Kilalanin ang Team — Aldís

(Ito ay pagsasalin ng opisyal na artikulong inilathala noong ika-9 ng Setyembre, 2022)

savant
playCivitas
7 min readFeb 22, 2023

--

Isa na namang miyembro ng Civitas development team ang ating tatalakayin sa artikulong ito.

Ipapakilala namin sa inyo ang Art Producer ng Civitas na si Aldís Dagmar.

Tulad ng malalaman mo, ang karera ni Aldís ay sumasaklaw sa maraming malikhaing industriya. Dahil dito, isa siya mga pinaka-multi-talented na miyembro ng aming grupo.

Maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili sa aming komunidad?

Ako ang art producer ng Civitas, at kung maaari kong idaan sa sayaw ang panayam na ito, gagawin ko.

Nagsimula akong gumawa ng mga kaganapan at pagdiriwang noong ako ay nasa kolehiyo, na humubog sa aking interes at karera sa produksyon at nang maglaon ay humantong ako sa pag-aaral ng pamamahala ng proyekto. Nag-aral ako ng textile design sa kolehiyo at pinangarap kong maging fashion designer sa loob ng huling mga sandali hanggang sa napagtanto ko na ang mga pangarap ko, at hanggang ngayon, ay mas malaki pa roon, kahit na ang pagdidisenyo ng kasuotan at fashion ay akin pa ring libangan. Nag-aral ako sa isang unibersidad ng graphic design nang bahagya upang manatiling abala dahil kaunti ang aking opsyon sa aking bayang kinalakihan, at ito ay nakatulong upang maisakatuparan ang aking napagtantong pangarap na lumikha ng mga mundo.

Bukod sa paggawa at pag didirekta ng iba’t ibang malikhaing proyekto, pagtatrabaho bilang isang editor at pamumuno ng isang indie publishing collective, nahanap ko ang aking sarili sa industriya ng pelikula bilang taga-disenyo at taga-gawa ng mga props, set at costume. Matapos kong pagdaanan ang iba’t ibang tungkulin sa industriya ng pelikula, unti-unti akong umangat at nagkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho para sa mga kumpanya tulad ng Vesturport, Netflix at Gucci, lumipat ako sa independent film production at pag-aassistant directing. Ang aking malawak na karanasan sa iba’t ibang tungkulin sa loob ng creative industry at ang aking mga cross-disciplinary studies ay nakatulong sa akin na maunawaan ang maraming aspeto at pangangailangan ng departamento para sa creative production, na naging dahilan upang ako ay maging mas magaling na producer at humantong sa kung nasaan man ako ngayon.

Sa aking libreng oras, hilig ko ang panonood ng mga hindi kilalang horror na pelikula at mga vintage MGM’s, magpalipas ng oras sa kusina o manood (at kung minsan ay makilahok) ng cheeky vaudeville show.

Masasabi ko na ang aking mga libangan, interes at karanasan sa trabaho ay konektado sa aking komplikado at malikhaing kagustuhan sa buhay sa iba’t ibang pamamaraan; ang lumikha ng mga mundo, lumikha ng isang nakaka-engganyong karanasan na mag-aalis sa iyo mula sa tunay na mundo at dadalhin ka sa ibang mundo o dimensyon.

Maswerte ako at napunta ako sa Directive Games kung saan naging bahagi ako sa literal na paglikha ng isang bago at kakaibang mundo!

Ano ang nakapaloob sa tungkulin ng Art Producer, at ano ang iyong mga responsibilidad sa Civitas?

