#CommutersChronicles: 10 Senti Songs Mula Sa UV Express Playlist

John Jordan Perea
The Innovator Blog
Published in
4 min readDec 26, 2015

Kay sarap bumiyahe lalo na kung may kasabay na magandang tugtugan. Bukod sa pang-alis bagot at antok sa byahe ay nakakatulong rin ito upang kahit paminsan ay makapag isip-isip ka tungkol sa buhay. Narito ang sampung lumang kanta na madalas mong naririnig sa pampasaherong sasakyan tulad ng UV Express/ FX.

1. Against All Odds - Phil Collins

How can I just let you walk away, just let you leave without a trace

When I stand here taking every breath with you, ooh

You’re the only one who really knew me at all

Relate moments:

Para sa mga taong lumayo o pinalayo at ngayon heto’t parang sira na pinipilt maibalik ang lahat. Ano kayo sineswerte, matapos niyong gamitin at paglaruan ngayon heto kayo’t nag mamakaawang maibalik lahat kahit anumang odds? Talaga ba? Maging traffic sa EDSA eh sintigas ng tu-odds!

2. How Am I Supposed to Live Without You -Laura Branigan

How am I supposed to live without you

and how am I supposed to carry on

When all that I’ve been living for is gone

Relate moments:

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko. Matapos mong mahalin at ibigay ang buong lahat sa’yo, kapag iniwan ka, mag tatanong ka na ng “How am I supposed to live without you?” Aba ewan ko sa’yo, sana kasi nag tira ka ng konti para sa’yo! Tulad ng mga upuan sa FX, sana kahit konti man lang umusod ka dahil wala na ‘kong maupuan!

3. Missing You - John Waite

I ain’t missing you at all since you’ve been gone away

I ain’t missing you, no matter what I might say

Relate moments:

May mga bagay na nakakapagod ng gawin lalo na kung hindi karapat-dapat ang taong iyon para sa sakripisyo mo. Napaka-ironic ng title ng kanta, tama lang ‘yan para sa huwad mong pag-ibig. Akala mo siya na ang forever mo ‘yun pala tutuluan ka lang ng laway sa balikat mo.

4. Un-break My Heart - Toni Braxton

Un-cry these tears

I cried so many nights

Un-break my heart

My heart

Relate moments:

Para sa mga taong naghahanap ng magdidikit sa sira nitong puso. Bakit ba naman kasi maghahanap ng iba, hindi ba pwedeng kahit minsan matuto tayo na sarili natin ang gumawa ng paraan? Sarado niyo yung pinto kapag bababa kayo, ‘yan ang hirap sa inyo aasa niyo pa ang pagsara sa iba.

5. Didn’t We Almost Have It All - Whitney Houston

Didn’t we almost have it all

When love was all we had worth giving?

The ride with you was worth the fall my friend

Loving you makes life worth living

Relate moments:

Kamusta naman ang kanta ni Tita Whitney para sa mga taong nag hahanap ng higit pa. ‘Yan tayo, ang hilig nating maghangad ng sobra-sobra. Please lang, makuntento tayo. Kaya pakiayos po yung aircon sa likod, ang init init, di lang kayo ang pasahero!

6. I Can’t Make You Love Me - Kenny Rogers

Cause I can’t make you love me, if you don’t

And you can’t make your heart feel something it won’t.

Relate moments:

Ang kantang ito ay patunay sa mga katagang “Huwag pilitin ang ayaw”. Patunay lang ito na hindi sa lahat ng oras, natuturuan ang puso. Pero ‘yung mga katabi mong parang nasa kabilang bundok ‘yung kausap, pwede mong turuang tumahimik.

7. Heaven - Bryan Adams

And baby, you’re all that I want

When you’re lyin’ here in my arms

I’m findin’ it hard to believe

We’re in heaven

Relate moments:

Tagos sa pusong mga linya na tiyak kong magpapaluha sayo lalo na kung damang-dama mo yung sakit ng kanta. Damang-dama mo rin na nasa heaven ka na kapag byaheng-langit na si Manong drayber sa sobrang bilis mag patakbo.

8. If Tomorrow Never Comes - Ronan Keating

And if my time on earth were through

And she must face this world without me

Is the love I gave her in the past

Gonna be enough to last

If tomorrow never comes

Relate moments:

Paano nga ba kapag dumating ang oras na mawala sayo ang pinakamamahal mo? Paano kung isang araw mawala nalang lahat sayo — cellphone, wallet at mga importanteng dokumento? Hawakan mo kasing mabuti yung bag mo, di mo kasi masasabi ang panahon, malay mo bang katabi mo pala yung holdaper.

9. It Must Have Been Love - Roxette

It must have been love but it’s over now.

It was all that I wanted, now I’m living without.

It must have been love but it’s over now,

It’s where the water flows, it’s where the wind blows.

Relate moments:

Pag-ibig na pero nawala na lang na parang bula! Parang hanging umihip lang para ipadama sayo ng sandaling panahon. Katulad na lang nung magandang babaeng nakatulog sa balikat mo, pag-ibig na sana kaya lang maaga siyang bumaba ng sasakyan.

10. I Don’t Wanna Talk About It - Rod Stewart

If I stay here just a little bit longer,

if I stay here, won’t you listen to my heart, whoa, heart?

I don’t want to talk about it, how you broke this ol’ heart.

Relate moments:

May kailangan pa ba akong sabihin? Huwag na lang nating pag usapan.

--

--