Maria Coquilla
Pluma Manila
Published in
2 min readJan 23, 2022

--

Dismaya sa Minsang Tinitingala

Photo by Cody Giles on Unsplash

Ako ay minsan nang nakaabot sa tuktok
Roon ay puno ng mga kumikinang na bituin at lumilipad na paruparo
Ako ay nasa ibabaw ng alapaap na may arkong napakarikit na bahaghari
Tila ba ay roon na ako titira habang buhay

Tila ba ay likas ang naibigay sa akin, nagniningning raw at saka magaan
Kung kaya ay nagawa kong makaabot sa paraiso
Likas, kakaiba, at natatangi kumpara sa iba
Yun ang mga naririnig sa nakakatanda

Kaya ayun ang napaniwalaan sa loob ng maraming taon
Medyo lumaki ang ulo sapagkat sinisipsip ang bawat papuring tinatapon
Sa paglobo ng ulo ay unti-unting umangat ang kapurihan
Hanggang sa ayun nga’y narating raw ang tuktok

Akala ko ay permanente nakong titira roon
Nakapagandang kaisipan naman
Sapagkat naging lobo naman ang aking ulo
Kaya patuloy lang rin akong lulutang sa paraisong iyon

Ngunit nang sumampa ako sa panibagong yugto
Hindi ko batid na meron palang pakong nakatindig
Hindi ko rin naramdaman ang pagtusok neto
Ang alam ko lang ay unti-unting bumagsak ang aking katawan

Kaya sumabay nalang rin ako sa agos ng hangin
Kung saan man nito pinapadpad ang aking ulo
Tinatago nalang ang kalungkutan at pagkadismaya
Sa likod ng pagiging tamad at kawalan ng interes na ayusin ang butas sa lobo

Malapit na akong makababa sa lupa
Kaya naririnig ko na ang iniisip ng madlang nakatingala
Napupuno ng dismaya at paghihinayang
Nag-iiba na paningin nila, nakakatakot naman

--

--