Civitas — Pangsiyam na Buwanang Pagsusuri

(Ito ay pagsasalin ng artikulong inilathala noong ika-10 ng Pebrero, 2023)

savant
playCivitas
5 min readFeb 19, 2023

--

Natapos na ang unang buwan ng taon. Tila ba parang kisapmata na lumipas ang buwan ng Enero. Tunay ngang napakabilis tumakbo ng oras ngunit, kahit pa natapos na ang ating panahon ng pagsubok, hindi natatapos ang ating pagsusumikap. Bago pa man natin simulan ang tunay na trabaho, ating balikan ang mga pangyayari at tagumpay noong nakaraang buwan.

Art Leaks, Art Leaks at Art Leaks.

Noong Disyembre, ang ating komunidad ay naintriga tungkol kay “Gustav the Goat”. Dahil sa tagumpay nito, ang pangkat ng concept art ay nagkasundo na ituloy at panatilihin ang kanilang “animalistic momentum” sa pamamagitan ng paggawa kay “Dave the Dodo”.

Habang patuloy na pumupukaw ng atensyon si “Dave the Dodo”, ang pangkat ay naglabas din ng mga art leaks ng iba’t ibang kasangkapang panlupa tulad ng Chert, Flint at Clay. Dahil sa mga kasangkapang ito, naipakita ang kahusayan ng pangkat sa pagbibigay-atensyon sa bawat detalye at ang kanilang kakayahang bigyang buhay ang mga kagamitang tulad nito.

Mayroon din tayong inilabas na mga magagandang sawmill at stone mine. Ang mga ito ay magiging importanteng istruktura sa mismong laro.

Ang isang bagay na talagang namumukod-tangi para sa akin ay ang “Huginn, the Raven”. Bilang isang taong nabibighani sa mitolohiya, mabilis akong naging interesado sa bagay na ito at sa kanyang simbolismo.

Alam mo bang si Huginn ang isa sa pinagkakatiwalaang mensahero at tagapagmanman ni Odin sa Norse na mitolohiya? Siya ay naatasan sa pagkalap ng impormasyon mula sa siyam na mundo at sumisimbolo sa kapangyarihan ng kaalaman at katalinuhan. Maaari mo pang malaman ang tungkol kay Huginn dito: https://skjalden.com/huginn-and-muninn/

Nakakatuwang makita na mayroong sariling interpretasyon ang mga manlilikha sa mga klasikong mito at alamat at ako ay lubusang namangha sa gawa ng ating manlilikha tungkol dito. Ako ay nasasabik na makita ang kanilang mga susunod na likha.

Ang komunidad bilang isa

Espesyal ang nakaraang buwan lalo na sa taga-silangan na parte ng ating komunidad dahil sa pagdiriwang ng “Year of the Water Rabbit”. At isang magandang pamamaraan para ipagdiwang ito ay ang pag-alay ng isang art piece na kuneho.

Hindi lang ito, mas naging kapana-panabik pa ito dahil ating inimbita ang Chinese na komunidad sa Discord na bigyan ng pangalan ang kuneho at ang mapipili ay magkakaroon ng espesyal na shoutout sa mismong credits ng laro.

Ako ay masaya na maging parte ng prosesong ito at panoorin ang ating komunidad na nagsama-sama upang mabigyan ng pangalan ang ating bagong in-game companion. Labis na positibo ang mga tugon kasama na rito ang mga mahuhusay na mungkahi ng komunidad.

Sa huli, ang pangalang “Bonnie” na binigay ni Maggie M#0824 ang nanaig. Sa tingin ko, ang pangalan na ito ay tamang tama para sa isang kuneho, bagay na bagay para sa cute at mapaglaro nitong katangian. Nagagalak din kaming makita na mabigyan ng pagkilala si Maggie M#0824 para sa kanyang kontribusyon. Ito ay mahusay na paraan upang gantimpalaan ang ating mga dedikadong miyembro ng komunidad.

Ang pag-uugnayan ng komunidad at ang kasiyahan na mayroon sa kaganapang ito ay talagang nakakamangha at masarap sa pakiramdam na maging parte nito.

Komunidad at Seguridad

Sa pagdiriwang ng Data Protection Day, ating inalala ang nakalipas at ang kahalagahan ng pagiging mapagbantay sa digital age. Naaalala niyo ba noong mayroong sinubukang gayahin kami at magpanggap bilang opisyal na account na may balak na lokohin ang mga tao? Isa itong paalala ng panganib na mayroon sa online world at ang pangangailangan na maging maingat at magkaroon ng kamalayan sa ganitong klaseng bagay.

Mahalaga na turuan natin ang ating sarili sa pagprotekta ng ating mga pribadong impormasyon at pagkatiwalaan lamang ang mga opisyal na channels at verified accounts. Ang mga scammers ay patuloy na nakakagawa ng mga bagong pamamaraan upang tayo ay lokohin ngunit, kailangan nating panatilihin ang ating kamalayan at maging mas maingat.

Dapat nating bigyang oras at turuan natin hindi lamang ang ating mga sarili, kundi pati na rin ang iba tungkol sa mga dapat gawin para sa data protection. Sa pagpapalawig ng kamalayan at pagbabahagi ng kaalaman, tayo ay nagtutulungan upang masiguro na ang digital world ay isang ligtas na lugar para sa lahat.

Ang Roadmap

Ang buwan ng Enero ay hindi lamang tungkol sa mga paalala at mga art leaks. Ang buwan na ito ay punong-puno ng mga kapanapanabik na pag-unlad ngunit, ang pagpapalabas ng 2023 Civitas Development Roadmap ang tunay na namumukod-tangi.

Mariing inaasahan ng komunidad ang pagkakataong ito at sa wakas, ito’y dumating na. Ang roadmap ay mahusay na tinanggap at nagbigay ng malinaw na paglalarawan kung saan patungo ang proyekto sa mga susunod na buwan. Matapos ang ilang linggong pagsasaayos, bumuo kami ng planong maisasagawa na nakabase sa pangunahing prayoridad at makatotohanang mga deadline.

Maraming bagong bagay ang nakapaloob sa roadmap na nakatakdang ilabas sa buong 2023. Binibigyan nito ang komunidad ng pasulyap sa kung ano ang nakalaan para sa kanila at nagbibigay-daan din ito upang mas lalo pa nilang maintindihan kung paano lalago ang proyekto sa paglipas ng panahon. Ang pangkat ay nakatuon din sa pagpapanatili na ang komunidad ay palaging mayroong interaksyon at sapat na kaalaman sa pamamagitan ng pagbabahagi ng balita tungkol sa pag-unlad ng roadmap.

Sa pangkalahatan, ang paglunsad ng 2023 Civitas Development Roadmap ay isang malaking tagumpay para sa proyekto at pati na rin sa komunidad. Panatag ang loob ko na ang roadmap na ito ay makakatulong na maiangat ang proyekto at hindi na ako makapaghintay na makita kung ano pa ang mga pasabog na lalabas ngayong taong 2023.

Mga Huling Salita

Mabilis ngunit matrabaho at produktibo ang buwan ng Enero, puno rin ito ng iba’t ibang hamon at mga oportunidad. Habang tayo ay sumusulong, alalahanin natin ang mga aral na ating natutunan at mga tagumpay na ating naranasan at patuloy pa nating pag-igihan ang pagtatrabaho patungo sa ating mithiin.

Ito ay para sa produktibo at kasiya-siyang buwan ng Pebrero at sa patuloy na pag-unlad!

--

--