉
Jon Poole:
Sa palagay ko ay hindi naman mabubuo ito ng madali ng walang tinatanggal na mahalagang impormasyon. 😅😉
Michael Ma:
Ang ginagawa ng BSN ay babaan ang halaga at tanggalin ang masalimuot na pag-deploy at panatilihin ang DApp sa chain. Kailangan mo paring intindihin ang mga partikural na ari-arian ng isang tiyak na chain kung gagawin mong dev at i-deploy doon. Maaari mo namang tratuhin ng simple ang BSN bilang batayan ng kapaligiran ng dev para sa blockchain kaunlaran ng DApp sa itaas ng mga tagabigay ng cloud.
Jacob M:
Aah okay. Sobrang linis nito. Siguradong titignan ko ang site. Salamat sa pagbabahagi.
Michael Ma:
Walang anuman! 😊😊😊
Jon Poole:
Maraming salamat, @damaike sa pagbahagi samin ng iyong oras at bilang aming panauhing pandangal ngayong gabi! 🌹🌹🌹🤝