Pinatalsik sa EDSA, Huwag nang Pabalikin

Bagong Alyansang Makabayan - National
BAYAN
Published in
2 min readFeb 22, 2022

Nakikiisa ang Bayan sa pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik sa diktador na si Marcos. Hindi dapat ibaon sa limot ang makasaysayang pangyayari na ito, lalo pa ngayon na nagtatangka ang mga Marcos na makabalik sa Malacanang.

Ang EDSA ang kulminasyon ng maraming taon ng paglaban sa diktadurang US-Marcos. Nagpasya ang mamamayan na tapusin na ang diktadura matapos mandaya sa eleksyon si Marcos. Sa paglisan ng mga Marcos sa bansa, dala nila ang bilyong dolyar na nakaw na yaman, kasama ang mga nakatagong bank accounts nila. Matagal na panahon bago nabawi ito ng gobyerno, pero hindi pa lahat ay nabawi. Kaya nagagamit pa rin ng mga Marcos hanggang ngayon ang nakaw na yaman para makatakbo sa eleksyon at makabalik sa Malacanang.

Totoo na hindi nagbago ang bulok na sistemang panlipunan matapos ang EDSA at nanatili pa rin na nakaluklok ang mga naghaharing uri. Ito ang sinamantala ng mga Marcos para unti-unting makabalik sa pulitika sa bansa. Kaya huwag maniwalang babaguhin ng mga Marcos ang sistema dahil ang mismong bulok na sistemang ito ang naging daan para makabalik sila sa pwesto. Bahagi at tagapaguyod sila ng sistema ng burukrata kapitalismo, ng kurapsyon, panunupil, disimpormasyon at pangangayupapa sa dayuhan”.

Sa Pebrero 25, 9am, kita-kita tayo sa may People Power Monument, White Plains Avenue, para sa isang grand teach-in na sasagot at maglilinaw kontra sa kasinungalingan at disimpormasyon ng mga Marcos. Alamin natin ang madugong katotohanan at tunay na kasaysayan sa panahon ni Marcos.

Ang pinatalsik sa EDSA, huwag nang ibalik pa.

Ibalik ang ninakaw, hindi ang magnanakaw!

Magkita-kita tayo sa Biyernes, Pebrero 25, People Power Monument sa EDSA. 9AM-11AM

--

--

Bagong Alyansang Makabayan - National
BAYAN
Editor for

BAYAN is an alliance of organizations committed to the Filipino people's struggle for national liberation and democracy.