Hindi sila titigil.

Isinulat ni Atelle Reyes, 16 | Guhit mula instagram.com/nicetea_

OFTP
Of The People
2 min readJun 4, 2020

--

Guhit ni Nicci, 20 | instagram.com/nicetea_

Hindi sila titigil hangga’t nalilinis nila ang pangalan nila.
Hindi sila titigil hangga’t makakalimutan ng mga susunod na henerasyon ang mga dugo’t dumi sa kanilang mga kamay.

Ngunit hindi rin tayo titigil. Dapat mas matatag tayo.

Hindi tayo titigil na ipaglaban ang mga karapatan na ibinigay satin, na nakasulat sa ating konstitusyon. Patuloy nila tayong ipinatatahimik sapagka’t sila ay natatakot. Unti-unti natin nakikita na ang ating mga pulis ay hindi nandito para protektahan ang mga mamamayan, halip ang mga tuta na may upuan sa gobyerno. Nagagalit na ang mga tao, at nagigising na sa katotohanan.

Hindi tayo titigil hangga’t makita natin na ginagawa nila ang trabaho na dapat nilang gawin. Ang kanilang mga tsapa ay tiyak ginagawang dahilan upang pumatay ng mga inosenteng sibilyan. Itinatataboy at kinakalimutan ang kanilang pagpatay sa kapwa-Pilipino, dahil lamang sa kanilang baril at uniporme na galing sa gobyerno na may utos sa kanilang mga kilos. Kailan naging legal ang pagpatay sa isang indibidwal na walang dahilan o ebidensya laban dito? Patuloy nilang pinapatunayan na hindi sila nandito para protektahan tayo. Ang mga aktibista ay tinatawag nilang terorista, ngunit ang mga tunay na terorista ay ang mga nakaupo sa senado, at ang kanilang utusan na may mga hawak na baril. Sino ang ating pagkakatiwalaan at tutunguan para hanapan ng tulong, kung ang ating mga pinaniwalaang bayani ay ang siyang tatalikuran tayo? Sinong magaakala na ang mismong Pilipino na ipinagtanggol ang bayan laban sa pang-aapi ng Espanyol noon, ay ang mismong mang-aapi sa sariling bayan ngayon? Habang nakikita nila na hindi tayo natatakot, ginagamit nila ang kanilang kakayanan upang baguhin ang batas para protektahan sila.

Hindi sila titigil, sapagka’t alam nila ang kakayanan natin, at sila ay tunay na natatakot sa kapangyarihan na dinadala ng ating mga boses. Hindi kapalit ng magandang gobyerno ang boses ng mga tao, sapagkat ang magandang gobyerno ay nakikinig sa boses ng mga tao nito.

Hangga’t hindi sila nakikinig, hindi tayo titigil hanggang naibalik na ang katarungan sa bayan.

Atelle Reyes is a 16-year old Senior High School student from the Philippines and curator for the Of The People publication. If you’d like to have your work featured in our platform (whether visual or text), you may send in a submission to our email here.

--

--

OFTP
Of The People

Making creative activism accessible. Community member content for /OfThePeople, currently based in the Philippines.