#PROJECT | Ikaw, Covid-19, at ang Ekonomiya

La Liga Myoui
Piso ni Juan
Published in
3 min readOct 3, 2021

by Pangkat 4: St. Alphonsus Liguori

made in Canva.com

Bawat galaw natin sa lipunan ay, gustuhin man o hindi, may kinalaman sa ekonomiya. Sa simpleng bili natin ng kendi mula sa lokal nating sari-sari store, nagbabayad na tayo ng buwis at nagiging instrumento ng pag-iikot ng salapi sa loob ng lipunan. Lahat tayo ay may kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. Tayo ay mga konsumer.

Ang iba sa atin, nakakita ng paraan upang makapagbigay ng mga produkto o serbisyo kapalit ng mga salapi. Sila rin ay mga mahahalagang kapitan sa ekonomiya ng lipunan. Ang mga entrepyunur ay may kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. Sila ay mga negosyanteng nagpaandar sa ikot ng salapi sa bansa, at kumikita rin habang ginagawa ito.

Ilang taon na ang lumilipas pagkatapos ng pagtatag ng ika-limang Republika ng Pilipinas, at bawat taon ay unti-unti nating nababayaran ang tambak ng utang na iniwan sa atin ng pamahalaan ng rehimeng Marcos, at umuunlad na ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng balanse ng dalawang mga instrumento ng ekonomiks na negosyante at konsyumer. Ngunit, tila isang bomba ay tumama sa ekonomiya at market ng buong daigdig, ang krisis na dala ng Covid-19. Maraming mga negosyo ay nalugi at mas marami pa ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa mga restriksyon na inilagay ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, pati na rin ang takot ng mga taong mamatay. Dahil dito, kinailangan nating mas palakihin pa ang mga utang ng bansa, hanggang sa naka-abot ito sa Php 11.6 trillion noong katapusan ng July 2021. Mas maraming Pilipino ay naghihirap dahil sa krisis na ito, at ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng sa kanyang kakayahan para mairesolba ang isyu.

Ngunit, ano nga ba magagawa natin? Paano tayo importante at makakatulong, mga mamamayang Pilipino, bilang mga konsyumer at negosyante?

Konsyumer

Lahat ng tao ay konsyumer, kaya ang konsyumer rin ay may malaking kontrol sa market, dahil ang mga presyo at produksyon ay umaasa sa ugali ng pagkokonsumo ng mga konsyumer. Kung marami ang bumibili, mas marami ay kailangang gawin ng mga negosyante, at kung kaunti ang demanda para sa produkto, maph-phase out o hindi na gagawin ang produkto upang maka-iwas sa loss.

Dahil dito, tayong mga konsyumer ay may responsibilidad na unahin ang mga pangangailangan kaysa sa mga kagustuhan, lalo na’t nasa panahon tayo ng krisis. Kailangan nating maging madiskarte sa salaping meron tayo, lalo na’t may partikular na tayong mga gastusin dahil sa pandemya.

Isa pang tulong na magagawa nating mga konsyumer ay ang pagsusuporta sa mga small business na isa sa mga pinakamalaking na salik ng kita sa ekonomiya ngunit pinaka-naaapektuhan ng pandemya dahil sa kakulangan ng mga taong tumatangkilik sa mga produkto at serbisyo nila, lalo na’t palaging may lockdown kapag nagkakaroon ng surge ng Covid-19 cases.

Negosyante

Maraming tao ngayon ang pumipiling magsimula ng negosyo dahil sa prinsipyo ng ekonomiks na sa negosyo kalang yayaman at magkakapera. Dahil dito, mas marami sa atin ang kailangang matuto kung paano maging mabuting entrepyunur lalo na sa panahon ng pandemya. Sila, lalo na ang mga mas maliliit na negosyo na bago pa lang itinayo, ang naghihirap sa ilalim ng krisis na ito, at dahil sa kanilang kahirapan, mas lalong nahihirapan rin ang ating ekonomiya at humihina ang buying power ng Philippine Peso.

Dahil dito, ang bawat negosyante’y may obligasyong tulungan ang ekonomiya sa

pamamagitan ng patuloy na pagtakbo ng kanilang sariling mga negosyo at pagiging considerate sa mga kapwa lalo na’t tayo’y nasa ilalim ng isang pandemya.

Kailangan rin ng mga negosyanteng gamitin ang makabagong teknolohiyang ginagawa araw-araw upang mas maging madali ang daloy ng salapi at mga transaksyon, lalo nang mahirap ang pag-gamit ng mga salapi dahil sa maaaring pagkalat ng Covid-19. Kung walang incentive upang tanggapin ang makabagong teknolohiya, magdudusa ang isang negosyo dahil mapapalitan ito ng ibang mga negosyo na mas ginagawang madali ang mga transaksyon.

Sa madaling salita, ang negosyante at mga konsyumer ang mga tanging gagawa ng sariling incentive upang tumulong sa kapwa at tulungan ang sarili kahit nasa gitna ng pandemya, at dapat ipares ito sa isang mabuting business and wise consumer practices. Tulad nga ng kasabihan: “With great power comes great responsibility.”

--

--