Kilalanin ang Team — Kristján

(Ito ay pagsasalin ng opisyal na artikulong inilathala noong ika-14 ng Oktubre, 2022)

savant
playCivitas
5 min readFeb 9, 2023

--

Isang streamer, dating nagmamaneho ng Formula, isang tagapamahala ng marketing at komentarista ng mga palarong pumasok sa isang serbeserya. Iisang tao lang ang lahat ng iyon. At ang taong iyon ay si Kristján Einar Kristjánsson. Idagdag mo pa rito ang mala-isang batalyon na mga anak. Iniisip namin, papaano pa kaya siya nakakatulog at maski makipagtalastasan sa Civitas Discord Community. Isama mo na rin dito ang kanyang mga nakakatuwang mensahe ukol sa mga burgers.

Maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili at ibahagi ang iyong papel sa Civitas?

Ako si Kristján, ako’y mula sa Iceland at mayroon akong interes sa madaming bagay. Lubos akong nahihilig sa mga bagay na aking gusto tulad ng motorsports, pangingisda, paglalakbay sa kaparangan at paglalaro kung saan talagang binubuhos ko ang lahat ng aking enerhiya sa mga bagay na gusto kong ginagawa.

Sa kasalukuyan, isa akong tagapamahala ng marketing para sa Civitas. Ako ang nangangasiwa ng departamento ng marketing at komunikasyon sa loob ng kumpanya. Sinisigurado kong lahat ay may sapat na kaalaman sa mga nangyayari sa loob ng Civitas.

Nalaman naming mayroon kang kapansin-pansin na karera — Nagmamaneho ng Formula, streamer ng laro sa Iceland, komentarista sa mga palaro at ngayon, marketer para sa isang larong pang-web3. Paano mo nagawa ang lahat ng ito? Mayroon ka bang ibang mga katauhan?

Sa kasamaang palad wala akong ibang mga katauhan ngunit hindi ko maipagkakailang madami nga akong nagawa at ginagawa sa kabila ng aking maikling karera. Noong aking kabataan, ako ay talagang nakikipagkarerahan.; una sa mga go-karts sa Iceland at kalaunan ay naging pang-internasyonal na single-seater racing. Ito ang nagpasimula sa aking karera sa media na nagtatampok ng mga motorsports tulad ng F1 sa Iceland at sa kasalukuyan ay ito ang aking pinagkakaabalahan kasama na rito ang pagpapatakbo ng matagumpay na podcast na tumatalakay sa paksa na partikular sa Iceland. Bigla itong nagkaroon ng isang spin-off kung saan pinamunuan ko ang isang departamentong pagbrobrodkast para sa isang kapisanan ng Icelandic esports, naging komentarista at host, nagsisimula nang ang kapisanan ay nasa murang edad pa lamang, matapos nito’y lumipat naman sa dibisyon ng CS:GO, at pagkatapos maging host ng anim na season, ako ay nagretiro at sumali na sa Civitas. Subalit sa mga panahong ito, nagawa naming maipasok ang esports sa mainstream sa Iceland, nagkaroon ng isang estasyon ng TV na nakatuon sa paglalaro o esports at ang mga kaganapan, kasama ang mga interes na nakapaloob dito ay tuluyang lumago. Sa mga panahong ito, ako’y nakipagsanib-puwersa sa isa sa mga pinakamatandang gaming brands sa Iceland, ang GameTíví, upang buhayin muli ang programang nagsimula noong 1998, at noong nakaraang 2020 nilipat ito sa streaming. Ito na ngayon ay naging channel na mayroong anim na programa kada linggo na siyang pinalalabas sa nasyonal na telebisyon kasama na rito ang mga serbisyong pang-streaming at patuloy itong lumalago kada-buwan. Simula pa noong ako’y nasa murang edad pa lamang, ang aking pinagkakaabalahan ay ang mga startups at matapos ang ilang pagkakamali at tagumpay, napagdesisyunan ko na lumipat sa marketing. Una’y nagtrabaho para sa isang midyum at bilang isang espesyalista sa business development at concept/strategy sa isa sa mga tampok na ahensya ng marketing sa Iceland. Nang ako ay nasa esports, una kong nakausap ang team na bumubuo ng Civitas noong ako ay nag-host ng The Machines Arena world championships. Pagkatapos nito, nagtuloy-tuloy ang aming koneksyon at ako ay naging parte na ng mismong proyekto. Ako’y nasasabik na magkaroon ng isang kawili-wiling hamon na aking kakaharapin.

