Comelec First Division , Pumabor sa Tax-Evader
Tila pabor sa mga tax evaders ang decision ng Comelec First Division sa kaso ng disqualification sa pagkandidato laban kay Bongbong Marcos. Para sa First Division, maliit na bagay lang ang di pagbayad ng tamang buwis sa loob ng APAT na taon. Hindi ito kaso ng moral turpitude kahit nakailang ulit na HINDI NAGBAYAD NG BUWIS si Marcos noon gobernador sya at Pangulo ang tatay nya. Pinalusot din ng First Division ang sadyang hindi pagbabayad ng penalties ni Marcos kaugnay ng tax evasion sa loob ng mahigit 2 dekada, dahil lamang daw sa TRAIN Law. Talagang ipinilit ng First Division na ihawan ang daan para sa mga tax-evaders tulad ni Marcos na makatakbo.
Insulto din ito sa karaniwang tao na nagbabayad ng buwis nila taon taon.#