Ako Si Princess Sarah

Na-realize ko ngayon lang na ako pala si Princess Sarah.

Andrew Beso
Pluma Manila
4 min readAug 24, 2020

--

Wala ba sa inyo nakapanood ng “Sarah…Ang Munting Pinsesa”? Isang pelikula ng Star Cinema noong 1995 na hango sa isang nobelang pambata na “A Little Princess” na isinulat naman ni Frances Hodgson Burnett?

Sarah… Ang Munting Prinsesa (1995) | Star Cinema

‘Di nyo ba naalala yung laging pinagtutulungan at inaabuso sina Lottie at Ermengarde nina Lavinia at ng mga alipores nya? Matapang si Lavinia kasi popular kid sya eh at alam nyang kakampi nya si Ms. Minchin.

Sarah… Ang Munting Prinsesa (1995) | Star Cinema

‘Di nyo ba naalala kung paano pinagiinitan at inaabuso ni Ms. Minchin si Sarah kasi wala yung tatay nya para bantayan yung bata? Ganun talaga, matapang ang mga nangaabuso ‘pag walang magbabantay.

Sarah… Ang Munting Prinsesa (1995) | Star Cinema

‘Di nyo ba naalala kung paano basta-basta pinakialaman ni Lavinia ang gamit ni Sarah at ninakaw pa ‘yung manikang si Emily? Kukunin nila ang lahat ng sa iyo. At wala kang magagawa.

‘Di nyo ba naalala kung paano nagimbento ng kwento si Lavinia na inaway daw sya ni Sarah at sabay sumbong kay Ms. Minchin? At kung paano pinarusahan yung inosenteng bata?

Sarah… Ang Munting Prinsesa (1995) | Star Cinema

‘Di nyo ba naalala kung paano minaltrato si Becky dahil mahirap lang naman sya? At si Becky naman, ‘di makareklamo kasi walang kakampi. Sino nga ba naman ang makikinig sa mga nasa laylayan?

‘Di nyo ba naalala na hirap magsumbong ang mga kaklase mo dahil sa isang malupit at terror prof na Ms. Minchin? Kanino pa nga ba magsusumbong ang mga bata kung ang terror prof mismo ang problema?

Sarah… Ang Munting Prinsesa (1995) | Star Cinema

Naging biktima si Princess Sarah. Kinulong. Tinanggalan ng karapatan. Minaltrato. Bakit? Dahil ginusto lang ni Ms. Minchin. Walang aawat. Walang idadaan sa guidance office para imbestigahan. Tapos, ‘pag nalaman na mali pala ang akusa sa bata, oops sorry na lang. Sabi kasi ni Lavinia masamang classmate ka daw eh.

Pero ‘pag ikaw naman ang magreklamo, isa lang ibig sabihin nito: kinakalaban mo si Lavinia at Ms. Minchin. Ang dali lang naman gumawa ng kwento tungkol sayo — nangopya ka sa exam, magnanakaw ka, bad example ka sa mga classmates mo.

Meron tayo ngayong terror prof na Ms. Minchin!

Merong din syang mga tagasunod na handang gawin ang utos nya.

Pwede tayong maging biktima!

Photo by Bernard Testa | Business Mirror

Kung ikaw si Princess Sarah, ano gagawin mo?

Lalabanan mo ba ang mga nang-aabuso?

‘Wag ka mag-alala. Kasama mo ang buong klase.

Photo by KJ Rosales | The Philippine STAR

Uulitin ko. Ikaw, Princess Sarah, mananahimik ka lang ba? Hahayaan mo na lang bang maiwan kang nagbabalat ng patatas?

Andrew Beso is a Manila-based content creator who is exploring different ways of sharing art — whether it be written, spoken, and visualized. Aside from being in Medium, his work can also be seen on Youtube, Instagram, and Tiktok.

He is using his undergraduate and master’s degree in Economics and Political Economy, respectively, in discussing social issues through creative expressions.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

Andrew Beso
Pluma Manila

𝕊𝕠𝕔𝕚𝕖𝕥𝕪 | ℂ𝕣𝕖𝕒𝕥𝕚𝕧𝕚𝕥𝕪 — —bio.bar/andrewbeso