Civitas — Pangsampung Buwanang Pagsusuri

(Ito ay pagsasalin ng artikulong inilathala noong ika-4 ng Marso, 2023)

savant
playCivitas
5 min readMar 18, 2023

--

Maligayang pagdating sa ika-10 edisyon ng Buwanang Pagsusuri! Ang Pebrero 2023 ay naging isang kahanga-hangang panahon ng paglago at pag-unlad para sa aming komunidad, at kami ay nasasabik na ibahagi ang aming mga update sa inyo. Sa pagsusuring ito, tatalakayin namin ang aming kamakailang tagumpay, mga kaganapan, at nalalapit na mga plano. Kaya, kumuha ng isang tasa ng kape, samahan kami habang binabalikan ang ating progreso, at tingnan ang mga susunod na hakbang.

Mga Kaakibat

Ang buwan ay nagsimula sa aming paglahok bilang panauhing tagapagsalita sa #WaypointWeb3, isang periodic Twitter Space event na hinost ni @AbugovIlya.

Ang tema ng partikular na panel na ito ay “Web3 Open Worlds”, at sumali ang aming mga kasapi na sina @KristjanEinar at @gcrosali sa ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya, na ibinahagi ang kanilang mga pananaw at karanasan tungkol sa hinaharap ng mabilis na umuusbong na espasyong ito. Tumagal ang event ng mahigit isang oras, at may 410 katao ang nakikinig.

Huwag mong palalampasin ito, kaya narito ang iyong pagkakataong makinig:

Ang aming pangalawang Twitter Space ngayong buwan ay isang kapupulutan ng kaalaman na roundtable discussion kasama ang aming mga bagong kaibigan mula sa fableborne. Sobrang natuwa kami na sumama ang aming Chief Product Officer na si @KentwByers, sa mga eksperto sa industriya upang talakayin ang nakakapukaw na paksa ng multiplayer na karanasan sa web3 games. Ibinahagi nila ang kanilang mga pananaw at karanasan sa panel at sa maraming kalahok.

Pakinggan ang Spaces dito: https://twitter.com/i/spaces/1PlKQpEREjzxE?s=20

Community Spotlight

Natutuwa kami na ilagay sa spotlight ang isa sa aming mga natatanging miyembro ng komunidad na ginawaran ng prestihiyosong titulo ng Una at Huling Emperor ng mga Nomad dahil sa kanyang kahanga-hangang kontribusyon. Si Galli ay isang aktibo at nakatuon na miyembro ng aming Discord community at naging mahalagang moderator, na naniniguradong ang aming komunidad ay nananatiling ligtas at mapag-anyaya sa lahat.

Lubos kaming nasasabik na kilalanin ang sipag at dedikasyon ni Galli sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kaniya ng ilang nararapat na pribilehiyo, kasama na ang isang custom Chosen, libreng merch, at imbitasyon na makilala ang koponan. Ang kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa komunidad ay tunay na gumawa ng pagkakaiba, at kahanga-hanga na makita ang pagkilala na nararapat sa kanila.

Sa kabuuan, ang mga tagumpay ni Galli ay patunay sa lakas at sigla ng aming komunidad. Mahalagang kilalanin at gantimpalaan ang mga pambihirang miyembron upang mapabuti ang ating komunidad. Nagpapasalamat kami sa mga kontribusyon ni Galli, at umaasa kaming ipagpapatuloy ang pagdiwang ng mga kahanga-hangang indibidwal sa aming komunidad.

Mga Paligsahan at Giveaways

Ang aming mga kasosyo sa Merit Circle ay nagdaos ng isang Valentine’s Day story contest, na inanyayahan ang mga kalahok na ilabas ang kanilang malikhaing diwa at isumite ang kanilang mga kwento. Ang mananalo sa paligsahang ito ay makakatanggap ng isang espesyal na “mystery love box” na may sweep ng isa sa kanilang mga kasosyong koleksyon, na nagkakahalaga ng 1 ETH.

Bukod dito, ang komunidad na makakagawa ng pinakamaraming komento ay gantimpalaan din. Isa ang @playcivitas sa kanilang mga kalahok, kasama ang @Bullieverse, @WeArePlanetMojo, @GoonsNft, at @Footium. Nasasabik kaming lumahok at umaasang manalo!

Ang aming mga kasosyo sa Shrapnel ay buong pusong naglaan ng 100 WL spots para sa Civitas community, na pinapayagan ang mga mapalad na nanalo na lumahok sa libreng mint ng Sigma Containment Units! Ito ay para sa pagdiriwang ng CIVITAS x SHRAPNEL collaboration.

Palaging maganda na makita ang mga ganitong pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang komunidad at ang mga pagkakataon na nililikha nila para sa bawat isa.

Leaks. At marami-rami ang mga ito.

Ibinahagi namin ang ilang kapana-panabik na sining leaks, kabilang ang mga larawan ng dragonflies, dahon, kahoy, kahoy na palakol at mga silip sa mga pre-historic na workshop at town hall.

Ngunit ang pinakapopular na leak sa lahat ay ang isang Tiktok video na marami ang natuwa. Nasasabik kaming magbigay ng access sa komunidad ng pre-alpha sa darating na taon, at nagpasya kaming ibahagi ang ilang likod ng eksena mula sa aktwal na game client!

At hindi lang iyon. Kailangan mong makita ang malaking teaser na ito! Dahil ito ang uri ng pagbubunyag na gusto mong panoorin nang paulit-ulit habang sinusubukan mong intindihin ang lahat.

Mga Pagdiriwang

Mahalagang maglaan ng ilang sandali upang kilalanin ang mahahalagang mga sandali sa buhay, at ang pagdiriwang ng mga kasiyahan sa kabila ng ating abalang mga iskedyul. Ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa pagkamit ng mga layunin, kundi pati na rin sa pag-eenjoy ng paglalakbay.

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang namin ang Galentine’s at Valentine’s Day. Bukod dito, ang Singles Awareness Day ay isang mahusay na pagkakataon upang tamasahin ang araw at magpahinga mula sa komersyalisadong aspeto ng Valentine’s Day.

At patungkol sa pagdiriwang, nasasabik kaming ipahayag na ang “Token” Achievement ay maaari nang makuha ng mga Chosen holders na may ganitong katangian.

Kung ikaw ay isang HODLer, maaari mong makuha ang iyong gantimpala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin na nakasaad sa tweet na ito:

Mga Huling Salita

Habang binabalikan natin ang nakaraang buwan, mahalagang kilalanin ang ating mga tagumpay at progreso, habang kinikilala rin ang mga lugar na kailangan ng pagpapabuti. Sa pamamagitan ng pag-aaral mula sa nakaraang buwan, makakagawa tayo ng mas mahusay na mga desisyon at mga hakbang sa hinaharap. Itayo natin ang ating mga tagumpay, matuto mula sa ating mga pagkakamali, at manatiling nakatuon sa pagkamit ng ating mga layunin.

Alamin ang higit pa tungkol sa Civitas 👉 https://linktr.ee/playcivitas

--

--