Ang Pabango ni Inay

kalahatingpapel
Pluma Manila
Published in
1 min readSep 23, 2020
Photo by Erik De Castro via AvaxNews

Hindi ko mawari ang pabango ni Inay—
Amoy usok ng kalan,
sabon panlaba,
putik sa bukid,
pawis sa ilalim ng araw.
Araw-araw iyon ngunit malimit
kung humalimuyak;
Madalas ang naamoy ko ay ulam,
rosas sa kamiseta at pera.
Minsan naman tila barado ang aking ilong.

Samu’t saring pabango na ang aking nakilala’t nasubukan
ngunit kumakapit pa rin ang kanya sa kulubot niyang balat.
Kapag katabi ko siya ako ay nauubo;
Lihim kong nilulunok ang nagbabadyang hikbi
sapagkat hindi pa siya naging mabango kahit kailan.
Siya lagi ang pinakamabaho.
Kapag nalalanghap ko ay nahihinga ko ang takot;
Ayaw ko pang maging simbango siya ng kampupot.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

kalahatingpapel
Pluma Manila

sinisikap lumingon sa kaliwa't kanan, loob at labas, ibaba't itaas, at layo't lapit ng tanawin