Kilalanin ang Team — Amy

(Ito ay pagsasalin ng opisyal na artikulong inilathala noong ika-21 ng Oktubre, 2022)

savant
playCivitas
5 min readFeb 27, 2023

--

Marami ang kailangang gawin upang ang isang ideya ay maging virtual na bagay, maging ito ay isang karakter, gusali, kapaligiran, o anumang kumplikadong kasangkapan. Ang mga concept artist ang pangunahing tauhan sa prosesong ito: kapag may lumapit sa kanila at humingi ng isang bagay tulad ng “isang mukhang prehistoric na tore na may mystical aura”, sila ang gumuguhit ng mga sketch na may iba’t ibang bersyon ng mga ito, pagkatapos ay muling iguguhit ang nais na bersyon mula sa maramihang mga perspektibo, pagkatapos ay gagawa sila ng mga reference board upang maunawaan ng mga 3D artist ang mga materyales ng bawat bahagi ng nasabing tore. Talagang ang mga ito ay gawain ng mga malikhaing pag-iisip.

Ito ang dahilan kung bakit isang karangalan na ipakilala sa inyo si Amy Riches, isa sa pinaka-prolific na Concept Artist ng Civitas!

Maaari mo bang sabihin sa ating komunidad ang tungkol sa iyong sarili at sa iyong propesyonal na karanasan?

Isa ako sa mga concept artist na nagtatrabaho sa Civitas. Masaya akong nakikipagtulungan sa art director na nagdidisenyo ng mga konsepto para sa laro, ako ay nakatuon sa mga kapaligiran, props at disenyo ng kulay.

Nagmula ako sa isang mas tradisyunal na background ng sining dahil na rin sa aking pag-aaral ng fine art at art history sa unibersidad ngunit umunlad sa pagbabago ng tech tungo sa kapana-panabik na digital world. Sa nakalipas na dekada, nagtrabaho ako para sa maraming kliyente sa iba’t ibang industriya bilang isang concept artist, illustrator at lead designer, na kinasasangkutan ng trabaho mula sa mas maraming campaign na nakatuon sa produkto at pagbuo ng brand hanggang sa 2D TV animation. Ako ay nasasabik na aralin ang industriya ng paglalaro, bilang isang malaking tagahanga ng mundo ng entertainment, (parehong mga pelikula at laro), hilig kong bigyang-buhay ang mga mundo at mga kuwento, at sikaping gawin ang bawat disenyo, pagpili ng kulay at paint stroke na makakatulong upang maiparating ang mensahe at mahumaling ang mga manonood.

Una sa lahat, ako’y isang art nerd. Gustung-gusto kong magpinta gamit ang digital at tradisyonal na pamamaraan at kung hindi ako nagpipinta sa trabaho, o sa set up ko sa bahay, malamang ay mahahanap mo ako sa labas habang nagpipinta ng ‘en plein air’. Gustung-gusto kong mag-hiking at mahumaling sa mga natural na tanawin at madalas kong gawing inspirasyon ito sa aking mga personal na konsepto at mga guhit. Isa pa, mahilig akong uminom ng tsaa at makinig sa heavy metal o mga soundtrack ng pelikula, lalo na kapag nagpipinta.

Nagtrabaho ka sa iba’t ibang industriya bago sumali sa gaming. Paano mo inihahambing ang iyong karanasan sa paglalaro sa iba pa? At paano nila naimpluwensyahan ang iyong istilo bilang artist ng konsepto ng laro?

Ang pagtatrabaho sa ibang mga industriya ay nakaimpluwensya sa aking trabaho. Maaaring hindi gaano sa istilo kundi sa proseso, sa pag-angkop nang mahusay sa iba’t ibang pangangailangan ng iba’t ibang mga proyekto at sa proseso palagi kang may hindi inaasahan at problemang dapat lutasin. Masasabi kong ang pinakamalaking pagkakaiba sa mga nakaraang industriya ay ang lubos na pagtutulungan ng buong team sa industriya ng paglalaro at makikita mo talaga na ang iyong trabaho ay kabilang sa malaking bahagi ng kumpanya. Lalo na sa produksyon kung saan hindi mo na kailangan kumpletuhin ang isang nag-iisang ‘cool’ na illustrasyon kundi ang pagbuo at pakikipag-usap ng mga ideya, at paglutas ng mga problema para sa mga 3D artist at game designer.

