Power Ledger ibinunyag ang Australian Government Smart Cities project para sa 100% renewable energy

Ralph Revelar Sarza
Powerledger
Published in
3 min readApr 30, 2019
  • Ang East Village Knutsford, ang dating industrial site na limang kilometro ang layo mula sa Fremantle town centre, ay magiging isang innovation hub para sa sustainable living.
  • Ang future residents ay lilikha at magbabahagi ng power sa isa’t isa gamit ang kanilang sariling microgrid at battery storage.
  • Mababawasan ang energy costs nang hanggang humigit-kumulang 50%, kung saan ang mga residente ay makatitipid ng humigit-kumulang $1200 kada taon.

PERTH, AUSTRALIA — 30 April, 2019: Inihayag ng energy trading platform na Power Ledger ang isang 100% renewable energy residential development sa pakikipagtulungan ng WA Government land developer na LandCorp at ng Australian Government Smart Cities initiative.

Ang East Village ng LandCorp sa Knutsford ay magiging isang showcase para sa energy-efficient residential development, kung saan tampok ang blockchain-ready homes, isang microgrid supply network para sa tubig at kuryente, at isang shared on-site battery.

“Ang property industry ay nasa isang natatanging posisyon upang magtaguyod ng energy change. Hina-highlight ng proyektong ito ang pagkakataon ng developers na pumili ng mas matalino at mas mahusay na mga desisyon pagdating sa pagtatayo ng mga bahay,” wiki ni Power Ledger managing director at co-founder David Martin.

Mayor of Fremantle Brad Pettitt, Power Ledger Co-founder and Chair Dr Jemma Green, Curtin University Sustainability Institute, Director JBA Dr Josh Byrne, and Minister for Lands Ben Wyatt. (L-R)

Ang development ay bahagi ng Smart Cities and Suburbs initiative ng Australian Government, na nag-aasam ng 670kW/h shared battery na pagmamay-ari at ibabahagi ng individual homeowners.

“Pinahihintulutan ng platform ng Power Ledger ang mga residente na magbenta ng kanilang excess solar power mula sa panels sa kanilang mga bubong direkta sa kanilang mga kapitbahay sa mas magandang presyo — sa halip na ibenta pabalik sa traditional grid.”

Ang future residents ng 36-townhouse urban village ay lilikha ng kanilang sariling enerhiya gamit ang individual 5kW PV solar systems at magbabahagi ng renewable energy gamit ang Power Ledger platform sa buong microgrid.

“Binibigyan ng aming energy trading software ang mga tao ng pagkakataong bumili ng green energy sa halip na energy mula sa fossil fuel sources, kahit na wala silang solar panels sa kanilang mga bahay,” dagdag ni Mr Martin.

Saklaw ng development ang isang microgrid supply network para sa tubig at kuryente, isang shared on-site battery na bigay ng Power Ledger, at ang bawat bahay ay lalagyan ng karapat-dapat na electric vehicle charger.

“Ang mix of innovations sa East Village sa Knutsford ay naghahatid ng isang napakahusay na insight sa kung ano ang posible nating makamit sa modernong sustainable residential infill developments,” wika ni WA Government Lands Minister Ben Wyatt.

Sa pamamagitan ng renewable energy mula sa PVs battery at green electricity mula sa grid, ang 1.5-hectare development ay magse-set ng bagong benchmarks para sa abot-kayang sustainable living sa Western Australia.

“Nangunguna ang LandCorp sa pamamagitan ng paggawa, at ipinakikita ng proyektong ito sa mas malawak na construction industry kung ano ang posible sa paggawa ng konektado at abot-kayang mga komunidad,” dagdag pa ni Mr Wyatt.

Ang East Village sa Knutsford ay ita-track at ia-assess ng isang on-site living laboratory, sa pakikipagtulungan ng Curtin University. Magtatayo ang research program ng isang dataset upang ipakita ang halaga ng innovations at work patungo sa pangalawang One Planet Living accreditation ng WA.

Ang SaaS energy trading platform ng Power Ledger ay kasalukuyang nakasalang sa trial sa iba’t ibang lugar s buong Western Australia, pati na rin sa Thailand, Japan, at Estados Unidos.

Tungkol sa Power Ledger

Ang Power Ledger ay isang Australian technology company na nakapag-develop ng isang blockchain-enabled renewable energy trading platform. Ang teknolohiya ng Power Ledger ay nanalo ng global Extreme Tech Challenge award mula kay Sir Richard Branson, at ang amin namang co-founder na si Dr Jemma Green ay isang finalist sa EY World Entrepreneur of the Year awards. Ang kompanya ay nakapagbuo na ng isang serye ng mga produkto upang magtaguyod ng trading, renewable asset financing, at mas mahusay na carbon and renewable energy credit markets.

Media Contact

Heidi Cuthbert

media@powerledger.io

+61 411 272 366

--

--