Maria Coquilla
Pluma Manila
Published in
Dec 3, 2021

Babad sa Iniisip

Photo by Steve Johnson on Unsplash

Ako'y nakasuot ng kasuotang panlamig
Pantaas ay may mahabang manggas ngunit nasa ibaba ay kansonilyo
Nanatili sa ilalim ng makapal na kumot, may bakas ng kulay-rosas na di ko kilalang bulaklak

Giniginaw kong sinalubong ang panghuling buwan ng taon
Malakas ang daloy ng hangin at may dalang mausok na yelo
Banggit nga sa radyo ay may bagyo
Kapangalan pa ng isang salamangkerong nakatira sa isang laro

Sa gitna ng bagyong dala rin ay mapanglaw na pag-ulan
Kahit hindi man nagsanhi ng baha
Kahit hindi naman nababasa ang aking higaan ng tubig-ulan
Ako ay nalulunod

--

--