Ang tungkulin ng art producer ay kaakibat ng pagiging pinunong tagapaglingkod; mayroong isang pinuno upang maglingkod sa mga tao at tulungan silang umunlad at makapag trabaho nang maayos at mahusay hangga’t maari. Kabilang sa iba pang mga bagay, kasama sa aking mga responsibilidad ang pamamahala sa workload ng art team at pag-align ng kanilang mga gawain at prayoridad upang maging maganda ang kalalabasan nito, at sinisigurado kong makakayanan nila ang mga maaaring hadlang sa trabaho na kanilang haharapin, at matiyak na ang mga deadline ay natutugunan. Tinitiyak ko rin na ang aking team ay may mga kagamitan, impormasyon, at suporta na kailangan nila upang maisagawa ang kanilang mga gawain. Kasama rin dito ang pakikipagusap ukol sa mga impormasyon na kinakailangan sa pagitan ng departamento at ng bawat indibidwal sa lahat ng antas.

Sa mas simpleng salita, ang aking pangunahing gawain ay bilang isang tagapag-ugnay at cheerleader, tinitiyak na mahusay ang aking pangkat at ang proyekto ay nasa tamang landas.

Ang Civitas ay naglalakbay sa iba’t ibang panahon at, dahil dito, ang mga istilo ng mga karakter at gusali nito ay nag-iiba. Ano ang sikreto upang mapanatili ang isang magkakaugnay na biswal na pagkakakilanlan sa isang laro na mayroong konsepto ng pagkakaiba-iba?

Ang susi sa pagpapanatili ng malinaw at magkakaugnay na direksyon ng sining sa bawat hakbang ay ang pagkakaroon ng komunikasyon sa bawat isa. Kahit na ang istilo ng arkitektura ng mga gusali ay nag-iiba-iba sa pagitan ng mga panahon, kung paano namin kinakatawan ang mga ito sa biswal na istilo ng Civitas ay nananatiling pareho sa lahat ng panahon at elemento. Itinakda ng aming art director na si Ásgeir ang tamang isitilo ng Civitas, na kung saan ang aming buong art team ay nagtatrabaho tungo sa pagsasakatuparan at pag-aanyo sa bawat elemento ng mundo.

Ang iyong karera ay sumasaklaw sa ilang industriya — fashion, pag-publish, musika, pelikula, at ngayon ay sa mga laro. Bilang pinakabago sa mga nabanggit, sa palagay mo, paano maikukumpara ang gaming mula sa mga nabanggit na industriya?

Magandang katanungan! Ang mga industriyang ito ay nagbabahagi ng maraming pagkakatulad at proseso. Ang lahat ng ito ay nakabase sa inobasyon na maaaring nakadepende o gumagawa ng mga teknolohikal na pagbabago, nakatuon sa pagbuo ng mga karanasan, pagbuo ng mga mundo at ang mangarap nang mapangahas.

Ang paggawa ng pelikula at mga fashion house ay katulad ng isang studio ng laro. Sa madaling salita, sila ay bumubuo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga malikhain at technical department na dapat suportahan ang isa’t isa. Ang buong produksyon ay pinapagana o binubuo ng mga may malalawak na isip, mga producer at iba pang mga stakeholder na nagtutulak sa proyekto upang maging isang na-publish na produkto para sa isang partikular na market.

Sa aking personal na pananaw, wala akong masyadong nakikita na pagkakaiba sa pagitan ng pagtatrabaho sa mga laro at pelikula, maliban sa kaginhawaan ng mas regular na oras at mas kaunting oras na ginugugol sa mga glacier, at sa aking palagay, may mga matututunan ang industriya ng pelikula mula sa paglalaro. Ang industriya ng fashion ay mas madalas maglakas-loob na makipagsapalaran, magbago ng direksyon at gumawa ng mga ‘di inaasahang disenyo at iba pa. Kung ano ang ‘in’ ngayon ay maaaring ‘out’ bukas, walang mga patakaran at mayroong market para sa bawat produkto. Marahil ay ang pwedeng katanungan ay kung ang industriya ba ng paglalaro ay maaaring sumunod sa katapangan at kumpiyansa ng industriya fashion.

