Kilalanin ang Team — Shihai

(Ito ay pagsasalin ng opisyal na artikulong inilathala noong ika-18 ng Nobyembre, 2022)

savant
playCivitas
3 min readFeb 27, 2023

--

Hindi lihim na ipinagmamalaki ng Directive Games, Civitas development team, ang Iceland kung saan ito nagmula at ang pinakamalaking opisina nito sa Reykjavik. Ngunit alam mo ba na ang orihinal na Directive Games ay isang kumpanyang nakabase sa Shanghai na umiiral pa rin hanggang ngayon? Ang aming opisina sa Shanghai ay ang pangalawang pinakamalaking dibisyon, at marami sa mga miyembro nito ang nakakita o nakasaksi sa kumpanyang ito na nabuo mula sa simula.

Kilalanin si Wang Shihai, Senior Gameplay Programmer ng Civitas at isang tunay na OG ng Directive Games!

Maaari mo bang ibahagi sa ating komunidad ang tungkol sa iyong sarili at ang iyong tungkulin sa Civitas?

Isa akong senior gameplay programmer, at sa Civitas, ang layunin ay magpakita ng isang nakakatuwang game client, mula sa user interface, hanggang sa pag-hook up ng mga magagarang animation at buong logic ng laro.

Nag-aral ako ng communication science sa unibersidad, ngunit mas interesado ako sa software. At dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, sumali ako sa industriya ng laro noong 2008.(Pero, sino nga naman ang hindi mahilig maglaro ng video game?) Pagkalipas ng dalawang taon, nakilala ko ang isang grupo ng mga kawili-wiling lalaki sa CCP Games, at naging magkaibigan kami mula noon hanggang sa Directive Games. Mahigit isang dekada na ang nakalipas.

Tulad ng maraming tao sa Directive Games, gumastos ka ng malaking bahagi ng iyong karera sa CCP Games. Ano ang pakiramdam na lumipat mula sa isang malaking korporasyon patungo sa isang maliit na startup?

Masasabi kong mas mahilig ako sa maliliit na startup dahil una sa lahat, magagawa natin ang mga bagay nang mas mahusay. Mas malapit ang relasyon naming magkakasama sa trabaho at mas madaling makipag-usap sa sinumang gusto mong kausapin, at siguradong napakarami pang ibang dahilan.

Ngunit siyempre, ang isang malaking korporasyon ay may mga kalamangan din. Mayroong mga patakaran upang pamahalaan ang mga proyekto at ang korporasyon, mga patakaran upang mapanatili ang kaayusan. Maswerte kami na ang aming natutunan mula sa CCP ay tiyak na isang kayamanan. Nakakatulong ang mga ito sa amin na gawing maayos at klaro ang proyekto, at dahil hindi kami ganoon kalaki, maaari naming alisin ang ilang mga paghihigpit, panatilihin ang mga mahahalagang bagay at gawin itong mas mahusay.

Ano ang pinakagusto mo sa pagtatrabaho sa Civitas?

Ang pangunahing gameplay ng Civitas ay ang bumuo at magpa-unlad, mag-trade at mag-evolve. Marami nang nakakatuwang gawain doon, ngunit hindi lang iyon. Bilang isang larong community-driven, maraming posibilidad na maging bago ang Civitas, isang bagay na iba kaysa sa anumang laro na mayroon na tayo. Nakakatuwa kung ito’y iisipin at inaasahan kong masaksihan ang paglaki ng Civitas at maging bahagi ng developer team.

Ano ang iyong pananaw sa web3 gaming? Ano ang gagawing paraan para maging mainstream ito?

Ang paglalaro sa Web3 ay talagang mainit at patok sa panahong ito. Gayunpaman, ang web3 gaming ay nasa maagang yugto pa rin nito, at mayroon itong mga hadlang para sa mga tao na gusto ito subukan, at siyempre ang bagong konsepto ay makakaakit ng mga taong may mga pagdududa.

Ngunit sa palagay ko ang pangunahing usapin dito ay wala pang sapat na magandang laro sa web3 para magkaroon ang mga manlalaro ng dahilan upang subukan ito. Ang isang laro na may mahusay na kalidad ay kinakailangan upang gawin itong popular, kaya isang mahusay na kalidad na laro ng web3 ang unang bagay na kailangan natin upang gawing mainstream ang web3 gaming.

Ano ang iyong mga paboritong laro at bakit?

Gusto ko talaga ang Assassin’s Creed. Ang mga eksena ay maganda at kahanga-hanga, at ang mga aksyon ay malinis at malupit. Ang istorya ng larong ito ay laging pinaparamdam sa akin na para bang nagbabasa ako ng isang nobela.

Bukod pa don, ang Football Manager ay isa ring laro na gusto ko. Ako ay nasisiyahan na bumuo ng sarili kong koponan at manalo ng ilang mga titulo. At walang mas gaganda pa kaysa sa paglilinang ng isang batang manlalaro at gawin siyang superstar.

Kapag kasama ko ang aking mga kaibigan, ang Pro Evolution Soccer ang aming unang pagpipilian dahil sa kasiyahang dulot nito.

--

--