AKO AY PILIPINO

Jewel Grace
Pluma Manila
Published in
2 min readAug 31, 2020
Photo credit: Philippine Culture by AzureRo

Ako’y isang Pilipino
May karapatang ipaglaban ang bansa ko
Hindi natatakot lumaban at magreklamo
Sa mga katiwalian ng gobyerno.

Bansa kong Pilipinas
Kaawa-awa ang iyong dinadanas
Sa kamay ng mga mandurugas
Na kasamaan ay wagas.

Ako’y isang Pilipino
Hindi Amerikano o Tsino
Kaya ipaglalaban ko ating teritoryo
Sa gustong umangkin nito.

Tayo’y di tunay na malaya
Sa tunay na kalaban ng bansa
Ang mga nasa itaas na namamahala
Na sobrang mapagmahal sa pera.

Ako ay Pilipino
Nakikita ko mga pinagagawa n’yo
Hindi para sa mga tao
Kundi para sa mga sarili n’yo.

Habang yumayaman ang mga nakaupo
Naghihirap naman ang mga mamayanang Pilipino
Pati na rin ang bansang ito
Dahil sa kasikiman n’yong mga politiko.

Photo by RJ Joquico on Unsplash

Ako ay Pilipino
Ngayon ay nangangako
Hinding-hindi na iboboto
Ang mga katulad n’yo.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

Jewel Grace
Pluma Manila

Filipina poetess ~ Spoken Word Poetry Artist💎 19 💛