Ang sining ay maaaring isa sa pinakasikat na gamit ng teknolohiya ng NFT. Nararamdaman mo ba na pinalawak ng NFT at binigyan ng pagkakataon ang mga bagong artist?

Ito ay isang kawili-wiling paksa na nagbubunga ng maraming aspeto ng mga kaisipan at sagot, at maaaring magkaroon pa ng pagtatalo ng mga pahayag sa isang banda…

Nasasaksihan natin ang isang panibagong yugto ng sining na hanggang ngayo’y nabubuo pa lamang at marami na agad ang nakatutok dito. Ang internet ay malawak at sa iilang pagkakataon ay kakaiba, marami sa mga bagay na nangyayari sa loob ng virtual space ay lubos na naiiba mula sa tunay na mundo. Halimbawa, napuna ko ang napakalaking pagtaas ng mga walang sapat na kaalaman sa NFT market, na maaari pa ngang ipaglaban na ang halaga ng mga art ng NFT na mas mataas kaysa sa mga pisikal na sining, dahil sa taglay nitong konteksto sa web-culture; sa isang banda, ang mga ito ay mga piraso ng konsepto, at ang halaga ay maaaring dahil sa konteksto sa halip na mismong nilalaman. Sa maraming paraan, sinisira nito ang hulma ng contemporary and concept art. Sa kabila nito, ang konseptong ito ay nagbibigay-daan para sa masa na makapasok sa eksena ng sining at gumawa ng panibagong paraan ng malikhain na pag-iisip. Ang digital art ay nangingibabaw at ang pagsibol ng mga sining na ginagawa ng mayroong partikular na pamamaraan ay tiyak na inuuga ang estado ng tradisyunal na sining. Dahil dito, marami ang nag-iisip kung ano ang maaaring maging epekto nito sa tradisyunal at modernong sining, at kung ito ba ay maaaring simula ng paglitaw ng isang panibagong estilo ng sining.

Para sa akin, ang NFT market ay isang napakalaking pampublikong gallery na bukas para sa sinumang may gustong maglagay ng kani-kanilang art, na kasalukuyang may mas malaki at maraming tumatangkilik kaysa sa anumang pisikal na gallery art o exhibition space. Bukod pa rito, naglalaman ito ng napakaraming content kaysa sa anumang physical art space at madali lang maligaw sa ganitong klaseng kapaligiran.

Lumalawak ang saklaw nito at hindi lamang ang mga artist at content ang napapansin at kumikita sa loob ng virtual space, kasama rin dito ang virtual demographic na mas malaki rin kaysa sa tradisyonal. Ang sining ay itinuturing bilang isang mahalagang kasangkapan sa loob ng matagal na panahon, ngunit ang paghahambing ng halaga ng mga NFT sa pisikal na sining ay puno ng pagkakaiba. Para sa akin ang kaisipan sa paligid ng mga NFT ay tila higit na nakatuon sa pera o financial at sa ganoong paraan ay maaari kong sabihin na pinalawak at pinadali ng virtual market ang posibilidad na mas kumita para sa maraming mga artist. Gayunpaman, ang pagpasok sa anumang market ay may mga sari-sariling pagsubok at nangangailangan ng sapat na kasanayan sa bawat hamon na iyong kakaharapin. Marahil ito ang dapat mong katanungan ukol sa paksa ng marketing.

Nabalitaan naming may hilig ka sa tula — may maibabahagi ka bang maikling tula sa amin?

Dahil lahat ng aking mga nasusulat ay likas na Icelandic, pinili kong isalin sa Google ang isa na ganap na puno ng mga sangguniang kultural na Icelandic. Isinulat bilang pagsuway sa Icelandic Nobel novelist na si Halldór Kiljan Laxness.

Icelandic masterpiece

On the mountain of Olympus

become the Discobulus

the Great weaver of Kashmir

Halldór fucking Laxness.

Icelandic defiance and weather

a brief summary

and compassion intact.

An Icelandic masterpiece in three volumes.

--

--