Ano ang paborito mong aspeto ng pagtatrabaho sa Civitas?

Gustung-gusto ko talaga ang kakaibang istilo ng 2D na naisip ng art director para sa Civitas, bilang isang manlilikha, para sa akin ito ay isang kapanapanabik na pagtrabahuhan dahil mayroon kang higit na malawak na saklaw para sa malikhaing interpretasyon, upang mas makamit ang mga kulay at magdisenyo ng isang bagay na talagang kakaiba sa mata na para bang sobrang bago sa paningin. Nakakatuwa din na magtrabaho sa isang laro na may kasamang maraming yugto ng panahon — ibig sabihin nito’y maaari kong matuklasan ang mga disenyo at mahubog ang wika mula sa iba’t ibang lugar at kultura na may iba’t ibang teknolohiya at kayamanan at ito ay talagang kawili-wili. Kasalukuyang ginagawa ko ang mga konsepto ng tower halimbawa na lang kung paano babaguhin ang disenyo at hitsura mula sa pre-historic na panahon hanggang sa mga susunod na kapanahunan na talaga nga namang napakasayang tuklasin!

Ano ang iyong magiging rekomendasyon para sa mga junior na gustong gamitin ang kanilang mga kasanayan sa sining para sa industriya ng entertainment?

Huwag laktawan ang mga pangunahing kaalaman — anyo, pananaw, komposisyon, halaga, kulay at liwanag. Magsikap at magsanay nang magsanay! Ang isang pangunahing aspeto ay ang pagkakaroon ng mahusay na mga kasanayan sa disenyo at biswal na komunikasyon. Gaya ng nabanggit kanina, marami ang gawaing nagaganap sa likod ng mga magagandang konsepto na madalas mong makita sa mga art book, kaya ang kakayahang makabuo ng mga ideya at paglutas ng problema ay napakahalaga. Ang pag-iisip ng mga hindi karaniwang imahe at pag-iisip tungkol sa pagganap at pagkukuwento. Isa pa, hindi ko matandaan ngayon kung sino ang nagsabi nito sa akin ngunit ang karaniwang mantra o kasabihan na “maging mahusay sa trabaho at maging mahusay na katrabaho”. Ang industriya ng gaming at entertainment ay nangangailangan ng pagtutulungan, kailangan mong makatrabaho ang iba pang mga artist ng konsepto, mga tao mula sa iba pang mga departamento sa kumpanya, mga direktor ng sining, mga direktor atbp. palagi ka dapat magkakaroon ng mga listahan at puna na kailangang matugunan at baguhin!

Dahil marami kang iba’t ibang artistic skill set, maaari mo bang sabihin sa amin ang higit pa tungkol sa mga likhang ipinagmamalaki mo at saan mahahanap ng aming mga user ang higit pa tungkol doon?

Ang ilan sa mga trabahong ipinagmamalaki ko ay nasa ilalim pa rin ng NDA ngunit sa personal na gawa, gusto kong tradisyunal na magtrabaho at mas madalas kong ginagawa iyon kamakailan lalo na’t nagbibigay ito sa akin ng magandang pahinga mula sa screen! Gustong-gusto kong nagtatrabaho na gamit ang uling sa pagpipinta o pagpipinta gamit ang mga langis. Mahilig ako sa pagkukuwento at isa sa aking mga gawa na lubos kong ipinagmamalaki ay ang Icelandic Ice Giants. Natutuwa ako sa muling pag-imagine ng mga lumang mythical na hayop mula sa Icelandic lore. Ipinagmamalaki ko rin na hindi lang isang gawa, ngunit na kumpleto ko ang hamon na itinakda ko sa aking sarili noong nakaraang taon upang magpinta ng 100 na larawan ng pagsabog ng bulkan na naganap sa Iceland. Ito ay sobrang hirap ngunit napakasaya at marami akong natutunan sa prosesong ito. Ito ang gusto ko sa sining, patuloy na natututo at nagtutulak sa iyong sarili na lumikha ng mga bagong larawan, at bigyang-buhay ang mga lugar at mundo.

Maaari niyo akong mahanap sa aking Instagram account: https://www.instagram.com/amyrichesart

Maaari niyo rin bisitahin ang aking Artstation account: https://www.artstation.com/amyriches

--

--