Sa tingin mo, paano naiiba ang web3 gaming sa mga tradisyunal na mga laro? Paano makikinabang ang mga manlalaro sa teknolohiya ng blockchain?

Sa aking palagay, ang pagkakaiba ng mga ito ay masyadong nabibigyang pansin. Sa huli, ang lahat ng ito ay tungkol sa paggawa ng laro at ang mga tunay na kahanga-hanga ang magtatagumpay. Bilang isang manlalaro ng MMO at ng FPS, madami akong nakikitang mga element na sasakto sa Web 3 space. Maging sa pagmamay-ari ng mismong mga bagay sa laro o kapag nais mo nang itigil ang paglalaro, mayroong aktwal na halaga ang iyong mga naipon na kagamitan o ari-arian. (Nanaisin ko sana kung mayroon akong kinita sa walong taon kong paglalaro ng EVE online…)

Ang Web 3 ay patuloy na lumalago kasama na rin ang mga larong nakapaloob dito. Laging magkakaroon ng mas malaking mga elemento rito tulad ng mga kasangkapan na may malaking halaga ngunit sa tingin ko’y makakakita tayo ng malaking pag-unlad sa pagkakalakalan ng may maliit na transakyon sa pagitan ng mga manlalaro.

Naniniwala akong hindi naman kailangang pag-usapan nang palagian ang mga “web 3 games” bagkus, mas dapat na mapag-usapan kung papaano nagagamit ang Web 3 bilang parte lamang ng laro, isang aspeto lamang na nakapaloob sa laro, at sa gantong paraan ako naniniwala na maaaring mangyari ang malawakang magtanggap ng konseptong ito.

Ano ang iyong paboritong aspeto sa pagtatrabaho sa Civitas?

Bukod sa pakikipaglokohan kay Error 404 araw-araw?

Una sa lahat, gusto kong nagtatrabaho kasama ang mga lubos na malikhaing pangkat na patuloy na nagbibigay ng mga resultang nag-aangat ng pamantayan sa tuwing magkakaroon ng pagpupulong. Patuloy akong nasusurpresa at ako’y nalulugod dahil doon. Isa pa, ang hamon ng pakikipagsapalaran sa isang konseptong bago para sa akin ay isang bagay na naiibigan kong gawin. Maging sa karerahan man, esports o kahit ang ilang mga startups na bumubuo ng mga proyekto kung saan doon ako ay nabibilang. Kung hindi maikokonsidera na hamon ang isang bagay o kung mayroon na itong nakatakdang plano kung paano gawin, tiyak na ang bagay na ito ay hindi para sa akin.

Ano ang iyong mga paboritong video games? Bakit?

Gusto ko ang mga karerahan kaya’t mayroon akong sapat na hilig para sa ganoong klaseng mga laro. Sa tingin ko, ang pinakapaborito kong laruin ay ang EVE Online at Counter Strike subalit, nang ako ay sumali sa GameTíví, nagbago ako mula sa pagiging manlalaro na nakatuon lamang sa isa o dalawang laro, sa ngayon na mayroong iba’t ibang baryasyon sa aking mga nilalaro.

Bilang wakas, maaari mo bang ibahagi sa amin ang recipe para sa perpektong “Monty’s Burger™”?

Ito, kaibigan, ay para lamang sa mga tao ng #montysburg… Kami ay mangangalap ng mga bagong kaanib.

--

--